Chapter 37: They're Back

Start from the beginning
                                    

"Who the hell are you?" sigaw ni Lance ngakita ang mga ito.

"Your worst nightmare."

** Stefan's POV

Nakarating na sa akin ang balitang hiwalay na sila Lance at Monique. At ngayon..alam ko na bakit ganun ang lagay ni Monique. Alam kong mahirap ang ginawa niya. Ang saktan ang lalaking mahal niya para sa kaibigan niya.

Pano ko nalaman yun?

Sabi nga nila, pag ang tao wala sa sarili bigla nalang niyang masasabi kung ano yung nasa isip niya. Monique wasn't aware that I was there while she was murmuring all the things that happened to them.. All the pain.

All the pain she gave to Lance for the revenge of her friend.

"Stefan? Are you even listening?"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Hayana. Kanina pa siya dito sa condo ko dahil nagpumilit siyang pumasok at may sasabihin daw. Pero sa totoo lang wala akong nadinig sa mga sinabi niya. Hindi ko nga din alam kung anong purpose ng pagpunta niya dito. Dahil bukod sa sila ang may-ari ng condo na 'to. Member din siya gang na tumulong sa amin para mapatalsik ang gang ni Lance sa trono. She is one of the Evil Mariposa.

"I'm sorry. What is it all about?" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang bilugan niyang mga mata.

"Stefan! I just confessed my feelings for you! How can you be so mean like this?" galit na sabi niya. Confessed? Ano naman kayang sinabi niya at galit na galit siya.

"Ano ba yun? Pwede mo namang ulitin diba?"

"Umamin lang naman akong mahal kita! Tapos all this time, hindi ka pala nakikinig? Ano bang iniisip mo ha? Babae ba yan? Sinong babae yan?"

Daig pa nanay ko kung makaputak.

"Oo babae nga. Sino siya? Wala ka na dun. And if you don't mind. Inaantok ako. Gusto kong magpahinga. ",padabog siyang lumabas ng condo ko.

Maganda si Hayana. Oo. Pero hindi siya ang tipo ng babae na seseryosohin ng lalaking kagaya ko. Hindi siya yung tipo ng babae na kagaya ni Monique.

**Clyde's POV

Hay! Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang feeling kapag sikat at maganda ang girlfriend. Feeling ko everytime na may titingin na lalaki sa kanya gusto ko ng manapak. At kapag may babae namang titingin ng masama sa kanya, gusto kong dukutin mga mata nila.

"Baby? Are you ok?" napatingin naman ako sa kanya. Bakit ba kasi ang ganda ng girlfriend ko? Problemado tuloy ako.

"Baby, pwede ba kahit isang araw lang maging pangit ka naman?" out of no where ay bigla ko nalang nasabi.

"What? Baby? Anong problema? Ayaw mo na ba sa akin kaya gusto o na akong maging pangit?" at sabay nag-pout siya. Hayy.. Lalo akong nai-in love.

"Joke lang baby. Naiinis kasi ako. Andaming tumitingin sayo." nakayukong sagot ko. Nagpapalambing lang.

"Hey. Is your name Clyde dela Cruz?" tanong ng isang magandang babae na naglalakad papalapit sa amin ng Princess ko.

"Oo! Siya nga! Bakit? Anong kailangan mo sa boyfriend ko?" sagot ni Princess sa kanya. Well, protective girlfriend. Pero ano kayang kailangan sa akin ng babaeng 'to?

"Hey! Es él!" (It's him.) sigaw nung babae sa mga kasama niya.

Yung mga kasama niya. Parang kilala ko sila. Isa-isang lumapit sila sa kanya. Walo na sila ngayong nakatayo sa harap ko. Limang lalaki at tatlong babae.

Inaru. Xandre'. Darius. Fabio. Agathus. Themarie. Xena. And the girl who talked to me.. Nova.

It's them. They're Back. The BOS is back.

