Agad akong pumasok doon at nang masarado na niya ay umikot ito para pumasok sa driver's seat. Itong kotse na ginagamit nila sa school ang gamit niya.

Ganito pala feeling makasakay sa BMW. Eme! Pero ang loob nitong sasakyan ang amoy pabango ng mga babae, probably pabango niya at ng mga pinsan niya ang naghahalo dito. Malinis din ang kotse na ito.

Kanina pa kami nasa biyahe at ilang kanta na ang napatugtog dito sa kotse. Hindi naman gano'n awkward dahil nag uusap naman kami. Kanina ko pa nga tinatanong kung malapit na ba kami.

"Gorgeous." Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses at sunod na nag play ang lyrics ng kanta.

Binalik ko na lang ang tingin sa bintana, iniiwasan ko talaga siyang tignan dahil baka ma-starstruck na naman ang peg ko.

Tirik ang araw sa labas, may mga jeep, e-jeep, at iba't ibang uri ng sasakyan ang kasabay namin na bumi-biyahe rin.

You're so gorgeous
I can't say anything to your face

Agad ko siyang nilingon nang marinig iyong lyrics ng kanta ni Taylor Swift. Naka-focus lang siya sa pag da-drive.

Damn, she's really gorgeous. She's wearing sunglasses while seriously looking straight in the road. Dumagdag sa ganda niya itong appeal niya sa pananamit. Para akong may kasamang celebrity dahil sa ayos nito.

Nakakasilaw nga naman talaga ang tirik na araw sa labas. Pero ako, nasisilaw ako sa ganda niya. I really can't say anything to her face, 'cause she's gorgeous.

"Nasisilaw ka rin ba? You want to have my sunglass?" Nilingon niya ako saglit at binalik na naman ang tingin sa daan.

"H-hindi naman," ayan na naman at nauutal na naman ako.

"Okay. Malapit naman na tayo."

Tinanguan ko na lang siya. Balik na naman ang seryoso niyang pag da-drive. My intrusive thoughts were pushing me to take a picture of her while driving, at dahil baliw ako, I did it.

"Am I beautiful there?" Natatawa nitong tanong.

"Oo," agad kong sagot at nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya.

Gusto kong sumigaw dahil sa ugali kong mahilig sumagot ng mabilis. Ngumuso na lang ako't tumingin ulit sa labas.

"Saan mo ito nalaman?" Curious talaga ako. Sobrang ganda ba naman dito, I never heard about this place before.

Nandito na kami sa indoor amusement park. Mas maganda pa ito sa sky ranch, indoor nga lang. Madaming rides at mga booth, pati na rin stalls sa gilid. Malawak at mukhang buong floor ng mall ito.

"Online? We're eyeing this place nila Arcane before pa, but we don't have time to go here together." Aniya.

This is 1 and a half hour away from our city lang. Malawak at maganda, 3 times beautiful and exciting compare to MOA or sky ranch.

"Taralets!" Sigaw namin pareho at hinawakan naman niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa may ticket booth.

"Where do you want to ride first?" Tanong niya.

"Ikaw, anong gusto mo?" Dinikit ko pa ang bibig malapit sa tenga niya dahil nagsisimula na magsi-tilian ang mga sumakay sa rides.

"Let's go for space shuttle muna? Walang pila eh." Sagot nito at hinila ako.

Nang makasakay ay obviously magkatabi pa rin kami. Hindi naman ako gano'n katakot dito, unless isakay ako sa sobrang palo na rides 'no.

"Ay!" Tili ko nang magka-banggaan kami sa bumper car.

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now