£14 - sweetheart, what the fuck?

Magsimula sa umpisa
                                    


"Upo ka muna." Tinuro niya ang hospital bench na nasa hallway na 'yun. "I'll get you something to drink."


"Thanks, Ali." Hindi ko napigilang mapangiti.


"You're welcome." He reciprocated the smile as he guided me to sit on the bench.


Nang makaupo ako, he squeezed my shoulder lightly before he left. Tinanaw ko lang siya hanggang sa lumiko ito at mawala sa paningin ko. Sumandal ako sa aking kinauupuan at napatingala sa kisame.


Nang marinig ang sinabi ni Nurse Luna sa tawag, hindi ko na napakinggan ang sunod niyang sinabi dahil nagpantig na agad ang pandinig ko. Basta ang alam ko nalang ay tumatakbo na ako pababa ng hagdanan dahil ang bagal ng elevator. Tapos, si Ali ay sumunod sa akin habang tinatanong kung ano ang nangyayari.


Hindi ko siya nasagot dahil wala talaga ako sa focus noon. Ang gusto ko lang ng oras na 'yun ay malaman ang sitwasyon ng mga magulang ko, malaman kung ayos lang ba sila.


Sumunod lang si Ali sa akin at eventually, he stopped asking. Nang makalabas kami ng school, siya ang tumawag sa taxi at pinasakay ako sa likod kasunod siya. Sinabi ko agad ang destinasyon sa driver na agad binilisan ang pagmamaneho dahil na rin siguro nahimigan niya ang panic sa aking boses.


Habang nasa likod ng taxi, hindi mapakali ang mga paa ko. Ang kamay ko naman ay sumasakit at gustong gusto nang humawak ng clay para lang makapag pakalma sa akin. Nang mapansin ang estado ko, inakbayan ako ni Ali. Nang dahil sa ginawa niya, kahit papaano ay nabalik ako sa reyalidad.


Wala na siyang tinanong at hindi na nagsalita. He just gave me the silence that I needed all throughout the taxi ride to the hospital. Nang huminto ang taxi sa aming destinayson, agad akong bumaba at tinakbo agad ang mga hallway papunta sa department kung nasaan si Nurse Luna. Tumatak sa isip ko ang lugar dahil hindi naman ito ang unang beses na naging kritikal si Mama o si Papa.


Kung noon, nagpa-panic na ako nang sobra, iba na ngayon. Iba ang naging kabog ng dibdib ko at ng mga pumasok na pangyayari sa isip ko dahil alam ko na pwedeng ito na talaga ang huling mga sandali nila Mama at Papa.


Malalim ang hininga na hinugot ko na sinundan ko pa ng isa at ng isa pang muli hanggang sunod sunod na gano'n pa rin ang paghinga ko. Ang nandoon pa rin ang kaunting sakit sa dibdib ko at hindi pa rin matapos ang mga posibilidad na dumadaan sa isip ko.


"I thought you'd be back in the orphanage earlier than I had planned."


Nabalik ako mula sa lalim ng aking iniisip nang marinig ang tinig ng aking Lolo. Mula sa pagkakatingala, nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakapamulsa itong nakatayo 'di kalayuan sa akin at mukhang galing siya sa pagkausap sa mga doktor dahil nasa kanan ko siya. Sa direksyong iyon kasi matatagpuan ang station ng mga doktor at pati ang hospital room ng aking mga magulang.


"You're late." Tinanggal niya ang isang kamay sa kanyang bulsa para tignan ang oras sa kanyang wristwatch. "I hate it but the last thing they want to see if they really end up dying is you."


A huff of a laugh came out of my nose. "That just means they love me so much."


sweetheart, where's my reward?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon