Pa-good girl din kasi to minsan.

"Alam mo kahit may makarinig pa sakin wala naman ng magugulat pa dun"

Kunot noong bumaling ako sa kanya, "At ano naman ang ibig mong sabihin?"

Bumuntong hininga muna ito.

"Rie, isa ka talagang dakilang manhid. Isipin mo yun hindi mo manlang napapansin na ikaw na mismo ang kusang nagbubuking ng sariling mong sikreto sa buong madla"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

Bahagya pa itong dumikit ulit sa akin sabay patong nung medyo mahaba niyang braso sa balikat ko na ikina-ismid ko nalang.

"Masyado ka kasing obvious. Pustahan tayo kahit bulag malalaman na crush mo yung si she-who-must-not-be-named" nakangisi pang sabi nito na mas lalo namang nagpalukot sa maganda kong mukha.

Nakakaramdam narin ako ng unti unti pag-iinit ng pisngi at buong mukha ko dahil sa mga pasimpleng pinahihiwatig niya.

Oo na, ako na itong dakilang torpe na patay na patay sa dyosang halos sambahin ng buong SVU. Sa angking ganda ba naman nito sino ba naman ang hindi mahuhumaling.

Bukod dun napakatalino at talented pa nito.

Nasa kanya na nga ata ang lahat eh pwera nalang sa jowa.

Nandito pa kasi ako hindi niya pa sinasagot. hihi

Takte naman kasi eh. Bakit sa dinami dami ng pwedeng magustohan siya pa talaga? Yung taong hindi mo naman alam kung may chance ka ba talaga.

"O edi natahimik ka dyan" tatawa tawa pang usal ng isa.

"Shut up! Dami mong alam"

"Ay correct ka dyan sister! Madami talaga"

Inismiran ko lang ito. Nahawaan narin talaga ang isang 'to ng pinsan kong yun. Lakas talaga ng Celeste virus. Dami na halos nahahawa eh. Hindi naman kasi ganito kadaldal at kakulit ang isang 'to noon eh. Kakabardagulan niya dun sa pinsan kong yun kaya ayan nahawa narin.

"Wala ka bang pasok ngayon at tumatambay ka dito kasama ko?" Nakasimangot ko na tanong dito. Umiling lang naman ito pero agad ding natigilan ng siguro'y biglang may maalala.

"Ay gago!" palatak nito at mabilis na napatayo sa kinauupuan. Sinundan ko lang naman ito ng medyo nawewerduhang tingin.

"Problema mo?"

"Nakalimutan ko. May pinakisusuyo pa pala sakin si Prof . Adrales. Patay na naman ako nito!" Nagmamadali na nitong hinablot ang mga gamit na nakapatong sa katabing bench at mabilis na kumarepas palayo. Muntikan pa itong madapa ng matalisod ng sariling sintas ng kanyang sapatos pero agad ding nakabalanse at nagpatuloy sa pagtakbo.

Ako naman nakatulala lang pinagmasdan ang isang episode na naman ng katangahan ng magaling kong bespren.

Kahit talaga kailan.

Napabuntong hininga nalang ako at muling itinuon ang pansin sa unahan.

Muli na namang lumiwanag ang buong pagkatao ko este ang pakiramdam ko ng masilayan ko ulit ang napakagandang mukha niya. Pesteng n*y*w*ng mukha yan oh. Ba't sobrang ganda?

Napapangiti nalang ako ng wala sa oras dito sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan siyang nag-aassist sa mga bagong members ng cheering squad nila. Sa sobrang talented kasi nitong si Scarlet ay mabilis din siyang napasama sa cheering squad ng campus. At hindi lang yun dahil siya pa ang naging vice captain nung nagdecide na umalis ang dating vc nito due to personal issue.

Madalas sa gym naman ang grupo nila nagpapractice pero dahil in-occupy ng basketball team ang gym ngayon kaya no choice sila kundi dito nalang sa oval magpractice.

