Chapter 35: Scared To Death

Start from the beginning
                                    

Hindi makapagsalita si Riya. Pinipigil niya ang pag-iyak. Gulong-gulo ang utak niya. Ayaw na niyang saktan pa si Lance. Mahal na mahal na niya ito.

~~Hindi naman siguro masama kung pipiliin kong maging masaya diba? Maiintindihan naman siguro ako ni Ziri kapag ginawa ko 'to. Mahal ko si Lance.. kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo...~~

Tumayo si Riya at lumapit kay Lance. Nakangiti din namang tumayo si Lance.

"Lance...May sasabihin-----" hindi na naituloy ni Riya ang sinasabi niya ng biglang lumuhod si Lance sa harapan niya.

"Cahriya ko..." hinawakan niya ang kamay ni Riya

"Lance? Bakit ? Ano 'to?" naguuluhang tanong niya.

"Alam kong hindi maganda ang unang pagkikita natin. You even gave me two dirty fingers that time. Pero nakakatuwang isipin na dadating pala tayo sa ganito. Ni hindi ko naisip na maiinlove ako sayo. Cahriya ko, alam kong galit ka sa akin noong sinaktan ko si Ziri. Pero gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko na yun. At kung makikita ko man si Ziri ngayon, buong puso akong hihingi ng tawad sa kanya. Ikaw ang dahilan kung bakit nagmahal ako ulit. Kung bakit ako nagbago. Binago mo ako Cahriya. I know it's too early to ask you this but I just can't wait. I'm not forcing you to answer now Cahriya... Will you stay with me forever? Will you grow old with me? Cahriya Monique Koh...will you be my forever? Will you marry me?" sabay inilabas niya ang singsing

Hindi nakasagot si Riya. Umiyak lang siya ng umiyak habang nakatingin kay Lance na nakaluhod parin. Gusto niyang maging masaya at tanggapin ang alok ni Lance. Pero huli na...

"How sweet?" sarcastic na pagkakasabi ni Ziri na papalapit sa kanila.

Napatayo si Lance ng makita siya. Habang si Riya naman ay nagpunas ng luha. Pinagpagan ang sarili. Hinawi ang buhok at mula sa pagiging Riya na punong-puno ng emosyon ay napalitan ito ng isang Riya na walang ipinapakitang kahit anong emosyon.

"Ziri?" gulat na tanong ni Lance

"Yes, Lance? It's nice to see you again after you dumped me." nakangising sabi ni Ziri.

"Ziri.. tungkol dun sa ginawa ko sayo dati. I'm really sorry. Pinagsisisihan ko na yung lahat ng yun. Sorry sa lahat. Sorry kung sinaktan kita. Sorry kung pinaiyak kita-----"

"I've been the girl-middle finger in the air, unaffected by rumors. The truth: I don't care. Eversince that day you did that to Ziri, I swear to myself she'll get even. I made you believe in love, Lance. I made you believe in something you can't. So find a new lifestyle, a new reason to smile, if you still can. There's no more reason for her to cry over you now. And I think it's more likely to say that you will cry over me now." seryosong pinutol ni Riya ang sinasabi ni Lance. Walang kahit emosyon ang nakita sa mukha ni Riya.

"What do you mean? Cahriya? Anong nangyayari sayo?" gulong-gulong tanong ni Lance.

"Hindi pa ba malinaw sayo yun Lance? Pinaglaruan ka lang ni Riya. Sinakyan ka lang niya gaya ng ginawa mo sa akin. Ngayon, mararamdaman mo na ang sakit ng maloko,Lance. Mararamdaman mo na ang sakit na ipinaramdam mo sa akin noon." punong-puno ng sakit na sabi ni Ziri.

Napahinga ng malalim si Lance. Gulong-gulo siya. Lumapit siya kay Riya at hinawakan ng mahigpit ang mga balikat nito. Mahigpit na mahigpit ang pagkaka-hawak niya dito pero hindi ito ininda ni Riya.

"Cahriya,sabihin mong hindi totoo yun. Diba mahal mo ako? Diba? Tell me it's not true! Tell me!" sigaw ni Lance sa kanya. Ngunit tinignan lang siya ni Riya ng napakalamig.

"At naniwala ka naman? I never loved you, Lance. It's a big mistake to love someone like you. Because Lance, You're nothing but a trash! Basurang pinagpasa-pasahan."

Napabitaw siya bigla kay Riya.

"Akala ko iba ka. Well, iba ka nga. Mas masahol ka pa sa mga babaeng ikinama ko. Siguro pagtapos nito. Susundan mo na si Jaron at magsasama na kayo. Ang galing mo. Tinuhog mo kami ng kaibigan ko. You're nothing but a slut!" isang napaka-lakas na sampal ang ibinigay ni Riya sa kanya.

"Ipapaalala ko lang sayo dahil baka nakalimutan mo na 'to dahil nabaliw ka sa pag-ibig mo sa akin. Una palang sinabi ko na sayo sisirain ko ang buhay mo. Ang tanga mo lang kasi hinayaan mo akong gawin yun. Pareho kayo ng kaibigan mo. Palibhasa wala kayong ibang alam kung hindi manakit ng babae at makipag-basag ulo!"

"Congratulations! Nasira mo na ang buhay ko. Tapos ka na ba? Kung tapos ka na, pwede ba umalis kana sa harapan ko? Baka kasi kung ano pa ang magawa ko sayo!" nanggigigil na sabi ni Lance sabay itinulak ang lamesa kaya nabasag lahat ng nakapatong doon. "Go! I don't want to see your face ever again!" galit na galit na sigaw niya.

Sabay na umalis sina Ziri at Riya. Tahimik lang sila pareho ng sumakay sa kotse ni Ziri.

"Thank you for that Riya. Siguradong nasaktan mo siya ng sobra dahil sa mga sinabi mo." masayang sabi ni Ziri kay Riya.

"Masaya ka na? Sana ngayong masaya ka na Ziri,sana mapansin mo na yung taong totoong nagmamahal sayo noon pa. Ang tagal-tagal mong nagpaka-tanga kay Lance. Ni minsan hindi mo binigyan yung taong yun ng chance. Everytime na nasasaktan ka, doble para sa kanya. At ngayong nakaganti ka na,sana mawala na yang galit sa puso mo. Kasi ang tagal ng naghihintay sayo ni Nico. Sana this time bigyan mo ng halaga yung matagal na niyang nararamdaman para sayo." seryosong sabi ni Riya sabay lumabas na siya ng kotse ni Ziri.

** Ziri's POV

Isang oras na ang nakalipas ng bumaba si Riya sa kotse. Natulala ako sa sinabi niya. Ano na nga bang nangyari sa akin? Naging napakasama ko na ba sa kanila ni Nico?

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now