ʙᴇ ᴍʏ 𝟽

24 17 0
                                    

"Oi umalis ka dyan, talunan" sambit ni Ivan na nakuha niya ang atensyon ni Lester

"Yabang ah purkit perfect ka sa lahat?"

"At ano gagamitin mo yang katabi mo pang hambog mo sa akin?"

"Bakit kapag ba ako pinili niya talo ka sakin?"

( -_-)

Dba gagamitin lang ako para sa pride nila sa mga katunggali nila pero kainis ganun din si Lester...

Guwapo pa man din...

Tsk

Bakit ba lahat ng akin may umaagaw?

Pero this time hindi si Irina...

Tumayo si Ivan at ngumisi lang si Lester kaso nawala ang ngisi niya nang tumayo din ang dalaga kaso nahawakan niya ang kamay nito.

"No need to leave me here"

"Let go" masamang tingin ni Irina sa binatilyo masakit sa kalooban niya pero nawala na din ang sakit at hinigit niya ng todo ang kamay niya makasunod lang kay Ivan, dba nga gawa nung consequences kaya nasunod lang siya. Tsaka sabe sa kanila servants sila ng seksyon 1 eh sakto sina Ivan pala yun. Malas dba?

Lumingon si Ivan at nakita niya na medyo malayo talaga ang dalaga sa kanya siguro gawa ni Lester kaya tumigil siya at humarap dito, hindi napansin ni Irina na isang apak pa niya ay babangga na siya dito nang iniharang ni Ivan ang kanyang kaliwang kamay sa noo ng dalaga na ikinatigil nito.

"Wala ka bang naaalala ha, Irina?" tanong ni Ivan

"Na ano? Jewa kita? Stalker mo ako or what? Asawa?" ngumiti si Ivan

"Kung pwede nga lang na maging asawa kita to near future eh bakit ba hindi?" haplos niya ang kaliwang bahagi ng mukha ng dalaga, nagutla ito pero hindi nagpakita ng saya sa mukha. "Seryoso ka pa rin" sambit ni Ivan na inilapit ang mukha tsaka bumubulong sa kaliwang tenga nito "Walang pagbabago"

"Sure ka kilala kita?" sarkastikong tanong ni Irina hinarap siya ni Ivan at nakangisi

"Oo naman hinding-hindi ko malilimutan ang balat na to" nagutla si Irina nang tingnan niya na hawak na ni Ivan ang kaliwa niyang braso. "Etong balat na to yung kumaladkad sa akin sa daan noong lasing ako"

"Te-teka ilang taon ka noon?" tanong ni Irina

"Walo nag-inom ako sa lugar ng ninong ko, pinayagan naman niya ako eh kasi nga biglaang yung pagpapakasal ni Papa tapos may kuya pa ako shock sa akin yun at to the rescue ka" niyakap ni Ivan ang dalaga.

"Sabi mo mainit ako kaya inihiga mo ako sa sofa"

"Hindi ko tanda" mahinang sambit ni Irina

"Napagalitan ka pa ng ate Ranae mo kasi hindi mo ako kilala tapos kinaladkad mo ako sa loob ng bahay nyo"

[balik nakaraan]

"Irina anu yan?" inis na tanong ni Ranae

"Bata ate mataas ang lagnat eh"

"Wala tayong pake dyan! Ibalik mo yan kung saan mo nakita!"

"Kung ang tutang nawawala hindi mo na kayang ibalik dahil naaawa ka bata pa ba na kasing edaran ko? O dahil hindi siya CUTE sa paningin mo?" sasampalin sana ni Ranae ang kapatid kaso pilit na nito inihihiga sa sofa.

Pinanuod ang kapatid na punasan ito ng basang face towel ang batang lalaki at may bitbit na itong kumot na makapal at binalutan ito. Bumulong si Irina sa bata pero hindi narinig ni Ranae at hinayaan na lamang ang kapatid.

[balik realidad]

"Ang binulong mo sa akin nun" tumigil si Ivan at isinubsob ang buong mukha sa kanang leeg ng dalaga "Pagaling ka at hindi ka na nag-iisa" namula si Irina sa ibinulong at napatingin sa kanyang kaliwa.

"Nang nahalikan kita na hindi sinasadya napa-isip ako parang pamilyar itong babaeng to tapos nung nakita kita sa seryoso mong mukha nagmamadali ka pa" tumigil si Ivan at napabungisngis "Natawa ako at dama ko ikaw yung babaeng hinahanap ko"

"At paano kung hindi ako yun? Napahiya ka lang?"

"At ano tong balat mo tattoo? Huwag mo ngang denial hahalikan kita dyan"

Pero sa totoo lang...

May tanda ako na may inalagaan ako noong bata ako crush ko nga yun eh, pero hindi ko aakalain na siya yun...

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Be My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon