Chapter 1

1.1K 30 1
                                    

Chapter 1

I don't understand those people who keep staying in toxic relationships. Expecting red flags to change when, in fact, they won't. Caging themselves in unhappy relationships just because they love the person so much is a kind of stupidity. And I hate seeing Thunder being cheated on by that woman. It's like he's waiting for her to develop a conscience, which will never happen.

But who am I to say all of this sh*t when I was just like him? Loving someone who's already married and wanting to own him, kahit mali? Love and lust are the most destructive things that have ever existed in this world. It's too dangerous. It drives people to do things and form unrealistic expectations, like a fire drawing them closer until they burn.

Karlos, the driver—napatunayan ko na rin naman na driver nga siya kasi nagpakilala rin siya sa akin—sent me to the room Zeus was talking about. Malawak iyong kwarto pero plain white, bedsheet, pillows, wall paint, curtain, all white! Para naman akong nasa hospital nito, pero hindi na ako nagreklamo at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama habang hawak ang strap ng shoulder bag ko. I groaned, feeling the softness of the mattress against me like it was a huge marshmallow. Ang sarap pala mabuhay na komportable ang hinihigaan mo? Ang lambot, hindi masakit sa likod at hindi ka gigising na para kang hinambalos ng baseball bat.

How can people living so comfortably choose to do the wrong things? Nakukulangan ba sila? Hindi ba sila nakokontento? That woman—maswerte na siya na may mabait siyang asawa, mayaman silang pareho at nakukuha na nila ang kanilang gusto, bakit nagagawa pa niyang manlalaki? Napailing na lang ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako habang ninanamnam kung gaano kasarap mahiga sa kama na iyon.

I WOKE UP past twelve. Bigla akong napabalikwas at nagmadaling lumabas, kailangan ko pang magluto ng lunch. Ngunit pagdating ko sa kusina ay naroroon si Karlos. Bata pa naman si Karlos kaya hindi ko na tinatawag na kuya, mukha siyang nasa twenty-five lang.

"Nakatulog ka ba? Ako na muna ang nagluto tutal ay kararating mo pa lang naman dito. Saka wala naman akong trabaho dahil hindi nagpahatid si Sir." He's a little bit talkative, huh.

"Pasensya na ang lambot kasi noong higaan, naidlip ako pero salamat na rin." humalakhak siya sa sinabi ko.

"Ganyan din ako noong bago ako rito. Ibang-iba kasi sa nakasanayan kong buhay sa probinsya." naiiling na sabi niya.

"Ilang taon ka na bang nandito?" tanong ko habang papaupo.

"Mga lima na rin," ang tagal na!

"Medyo matagal na ah? Iyan bang si Sir Zeus eh wala pang asawa?" umiling naman siya.

"Naku malabo, eh hindi naman niya pwedeng asawahin si Ma'am Rain." naiiling na sabi niya. And with that, the conversation was getting more interesting.

"Ha? 'Yong babae ba kanina? Bakit naman?" He looked at me like he was about to tell a secret, lumapit siya ng konti at medyo bumulong.

"Oo, eh kasi may asawa 'yon si Ma'am, three years na sila noong asawa niya." namilog ang mata ko at suminghap, kunwari nagulat.

"Talaga?! Omg! Grabe naman. Bakit pinatulan ni sir?" pagpapanggap ko at nagkibit balikat naman siya.

"Ewan ko rin e, baka mahal ni sir. Eh 'yon lang naman ang babaeng nakikita kong kasama niya lagi. Madalas silang umuwi sa isang bahay ni sir sa Tagaytay. Na-isa o dalawang linggo sila roon ng sila lang dalawa. Paano ko alam? Eh ako driver nila." tumawa siya at sumabay din ako. Chismoso siya, hindi lang halata pero buti na lang, ang dami kong nalalaman sa kaniya.

"Eh 'yong asawa ni Ma'am Rain? Kilala mo?"

"Oo! Napakayaman noon, kilala ang pamilya nila sa buong Pilipinas. Isa pa dating Presidente ng Pilipinas ang lolo noon." tama naman siya. Kung sa yaman at pagiging kilala, isa ang pamilyang Stevens sa mayaman at kilalang pamilya rito sa Pilipinas. Kaya naman masyado nilang inaalagaan ang reputasyon nila at ayaw madadawit sa akin anong eskandalo.

Thunder's Affliction (Updating)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz