C223 - Dragon Concealing Lake

91 10 0
                                    

Naramdaman ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kanyang katawan at nakita niya na ang kanyang bloodline power ay naging mas makapal.

Bumalik siya sa kwarto. Naglabas siya ng salamin at nakita niyang medyo umitim ang kaliwang mata at buhok niya.

Huminga ng mahina si Zhao Feng at pinalibot ang kanyang azure na dugo. Agad, isang manipis na layer ng azure light ang bumalot sa kanyang balat at nagbigay ito ng kakaiba, ngunit marangal na aura.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang dugo at mga buto ay napupuno ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan at ang kanyang enerhiya ay nadagdagan.

"Ang aking lakas ay nadagdagan ng 10-20% at tila ako ay protektado."

Maingat na siniyasat ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kanyang bloodline power.

Mayroong dalawang pangunahing punto.

Isa, ang kanyang bloodline power ay naging mas makapal at ang mga katangian na kanyang nakuha ay tumaas. Dalawa, kapag pinaikot niya ang kanyang bloodline power, isang mala-salaming azure na tattoo ang bumabalot sa kanyang katawan at ito ang magpoprotekta sa kanya.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang bloodline ng God's Spiritual Eye ay isang hakbang pa sa paggising.

Hindi nagtagal ay ibinalik niya ang kanyang eyepatch at itinago niya ang kanyang bloodline power, na naging dahilan upang mawala ang mala-salaming azure na tattoo.

Si Zhao Feng ay tila hindi nag-iba maliban na ang kulay ng kanyang buhok ay bahagyang umitim.

Para sa susunod na araw, naging pamilyar si Zhao Feng sa kanyang bloodline power at pinagsama niya ang kanyang cultivation.

Sa ngayon, ang kanyang cultivation ay umabot na sa limitasyon ng 5th Sky at nasa likod lang siya ni Yang Gan sa gitna ng Core disciples.

Sa susunod na umaga.

Ang sampung Core na disipulo ng Broken Moon Clan ay nakaupo sa tatlong magkakahiwalay na lumilipad na hayop at sila ay tumungo sa Hilaga.

Sa pagkakataong ito, pinamumunuan sila ng Broken Moon Clan Master, First Elder, Granny Liuyue, Hai Yun Master, Vice-Head Li at ilang iba pa sa mas lumang henerasyon.

Umupo si Zhao Feng sa Two headed Silver Crowned Bird ni Vice Head Li at tinulungan niya itong paamuin.

Sa puntong ito, ang Two headed Silver Crowned Bird ay sobrang masunurin na.

Si Vice Head Li ay puno ng paghanga: "Kadalasan, ang mga adult na lumilipad na hayop na tulad nito ay napakahirap paamuin. Maraming kailangang paamohin mula pagkabata.”

Sa ilalim ng normal na mga pangyayari, aabot sa kalahating taon hanggang ilang taon ang pagpapaamo nitong may sapat na gulang na Two headed Silver Crowned Bird.

Ngunit sa tulong ni Zhao Feng, kalahating buwan lang ang kailangan.

Si Lin Fan at Liu Yue'er ay nakaupo din sa Two headed Silver Crowned Bird, sila ay dalawang tao na pamilyar kay Zhao Feng.

"Senior, gaano katagal bago tayo makarating?" Masunuring tanong ni Liu Yue'er.

"Mga dalawa - tatlong araw, kasama ang mga pahinga sa pagitan." Sagot ni Vice-Head Li.

Ang Alliance Banquet ay ginanap sa mga teritoryo ng labintatlong bansa at ito ay sa sikat na 'Dragon Concealing Lake'.

Ang lawa na ito ay nasa gitna ng labintatlong teritoryo ng mga bansa.

Sa paglalakbay, nakaupo si Zhao Feng na naka-cross-legged at pinaikot niya ang kanyang True Force para maramdaman ang enerhiya ng langit at lupa. Habang pinapaikot ito, ramdam niya ang lakas ng kidlat sa hangin sa itaas.

Ang Hari ng mga Diyos ( Book -  2 ).   ( HEART CONTROLLING TECHNIQUE )Where stories live. Discover now