5.

134 9 2
                                    

Grades

Natapos ang maliligayang araw naming magkakaibigan dahil pasukan na naman. Last two weeks na ng pasok namin ngayon dahil may semester break kami bago mag second sem.

"Salamat po, Kuya!" Saad ko sa driver namin bago bumaba ng sasakyan.

Nag lakad na ako papasok ng campus at dahil maaga pa at lunes ay onti pa lang ang mga tao. Nakakaantok talaga kapag ganito kaaga pumapasok.

I was about to enter our building nang mapatingin ako sa gilid ko, nakita ko na naman ang mga Allegra. Nang magkatinginan naman kami ni Geovana ay agad kong iniwas ang tingin at umakyat na para makapunta sa classroom.

Hindi na ako natutuwa na puro na lang mga Allegra ang nakikita ng mata ko dito sa university. Hindi naman ako nauumay sa mukha nila, 'di lang nakakatuwa na I have this feeling that so unusual to me everytime that they're around, especially Geovana.

Her eyes looks so hypnotizing, parang kinukuha nito yung sistema na sinasabing tumingin ka lang sa kaniya and that you should fall deeply into her. Which I figured out na kaya ako kinakabahan it's because of it.

Parang yung feeling ko na nagkakagusto ako sa kaniya ganon? At ayoko yung feeling na ganon because it's so unusual.

Nang makarating sa room ay agad kong binaba ang bag at naupo. Wala pa ang mga kaibigan ko dahil masyado pa ngang maaga.

I just took out my phone from my pocket and play like a dino, it's a game that looks like piano tiles but, the sound here is so refreshing kaya nagustuhan ko siya, para akong baby na hinihele.

"Aga mo ah."

Napatingin ako kay Anjali na kakarating lang. "Lagi naman akong maaga?" Patanong na saad ko. Minsan lang talaga ako ma-late. "Sus, matutulog ka na naman!"

Dumukdok na naman kasi siya sa desk niya, ganiyan siya lagi maaga nga papasok pero iidlip naman dito sa room.

"Ang lamig kasi nakakaantok," aniya.

"Lagi ka namang antok eh," walang araw na hindi siya antok. May times pa 'yan na mag e-excuse sa teacher namin tapos matutulog sa office ng student council.

Bad influence 'di ba?

"Nakakaantok." Si Sofie na kakarating lang din at tamad na umupo sa proper seat niya.

Unti-unti naman na nagdatingan ang mga classmates namin pati na din si Chan at Diya. Nag stretching pa ng ulo si Diya habang nakaupo sa seat niya.

"Pinagalitan kayo?" I asked them.

2 days kasi ang tinagal namin sa Bolinao, although nag text at tumawag kami sa kaniya kaniya naming bahay, baka pinagalitan sila pag uwi since after that wala kaming usap sa group chat at para bang we're minding our own business habang walang pasok.

"Oo, sinumbong pa ako sa Kuya ko." Magkasalubong na kilay na saad ni Chanelle.

"Ako hindi naman. Sanay naman sila basta nagpaalam ako okay sila dun." Si Anjali.

"Ikaw?" Tanong sa'kin ni Diya.

"Hindi naman, may trust naman sila sa inyo." Since si Manang ang tinawagan ko nun dahil I know na busy sila Daddy at baka maka-istorbo pa ako if tatawagan ko sila.

"Syempre ako hindi," si Sofie at maarteng sumandal sa upuan niya.

"Ako, malamang! Kinuha nga cellphone ko eh tapos si Ate epal sulsol pa ng sulsol kila Mama kaya ayon para akong katulong sa bahay." Inis na sabi ni Diya.

"Magkaaway talaga kayo ng Ate mo 'no?"

"Oo ang pangit niya kasi. 'Di ko nga alam ba't nagustuhan 'yon ng boyfriend niya." Favorite thing talaga ni Diya ang makipag-bardagulan lalo na sa Ate niya.

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now