£17 - sweetheart, we didn't do anything

Start from the beginning
                                    


"Should we just go back?" suhestyon niya nang lumilinga pa rin.


"What if she's really in danger?" I asked, voice shaking.


Ali deliberated on what to do while still trying to navigate the forest we got ourselves into. "Should we call out to her at least once to see if she's really okay?"


"No, 'wag na. Let's just call other people to look for her," suhestyon ko. "Hayaan na natin sila." Nilingon ko ang kanan namin. "Now, let's find our way back."


Pinakawalan ni Ali ang hiningang matagal niyang pinigilan. Ramdam ko ang kaba at pangamba niya. Pero kahit pareho naming gustong mahanap si Angel, wala kaming mapapala kung kami lang.


Tinahak namin ang daan namin kanina. Kaso, dahil sa dilim, hindi na namin makita pa ang pinanggalingan namin. We travelled blind in that forest.


Sinubukan naming gumamit ng maps sa cellphone kaso mahina ang signal kaya wala rin kaming napala. Sa huli, sinubukan nalang namin ang lahat ng direksyon. At binasehan na rin namin kung saan nanggagaling ang simoy ng hangin. Ang goal namin ngayon ay mahanap ang lawa na pinuntahan namin kanina.


Pasalungat kaming pumunta sa direksyon ng hanging malamig. Alas siete na pero kahit gabi na ang langit, may konti pa ring liwanag na kahit papaano ay nakakatulong sa aming hindi maligaw at madapa.


"The air is cooler here." I motioned my phone with it's flashlight on in the direction to his left. Lumiko naman kami roon at dahan dahang tinahak ang damuhan.


Malamok na at nagiging sagabal na ang mga sanga at puno sa paligid namin. Buti ay pareho kaming naka-pants. Pero dahil short-sleeves lang ang damit namin, medyo napapapak na kami ng mga lamok kaya bukod sa tunog ng kaluskos ng aming mga yapak, naririnig din ang paghampas namin sa aming balat para pumatay ng lamok.


There was a bit of a clearing sa 'di kalayuan ng direksyong tinahak namin. Thinking na it was near the lake, nagpatuloy kami. But soon, we realized we were wrong.


Mabagal lang ang lakad namin. Magkaiba ang direksyon na tinitignan namin ni Ali. Siya ang nakatoka sa kaliwang side habang ako ang sa kanan. I was busy looking around, surveying the forest when he suddenly stopped. Dahil preoccupied, hindi agad ako nakahinto kaya naman bumagsak ang puso ko sa kalamnan ko nang wala akong maapakan.


Mabuti ay huminto si Ali. Naagapan niya ang nangyari at agad akong hinila. Sa pwersa ay napaupo kami sa lupa.


"Ah..." daing ko nang tumana ang puwet ko sa matigas na lupa.


"Are you alright?" Agad akong chineck ni Ali. Sinuri niya ang buong katawan ko at nang makitang ayos lang ako ay napunta ang tingin naming pareho sa kaharap na bangin.


Bumalik ang malamig na pakiramdam na gumapang pataas ng likod ko. At kahit hindi ako nalaglag, ang puso ko ay naranasan ito. Mas masakit pa sa pagkaupo namin sa lupa ang sakit sa tiyan ko dahil sa takot at sa bigla.

sweetheart, where's my reward?Where stories live. Discover now