Sobrang swerte ko nga eh nasakto pang wala kaming pasok sa afternoon class namin kaya malaya akong mag stay dito at panoorin siya--este sila na mag practice.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi kiligin lalo na pag bumabalik sa alaala ko yung nangyari sa'min dun sa loob ng chapel noong isang araw.

Gagi, hindi ko talaga ineexpect yun. Hindi naman siya talagang yung swack na kiss na lapat na lapat yung lips namin sa isa't isa kasi sa gilid lang naman ng labi ko dumikit yung lips niya pero grabe naman ang naging epekto nun sa buong katawang lupa ko.

Pakiramdam ko kukunin na ako ni Lord ng mga oras na yun kasi sobrang hindi na normal yung pagpa-function ng mga sistema ko sa katawan.

Si Mahal naman kasi eh, gusto lang pala ng kiss hindi na nagsabi agad edi sana hindi na kami umabot ng chapel para lang makiss niya yung most precious lips ko.

May pagka-naughty rin palang tinatago itong si future wifey. Mas gusto yung sosolohin muna ako para makapag kiss. Rawr.

Hindi ko na rin siya nagawang makausap nung time na yun kasi pagkatapos niya akong nakawan ng halik, may sinabi lang ito about sa detention with Maam Alavarez dahil daw sa hindi ko pagbalik sa klase ng propesora, bago ito nagmamadaling naglakad palabas ng chapel.

Halos buong gabi din akong hindi nakatulog kakaisip sa halik na yun. Pasado alas dos gising parin ang diwa ko. Kaya ang nangyari bangag na naman akong pumasok ng klase kanina. Nakatanggap pa ako ng sermon dahil dun mula sa isang prof namin.

Pero kahit na ganon ang nangyari hindi ko parin mapigilan ang malawak na ngiti na lumabas sa mga labi ko.

Hays, Scarlet Kennedy Tuazon, grabe talaga 'tong epekto mo sa'kin. Nakakabaliw. Mamatay nalang gyud ko, ikaw ra gihapon akon higugmaon.

"Watch out!!!"

Isang malakas na sigaw mula kung saan ang nakaagaw ng aking atensyon. Syempre dahil curiousity killed the cat nga daw kaya agad akong lumingon sa direksyon na yun huli na nang mapagtanto ko ang mangyayari.

*Boogsh*

Pakiramdam ko humiwalay ata sa katawang tao ko yung kaluluwa ko dahil sa sobrang lakas ng impact kaya hindi ko na napigilan yung pagbagsak ng katawan ko sa damuhan.

Puro liwanag nalang yung nakikita ko hanggang sa may kung sino ang lumitaw sa line of vision ko.

"Harriet? Are you okay?"

Patay na ata ako. Kasi naman may anghel na na kumakausap sakin tapos tinatanong pa ako kung okay lang ako eh sobrang sakit kaya nung impact ng pagtama ng bola sa noo ko.

Kaya imbes na sagutin ang tanong nito, isang malamyang ngisi nalang ang naigawad ko dito. Bahala na magmukhang tanga basta cool parin sa paningin ni Ms. Beautiful bago manlang madedo ang person.

"Naalog ata masyado yung ulo, Scar. Tignan mo ngumingisi pa sayo." narinig kong sabi nung kung sino na nakapwesto sa bandang kanan ko.

"We need to bring her to the clinic asap. Baka kung anu pa mangyari sa kanya." ani Miss Beautiful bago ko maramdaman na unti unti ng inaangat yung katawan ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at tuluyang napapikit.

Shete, namamanhid na halos buong katawan ko, wala na ako halos maramdaman.

Hindi pa nga ako nakakapag confess kay bebe loves ko kukunin mo na ako agad Lord? Where's the justice? Saklap.

Tuluyan ng nagdilim ang paligid ko at kalauna'y nawalan ng malay. Pero ang huling naaalala ko may kung anung malambot at mainit na humawak sa kaliwang kamay ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

Me Plus You (I Love You) || PorDeeWhere stories live. Discover now