Matapos kasi namin sa space shuttle na hindi naman kami natakot or nasigaw pareho ay naisipan namin na dito muna sa bumper car.

"HAHAHA come on, Alora!" Tuwang tuwa na saad nito habang nakatingin sa 'kin.

Agad ko namang drinive ang gamit ko at hinabol siya at binunggo. Gano'n lang ang parating ginagawa namin, tawang tawa pa kami sa itsura ng isa't isa kapag nagbu-bungguan.

I am so happy seeing her smile freely. Kapag nasa school kasi ay akala mo pinag-bagsakan ng langit at lupa iyong itsura niya kaya nakakatakot siya kausapin or lapitan eh.

Nang matapos kami sa iba't ibang rides na mild lang naman at hindi nakakatakot ay nagpahinga muna kami.

"It's so fun!" Tuwang tuwa kong saad sa kaniya. Tumalon pa ako nang bahagya habang nakatayo sa harapan niya.

"Yeah, madami pa tayong hindi na-rides." Saad nito habang nakaupo.

"Ano kaya pa?" Natatawa kong saad habang nakatingin sa kaniya.

Uminom ako ng tubig at gano'n din siya. Sobrang enjoy pala mag lagi dito sa mga amusement park. Matagal na rin noong huling punta ko sa ganito eh.

"Syempre, ano tara?" Full of energy naman niyang sagot at tumayo na.

"Aaaahhh!!!" Tili namin pareho nang parang mahuhulog ang puso namin ngayon dito sa Tower Drop.

Sobrang higpit ng kapit ko sa kamay niya dahil sa takot. Ang taas pala talaga nito kapag ikaw na ang nakaupo. Parang ang saya pagtawanan iyong mga taong nandito kapag nasa baba ka palang, pero kapag ikaw na, mukhang mahuhulog ang puso mo.

Halos manginig naman ang tuhod ko nang matapos na ito. Humalakhak pa ang kasama ko habang inaalalayan ako makalabas.

"Hay, parang mahuhulog puso ko doon ah," komento ko at napahimas sa dibdib ko banda.

"Let's eat muna before naman tayo sumakay sa iba." Aniya at nilakad na namin ang food court sa dulo.

Madami ka pang stalls at games na madadaanan dito bago ka makarating sa food court dahil nasa dulo iyon.

Madami na ang tao at halatang mas dadami pa dahil may mga nakapila pa rin sa may entrance nitong indoor amusement park. Todo ilag naman ako sa mga nakakasalubong namin dahil baka mamaya ay maka-bunggo ako.

As I was looking sa paligid ko, may nahagip ang mata ko. Hindi ko lang makita ng malinaw dahil natabunan na ng ibang tao ang gilid ko.

"You want to play there?" Napalingon naman ako kay Geovana ng tanungin niya 'yon.

"H-hindi..." Sagot ko sa kaniya. Ang tinutukoy kasi nito ay yung stall kung saan ako nakatingin. I don't know what you call it but may mga lobo na nakadikit sa dingding ata 'yon and you need to pop the balloons to get some reward or based on my observation, yung mga teddy bear sa gilid ang prize niyon. "Nakita ko si Chan..."

"Really? Where?"

"Doon." Lumingon pa ako sa likod namin at nginuso yung puwesto kung saan ko sila nakita.

"Baka she have a date too."

Date too? You mean this is date namin?

"She's with—" naputol ang sasabihin ko sana nang may mabunggo ako.

"Sorry po, sorry po," hingi ko ng paumanhin.

"It's okay!" Napayuko ako nang makita ang bata. Sobrang liit ng boses nito at pawis na pawis pa.

"Sorry!" Ulit ko rito.

"It's okay, bye!" Sagot naman niya at nag thumbs up pa tapos ay tumakbo na ulit.

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now