Fate 2

31.7K 434 20
                                    

Pag-uwi ko sa bahay nakita ko na namang nagtatalo sina mama at papa. Sus! Palagi naman eh. Sanay na ako. Magkakabati din yan, trust me. Hahaha

Di ko nalang sila pinansin at umakyat na sa kwarto ko.. Bumungad naman sakin yong topakin kong kapatid. tss


"Hoy ate! Bat ngaun ka lang?" Kita nyo na? Mayordoma yan dito eh. Haha

"Pakialam mo ba!" Sabi ko sabay pasok sa banyo para maghalf bath.

"Eh kanina ka pa sakin hinahanap nila mama eh!" Sigaw nya mula sa labas.

Di ko nalang ulit sha sinagot at nagpatuloy na sa paghalf bath ko.

Nang matapos akong magbihis e bumaba muna ako para kumain. I'm sure tapos na sila. 8:20pm narin kasi eh.

"San kaba galing anak? Bat ginabi ka ata?" Tanong ni mama.

"Kila Alen po ma. May tinapos lang kaming project" sabi ko sabay subo ng kanin.

"Ganon ba? Nagtext ka man lang sana. Pinag alala mo kami ng papa mo" sabay pout ni mama.

"Sorry po ma. Nakalimutan ko po eh. Kaya po ba kau nag away ni papa?"

"Oh, you saw it? Myghad! Yang papa mo kasi napaka OA mashado! Matanda na kasi kaya ganyan" pabagets na tugon ni mama.

"Narinig ko yon! Sinong matanda ha!" Sabi ni papa na papalapit na kay mama. At alam nyo ba kung anong ginawa nong dalawa? Naku! 'Naghabulin mo ako' chuchu! See? Bati na sila. Hahaha. Napailing nalang ako tsaka ipinagpatuloy ang pagkain...

———

Kinaumagahan e naglakad nalang ako papuntang university kc malapit lang naman. Tsaka para iwas gastos narin. Nagtitipid po kasi ang lola nyo! Hahaha.

Anyways, Business Administration po yong course ko pati si Alen taz Accountancy naman kay Sasha.

——

Malayo palang ako ay tanaw ko na yong malaking "Ventura International University" na naka engraved sa Upper Portion ng Gate ng school namin. Yes, i'm studying in an exclusive international school. Puro mayayaman yong mga nag-aaral dito. Kung hindi anak ng mga Business Elites eh anak naman ng mga politicians. at ako? Malamang anak ako ng mama at papa ko! Hahaha. Joke lang! mm.. Hindi naman akokasing yaman gaya nina Alen, Sasha o ng mga students dito.. Si mama ay isang Elementary Teacher sa isang pampublikong paaralan taz si papa naman ay may minamanage na dalawang Bakery Shop.


Kaya lang naman ako nakapasok jan ay dahil Scholar po ako. Oo na! Alam kong nagtataka kau bat ako scholar e natutulog lang sa klase. E kasi nga po wala lang ako sa mood kahapon tsaka Boring kc magturo yong matandang hukluban na yon. Hahaha!


Magna Cum Laude standing po ako. Wag na kayo magtanong kung bat matalino ako e matalino ang author eh! Hahahaha joke lang! Osha makapasok na nga sa first subject ko. Favorite ko pa naman yon.

——


"Alen? Wala pa si Sir Pogi?" Pambungad kong tanong kay Alen na Busy kakalikot ng phone nya. Haha kaya favorite ko tong subject nato kasi Pogi yong professor namin! Hahaha. Shempre partly lang un. Favorite ko talga to.


"Nakikita mo ba sha jan sa harap Zel? Malamang wala diba! Duh!" Sabi nya sabay ikot ng mata. Eh kung dukutin ko kaya mata nito! Umupo ako sa tabi nyang upuan tsaka sha kinurot sa tagiliran.


"Aray ano ba!" Reklamo nya sabay nguso.


"Sus! Ingudngod ko sa semento yang nguso mo Alen eh! Bruha ka. Nagtatanong lang eh!" Sabay irap sa kanya.


"Ito naman di na mabiro. Eh kasi naman Zel no! Iniistorbo mo ang pangstalk session ko! Hmp!" Sabi nya at tumingin ulit sa phone nya.


"anong stalk session ka jan! At sino na naman yang ini-istalk mo aber?!" Pinandilatan ko sha ng mata. Nakuu! Ito talagang babaeng ito!


"Sino pa ba! Edi si Fafa Steven! Kyaaaa! Ang gwapo gwapo nya talaga! Alam mo bang nakita ko sha sa Accounting department kanina! Makalaglag uterus talaga Babe!" Kilig na kilig na sabi nya. Ayon hinampas ko nga sa ulo. Andaming alam eh!


"Aray naman Zel! Kanina kapa ha!"


"Eh kasi naman Alen. Tigil tigilan mo na nga yan! Ano bang mapapala mo kakastalk sa Ventura na yan? Oo nga gwapo sha at anak ng may ari ng school nato eh ikakayaman ba yan ng Pilipinas?"


"Alam mo ikaw babe ha! Nakakahalata na ako sayo. Bat ba parang ang laki ng galit mo kay Steven ha? Eh wala naman ginagawang masama sayo ang Baby Steve ko ah!" Langya talaga tong lokang to!


"Alen naman! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo! Anong Baby Steve mo? Haleeer! E di ka nga kilala non eh. Sa laki ba naman ng school nato e mapapansin ka pa kaya nya? And FYI hindi po ako galit sa kanya. Sadyang di ko lang sha feel" mahabang talumpati ko. Hahaha


"Ouch naman Zel! Alam ko namang hindi ako kilala nong tao pero wag mo namang ipamukha sa maganda kong mukha"


"Hahaha. Really? Maganda ka pala babe? Saan ba banda? Hahaha"


*PAK*


"Aray!" Reklamo ko. Batukan ba naman ako! tss.


"Yan ang bagay sayo, Bruha!" At yon nauwi nalang sa hagikhikan yong asaran namin.

——

Matapos ng Dalawang subject namin ni Alen sa umaga e maghihintay nalang kami sa dalawang remaining subjects namin mamayang alas tres ng hapon. Eh ala una pa ng hapon kaya napagpasyahan naming tumambay muna sa Soccer field. Mahangin don and I'm sure wala mashadong tao don ngayon.


"Hoy Zel! Texan mo nga si Sasha na pumunta dito! Namimiss ko na ung lokang yon!"


"Makautos naman to! Sipain kita jan eh!" At yon i texted Sasha at sabi nya papunta na raw sha...

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon