" Baka anak ako ng isang reyna. Tapos ninakaw lang ako ng mga kalaban. Kaya ilang taon akong naghirap. Tapos nooh! May makakita sakin, mapapasabi sila ng 'kamukha ng mahal na reyna' Oh diba! Tapos ngayon makakabungguan ko yung male lead wala sa oras--"

Napatigil ako sa pagkwento ng kung ano ano ng makita ang pagkairita sa mukha ni Noah. Nakalimutan kong seryoso pala tong katapat ko, buwehehe. Pero parehas kami napatigil ng marinig ang boses ni Terrance.

" Hello goys! Ay bakit naman onti lang ang pagkain." Nakasimangot na sabi ni Terrance at naupo na rin sa tabi namin. Ganun din yung tatlo.

" I didn't know that you will come." Sagot ni Noah na ngumiti ng sarcastic kay Terrance na ngayon ay diring diri ang itsura.

" Nagmessage kami sayo, tanga." Inis na sabi ni Chandler.

" Tanga ka din! You know naman na never nagbabasa ng messages yan." Inis na sulpot ni Atticus.

Pinapanood ko lang silang mag tangahan ng mapansin kong nakatingin lang si Lenlen sa burger ko. Eto kasi ang baby samin, hindi baby kundi bibihira lang talaga magsalita.

Inabot ko sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya at umiling. Alam ko naman na gusto niya kaso baka mapagalitan siya ni Noah kaya pinilit kong ibinigay.

Hindi rin naman siya nakatanggi at ngumuso muna bago sumubo.

At napag-usapan na nga namin kung ano ba raw ang trabaho na gusto kong pasukan. Para sakin kahit ano naman e, kaya kong kayanin. Kaso nga lang baka part time lang gawa ng magkakaroon na rin ng pasok.

Ang ginagawa naman ng lima nagsesearch dito sa lugar namin sa Cavite kung merong naghahanap. Buti nga sumuko na sila mag offer ng trabaho sa bahay nila. Katulad ni Atticus, kailangan daw nila ng taga-hugas ng plato tuwing almusal lang. Si Chandler, kailangan daw nila ng taga-dilig ng halaman tuwing hapon. Si Terrance, naghahanap sila ng maglalakad sa mga aso tuwing umaga. Sa lahat ng ginawa nilang dahilan kay Lenlen lang ako natuwa. Kailangan niya ng kasama at magpapatulog sa kanya kapag gabi. Ang kay Noah naman seryoso, yun ay magiging ala-secretary niya ko, or more like parang P.A pero hindi naman daw mahirap ipapagawa niya. Kasi medyo busy siya bussiness ng family nila  o di kaya inaaral niya ganern, ewan ko e HAHAHAHAHA.

Alam ko naman na gawa gawa lang nila yung dahilan nila kasi alam ko na meron ng gumagawa nun sa bahay nila. Sa totoo lang marami nakong napagtanungan at napuntahan pero karamihan ang hinahanap full time worker, yung iba naman mukhang walang tiwala sakin.

Pero hindi parin ako susuko noh. Kahit ibato nila sakin ang mars.

" Masyado namang nakakaistress maghanap." Hinang hina na sabi ni Terrance habang nakadukduk ang mukha sa maliit na lamesa.

" Baka kailangan ko lang silang pakitaan ng masarap na tinapay, tignan mo pasok ka agad." Biro ni Chandler na pasayaw sayaw pa ng sexy dance.

" Gaga!"

" Let's continue it later. First, let's eat muna."

Oo nga pala. Inabot kami ng dalawang oras kakahanap sa mga Facebook, Instagram at Twitter. Kahit sa ibang lugar naghanap na rin sila pero, wala atang pumasa sa taste nila, psh. Meron akong iilan nakikita na mukhang maganda naman pero ayaw ng lima. Alam ko naman na gusto nila sadyang masyado lang nila akong ginagawang baby at ayaw na mapush masyado. At alam ko na nag-aalala rin sila gawa ng nakaraan ko. Kaya sa ngayon hinahayaan ko lang sila kung anong gawin nila. Kasi bukas pupuntahan ko yung nakita ko kanina.

" You want Barbeque?" Tanong ni Noah at tumango lang ako bilang sagot.

Inabutan niya ko ng 500.

" Barbeque and rice na rin." Sabi ni Atticus.

Maid Series 1: Naomi SancheszWhere stories live. Discover now