ʙᴇ ᴍʏ 𝟻

27 19 0
                                    

Ilang week na classroom-bahay lang ako talagang hindi na ako natambay kung saan man at baka makasalubong pa ako. Tsaka hindi na ako pinapansin ni Erwin so good vibe yun. Para sa mga naging fans namin hinde, galit sa akin. Pake ko ba. Naandito tayo sa school to learn hindi para maging workshop ng kung sino ang bagay noh?

Hay...tatanda na lang ako ng dalaga.

Yun pa lang natarayan ko ay isa sa mga heartthrob sa paaralan na ito...do you still remember? It's Ivan. Ivan Jeo Lee. Mayaman pero dito nag-aral para sa new experience lagi na lang daw kasi siyang nasa exclusive schools.

Perfect sa looks - walang problema dun guwapo nga

Perfect sa sports - lahat itry na niya baka pati paglalaba alam din nya

Perfect sa academics - yup top notcher siya sa lahat ng estudyante at pang-pito lang si Erwin

Perfect as gentleman - sabi ng mga kinikilig ako umm teka kasama ba talaga ako? Pwede naman ang pagiging gentleman niya yung hinalikan ka lang niya for enjoyment. Gentleman.

Siya lagi ang main menu ng mga kaklase kong babae, si Lester naman sa side dish at for dessert si Erwin. Hindi ako kilala ni Lester pero I saw him at oo crush ko siya. Iba yung anggas niya sa anggas ni Ivan. Kaso astig yung name ni Ivan.

( ._.)

Ganito ang mga babae minsan kahit tahimik kung anu-ano ang iniisip just for enjoyment din hindi katulad ng iba na ginagawa na...

P.E. time pinilit kami ng bakla naming titser na manuod ng basketball for the sake na makita namin ang actual na laro, pabor sa mga babae pero sa mga lalaki yung game na lang pinapanuod at para sa akin walastek...si Ivantot pa ang naglalaro. Anu to yung napanuod ko sa fell in love sa ganster? May ganito ding scene? Well hindi ako nakatingin ako dun kay Lester naglalaro din.

Katawan pa lang malaman na...

-ehem-

Takte kinikilig ako Irina calm down kulang na lang lunukin mo ng buhay si Lester your labs.

Nang nagtime-out napatingin si Ivan sa mga audience madaming tao hindi lang yun nakita nya pa si Irina, nakangiti kaso hindi sa kanya...sinundan ang titig ng dalaga at sa kaaway ng grupo. Kay Lester.

Tsk


"Patumbahin natin ang kupal" sambit ni Ivan

"Woah sobrang galit lang?" tanong ng kasama ni Ivan

"Ivan ayos ka lang?"

"Hinde kinukuha ng kupal ang atensyon ng fiance ko" nagtinginan at tumingin sa audience na kung saan nakita nila ang dalaga na nakatingin kay Lester at hindi kay Ivan

"Kaya pala sige patumbahin natin"

"In ako dyan!"

"Let's go!" war shout ng team na sa huli ng laro nanalo sila syempre ang mga fans todo cheer for them pero para lang kay Ivan. Tumingin si Ivan sa dalaga nakatayo ito at nakalahad ang parehang kamay na naka-thumbs up pero reaksyon ng mukha ay seryoso. Napatitig siya at nagutla. Pero ang dalaga umalis na.

"So sa huli tumingin siya saiyo?" tanong ng kasama

"Naka-thumbs up pa"

"Naks! Keep up the good work makukuha mo yan!"

"Sana nga" napatingin sa kaninang pwesto ng dalaga at uminom nung baon niyang gatorade na blue.


Matapos ang laro inanunsyo na ng prinsipal na bukas ang kanilang school festival dahilan at instead na uuwi na si Irina ay bumalik siya sa kanilang klasrum. Ang tarbaho ng seksyon namin ay alipin ng mga seksyon 1. I mean mga utusan lang kami. Hindi katulad ng iba na magkakaruon ng palaro at kikita. Saklap pero pwedeng umabsent.

"Ang mga babae taga care sa seksyon 1 so kahit ano'ng injuries kasi yung basketball naunang laro yun for tomorrow may baseball, marathon, soccer ball at iba pa ang guys naman taga bili minsan may tip doon ganun din sa mga babae so vice ikaw na bahala sa girls ako na sa boys" sambit ni Erwin na eto palang shokoy na ito ang president namin at ang vice syempre hindi ako feeling mo ayako noh...yung patay na patay sa kanya si Toni oo klasmeyt ko kaso wala na kaming imikan.

-biglang bukas ng pintuan-


"Excuse daw kay Irina" sambit nung second year na lalaki

"Sino nagpapa-excuse?" tanong ni Toni

"Si Prince Ivan"

"..." masama ang titig ni Erwin kay Irina na nakatingin lang sa bintana "Irina labas" sambit ni Erwin na ikinatingin ng dalaga.

"Ha?"

"Pinapatawag ka ng IVAN MO" diin ni Erwin na tumayo ang dalaga at susunod dun sa lalaki kaso "Sorry kung istorbo ako sa TONI MO" diin din niya at umalis.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Be My WifeWhere stories live. Discover now