** Cahriya's POV

Para nalang akong simpleng tao na walang buhay. Wala na ate ko. Wala na bestfriends ko. Wala na rin si Lance. I only had one left. Si Stefan. Sana kahit binu-bully niya ako, sana hindi niya ako iwanan.

Papunta ako ngayon sa condo niya. Wala na akong magawa sa bahay e. Wala na rin namang pasok. Christmas break kasi. At dumaan ang pasko na ako lang mag-isa. How sad?

Pagbukas ng elevator ay agad na akong pumasok,pero bago ito magsara ay may pumasok na babae. Matangkad, maputi, may highlights ang buhok niya, at may tattoo siya ng isang mariposa sa ay kaliwang braso niya. Mukha din siyang maldita. Pero mas maldita ako.

"Hello! Ngayon lang kita nakita dito. Bagong tenant ka ba?" biglang tanong niya sa akin. Hindi naman pala masungit e.

"Ah hindi. May dinadalaw lang ako." nakangiting sagot ko.

"Ahh. Kami kasi may ari neto kaya kilala ko lahat ng nakatira. Nagtaka lang ako kasi I've never seen you before. Well, sino ba yung dinadalaw dito? Boyfriend?"

Tsimosa naman neto.

"Oh no. Friend ko lang. Si Stefan Aguirre." pagkasabi ko ng pangalan ni Stefan ay biglang kumunot ang noo niya.

"Friend? I don't know na may kaibigan pala siyang babae. Ikaw siguro yung babaeng tinutukoy niya." hindi ko alam pero parang naging bitchy na yung way ng pagsasalita niya. Pakitang tao pala 'to e.

"Tinutukoy niya? Bakit? Ano bang sinasabi niya about sa akin?" tanong ko naman. Malay ko ba kung sinisiraan na niya ako.

"Ah wala naman. Never mind-----"

Biglang namatay ang elevator. Ang dilim. Ang init. Ang sikip. Shet! Diko kakayanin 'to!

"Miss? Ok ka lang ba dyan? Nandyan ka pa ba?" narinig kong sabi nung babaeng kasama ko.

"Yes. I'm here. What happened?"

"I don't know. Ngayon lang nangyari 'to." Naramdaman ko siyang lumapit sakin.

"I have an idea!" biglang saad niya.

--------------------

Tinulungan ko siyang maka-akyat sa taas para tignan kung may way out kami doon. Dahil diko talaga kakayanin na ma-stock out dito.

"Meron bang daan dyan?" tanong ko ng makaakyat na siya.

"Yes. There it is." sagot naman niya. Hay salamat.

"Okay. Help me pull up." sabi ko naman. Inabot niya yung kamay ko at hinila ako pataas pero bigla siyang nag-smirk at binitawan ako. Dahilan para ma-out of balance ako at matapilok.

"Oooops! Sorry." nang-aasar na sabi niya. Letche 'to! May saltik pala 'tong haliparot na 'to e!

"Problema mo? " sigaw ko sa kanya habang iniinda ang paa kong na-sprain dahil sa pagkaka-laglag ko.

"You mess with the wrong person. Stefan is mine. Mine alone. Kaya ikaw? Manigas ka dyan!" at sabay nun ay bigla na siyang umalis at iniwan ako.

Ano bang ginawa ko sa kanya? Hindi ko naman inaagaw si Stefan sa kanya ah! Pesteng buhay 'to! Pano ako makakalabas dito? Kinuha ko yung phone ko. Pero walang signal!

--------

Isang oras na akong nakakulong dito. Pawis na pawis na ako. Mauubusan na ako ng hangin. Mamamatay na ata ako dito. Tinignan ko ulit yung phone ko para magbaka-sakali. Nabuhayan ako ng loob ng makita kong may isang bar ang signal nito. Agad kong tinawagan ang number ni Stefan.

Please pick up the phone...

"Hello Monique? Napatawag ka?"

"S-stefan..He-lp me." nanghihinang sagot ko.

"Huh? Why? Nasan ka ba? Anong nangyari sayo?"

"E-le-va....tor."

That's the last thing I remember befor everything turned black....

$5

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now