ʙᴇ ᴍʏ 𝟷𝟹

23 14 0
                                    

Panu ba napapakilig ang kagaya kong babae oo pati bakla kinikilig din...syempre kapag romatic ang lalaki tama ba?

Eto ngayon si Ivan katabi ko panu nagpapaturo ako sa math ang hirap eh bayaran ko na lang daw siya ng halik sa pisngi, syempre hindi ako humindi at terror yung titser kong si Mam Lim.

"Tapos itong x pagsasamahin mo dun sa equivalent nung nauna mong sagot...Irina nakikinig ka ba?" tanong ng binatilyo

"Bakit ko isasama si X sa una kong sagot eh dapat kinakalimutan na yung X"

( -_-)

"Ikaw kanina ka pa bang hindi nakikinig? Sayang laway ko dito"

"Inde ah, sinasalo naman ng kuwaderno mo kaya hindi sayang yang laway mo" pinisil ni Ivan ang parehang pisngi ng dalaga.

"Ah-aray kuh..."

"Ayaw mo talaga ng math eh bakit nagpapaturo ka sa akin? Ayaw mo pang aminin na gusto mo lang ako makasama noh" agad binitawan ang pisngi dahilan sa namumula na ang mukha ng dalaga.

"Kapal lang ha? At sino may sabi saiyo na nagpapaturo ako?" taas kilay ni Irina.

Tumayo si Ivan kaso hinigit ng dalaga ang kamay nito pababa "Oh ano ba talaga?" sambit na tanong ni Ivan.

"Hindi ako nagpapaturo nagpapagawa ako" sambit agad ng dalaga.

"Yun napunto din" iling-iling na lamang ng binatilyo.

Habang naggagawa si Ivan umalis muna ang dalaga at napalinga siya sa paligid...

Kung ang iniisip nyo uto-uto ako dyan kayo nagkakamali...minsan kasi huwag nyo muna ijudge yung tao na ginagamit ka lang nung girlfriend mo eh hindi pa nga kami denial pa si Irina ko.

Naglapag si Irina ng Ice Tea galing pa ata sa main canteen kasi nasa basong plastik ng nestea na may tissue sa paligid at sa ilalim, at isang nasa platitong inilabas na sa plastik na lagayan na fugee bar kalahating chocolate at cheese.

Sweet nya noh? Hindi pa kami nan.

"Wow utang ko ba yan?" tanong ni Ivan na umiling lang ang dalaga.

"Hindi ah bayad ko sa iyo yan kulang pa nga eh"

"Huwag mo ng dagdagan ayos na yan baka maghirap ka pa gawa ko"

"Ed kapag naghirap ako sandal ako saiyo"

Natahimik ang dalawa...

Akward iba ang nasa isip ng parehang mga bulaklak na hindi pa bumubuka...

Lalim...

"Seryoso?" tanong ni Ivan

"Ano bang nasa isip mo at parang sa tono ng boses mo-" natigil si Irina ng hinawakan ni Ivan ang kanyang kaliwang kamay at dahan niya itong hinahaplos hindi naman inaalis ni Irina at hinahayaan lang niya ito.

"Dagdag yan sa bayad ko ha?"

"Oo" sambit ni Ivan sabay halik sa kamay niya na isinubsob na lang ni Ivan ang mukha niya dito napangiti si Irina.

"Uy Ivan...anu ka dyan?"

"Hayan mo muna ako dito" sambit ng binatilyo

Ilang minuto ang lumipas nang yumuko si Irina at parang hinalikan ang ulo ni Ivan sa pagtunghay niya ay tingala ni Ivan sa kanya.

"Irina"

"Yung fugee bar baka langawin kainin mo na masyado bang maamoy yung fugee bar at sumubsob ka na lang dyan sa kamay ko?" tanong ni Irina umiling si Ivan at hinawakan ang batok ni Irina tsaka niya hinalikan ang dalaga sa labi.

Inilayo niya ng kaunti ang kanyang mukha at tinitigan ito...

Nasaan ba sila? Iskul malamang at nasa isang waiting shed medyo malayo sa mga room hindi naman sa liblib pero since wala silang titser at nasa seminar nasa room yung ibang estudyante ng paaralan. Walang kontrabidang nasapak ng dalaga at mga tropa niyang tagasulsol. At peace sila kung baga.

"Irina" sambit muli ni Ivan medyo napayuko ang dalaga at hinalikan si Ivan pabalik tumugon na lamang si Ivan sa ginawa ng dalaga.

Habang ang pawis ng nestea ay tumutulo at ang fugee bar ay may dalawang langaw na ang nakadapo.

So nilangaw na nga...

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Be My WifeWhere stories live. Discover now