37. Untold stories (flashbacks)

2.6K 69 2
                                    

MY VAMPIRE HOUSEMATE
MessyIntrovert

PLAGIARISM IS A CRIME!

CHAPTER 37.

Jade's POV;

Nakatayo ako sa mismong pintuan ng apartment nina Erin... habang andyan siya sa tapat ko di kalayuan, at sa paraan ng pagtingin niya sakin, alam kong pinagdududahan na niya ako.

Anyways... wala na akong balak na patagalin pa 'to, their race will end here.

"Give way Jade, I have to look for Sean myself, baka napano na yon." aniya as she take a few steps towards me.

Gulat niya na lang nang bumunot ako nang baril at itinutok ko yon sa kanya.

Hmm... pag sobrang na- a- attached ka na talaga sa isang tao e mararamdaman mo talaga kapag mapapahamak na siya eh no? Siguro ganun ang feelings niya ngayon, that's why kung makapag- alala siya kay Sean, matindi!

"Didn't I told you that you're not going anywhere?"

"Jade? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha!? Nasisiraan ka na ba ng bait!?"

Ngumiti ako, a sarcastic one... "You know what? Akala ko talaga sa kwento lang nag- i- exist ang mga katulad niyong vampires eh...

Flashback_

"Excuse me! Hoy father? Asan ba yong pinakamagandang bride niyo dito!? tanong ko kay Will ng makarating kami ni kuya Lester sa wedding booth nina Erin, gusto ko kasi talagang ilakad si kuya sa kanya, I just love the idea of Erin as my sis 'n law. Hehe!

"Here!" nagtaas naman ng kamay si Cass, napaka- feelingera talaga nito, kapal nang kalyo sa mukha! Maka HERE wagas e, tsk! tsk! I really pity her.

"Andon, isinugod ni Sir Sebastian sa infirmary, biglang hinimatay e." Will.

"WHAT!?" oh my God, tumakbo ako papuntang infirmary para alamin kung ayos lang siya... syempre, nag- aalala ako, hinimatay ba naman kasi? Anyare don?

Mabilis kong narating ang infirmary, kakatokin ko na sana ang pinto ng siya namang pagbukas nito, it's nurse Laila.

"Yes?" aniya.

"Si Erin po? Yong isinugod dito ni Sir Sebastian na hinimatay?" worried na tanong ko.

"Si Miss Laurel? Umalis na, bago lang, di ba kayo nagkasalubong? Hinimatay siya sa pagod kaya pagkagising niya, pinakiusapan ko si Sean na ihatid si Miss Laurel pauwi."

"Ganun ba? Sige ho yon lang, aalis na ako, salamat." pagtalikod ko, nabangga ko si kuya, syete, di ko namalayang nakasunod pala siya sakin hanggang dito.

Tila nanamlay akong umalis sa infirmary kasunod si kuya... ewan ko ba, ngayong nalaman kong may nangyari kay Erin, nalungkot ako at nawalan na ng ganang mag- participate pa sa trinity fiest.

Gusto ko sana siyang puntahan, kaya lang hindi ko alam kung saan siya mismong nakatira, ang alam ko lang, nakatira silang dalawa ni Sir Sebastian sa iisang apartment.

"Kuya, umuwi na lang tayo." yaya ko kay kuya sabay  tanggal sa suot kong wig.

"Pero di pa tapos ang event?"

"Basta, umuwi na tayo." nauna na akong maglakad... ramdam ko naman na nakasunod siya sakin.

Yuyuko- yuko akong naglakad papuntang parking lot, and the moment I raise my head up, my eyes met Sean's red eyes.

I don't know what's gone into him, o baka naka contact lenses lang din siya.

"L- Lester?" I swear I heard Erin just said that... he knows my brother? Since when? "Lester?" kumunot ang noo ni Erin, "Briel why-" natigilan siya sa pagtatanong nang lingunin niya si Sean.

MY VAMPIRE HOUSEMATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon