Chapter 35: Scared To Death

Start from the beginning
                                    

Bakit nga ba hanggang kaibigan lang ako? Hindi ko na kailangan pang tanungin sa sarili ko ulit yon. Dahil ako din naman ang dahilan kung bakit nawala yung feelings niya para sa akin.

Lumabas ako sa kwarto at nagpunta sa may veranda. Nagi-snow. Sana ulan nalang. Kasi kung ulan 'to. Hindi mahahalata na umiiyak ako.

**3rd Person's POV

7pm

Dumating si Lance sa bahay ni Riya para sunduin siya. Masayang-masaya niyang sinalubong si Riya na nakayuko naman habang palabas ng bahay. Ayaw niya kasing makita nito na namumugto ang mga mata niya.

"Are you ok?" tanong ni Lance sa kanya ng mapansin siya nito.

"O-oo. Ok lang ako. Tara na?"

------

Nakarating sila sa isang garden. Isang magandang garden na for sure ay magugustuhan ni Riya.

Pagbaba ni Riya sa kotse ay nilagyan ng piring ni Lance ang mata niya ng itim na panyo.

"Teka Lance! Ano 'to?" gulat na tanong ni Riya.

"It's part of the surprise. Wag kang mag-alala. Just hold my hand and nothing bad will happen to you." sabay hinawakan niya ang kamay ni Riya

Dahan-dahan silang naglakad. Inalalayan niya pa rin si Riya hanggang sa tumigil sila. Binitawan siya ni Lance.

"Lance! Wag mo akong iwan!" sigaw ni Riya ng akala niya ay iwan siya ni Lance.

"Nandito lang ako." sabi ni Lance na nasa likod lang ni Riya. Tinanggal niya ang piring sa mata ni Riya at tumambad sa kanya ang isang napaka-gandang lugar.

Hardin na puno ng magagandang bulaklak. Mga puno na nasasabitan ng magagandang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa paligid. May munting ilog din dito na may magandang tulay na napapalibutan ng mga bulaklak. May candlelight table din na naka-set up doon.

"Lance? Ano 'to?" gulat na tanong ni Riya.

"I know how you love places like this. Kaya dito ko naisipang dalhin ka. And I exerted a little effort for building that bridge. Did you like it?" tanong niya

"Yes. I love it. Thank you." nakangiting sagot ni Riya. Pero in the back of her mind. Alam niya... hindi siya dapat maging masaya.

"Tara?" inilahad ni Lance ang kamay niya at sabay silang naglakad papunta sa bridge at umupo na..

"Ilang araw ko ring pinag-isipan 'to. Kung sinu-sino pang land scapers ang tinawagan ko para lang maperfect 'to. Mabuti naman at nagustuhan mo.." masayang sabi ni Lance at isang pilit na ngiti lang ang isinagot ni Riya dito.

Tumayo si Lance at may kinuha sa ilalim ng mesa. Pag-angat niya ay may hawak na siyang 12 na pirasong bulaklak.

"Ano yan?" takang tanong ni Riya

"Rose." kibit balikat na sagot naman ni Lance

"Alam kong rose yan. Pero bakit may ganyan?"

"Para sayo." sabay inaabot niya ito sa kanya. Pero ng mahawakan ito ni Riya ay may napansin siya sa isa sa mga bulaklak

"Teka? Bakit may fake?" inihiwalay ni Riya yung fake na rose at tinignan si Lance. Ngumiti lang ito sa kanya sabay hinawakan yung kamay ni Riya na may hawak na fake rose.

"You know how much I love you right?" tumango naman si Riya. "This roses will be the basis of how much or until when I can love you. Cahriya ko. My love for you will just end ...until the last rose dies." sabay hinalikan niya ang kamay ni Riya.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now