£11 - sweetheart, promise me

Depuis le début
                                    


Him being calm is contagious. And now, wala siya rito para hawaan ako.


Ali is avoiding me. That Ali is avoiding me. My Ali is avoiding me.


Hindi pa naman lumilipas ang isang linggo pero the Ali that I know won't be able to go on a day without seeing me. Ako rin, nasanay na gusto ko lagi siyang nakikita para maging maayos ang pakiramdam ko. Hindi kasi ako na i-i-stress kapag kasama siya. He's my rest.


At ngayong dalawang araw ko na siyang hindi nakakasama simula ng araw na matapos ang inuman na parte ng plano ko, hinang hina na ako. At syempre, inis na inis sa kanya dahil iniiwasan niya ako at sa sarili ko dahil hindi ko alam na magiging ganito ako kapag wala siya.


Pati pala sarili ko hindi ko kilala. Ngayon lang ako nagkaganito. At sa mas bata pa sa akin.


Nilakad ko ang distansya mula sa courtyard ng Photography Department kung saan ko tinanaw si Ali hanggang sa marating ko ang Atelier Building ng department na 'yun.


Kahapon, sabi niya may meeting din siya sa Committee. Noong isang araw sabi niya may commission siya. Aba, hindi na siya nawalan ng gawain. Hinihintay ko siyang hindi maging busy, na siya ang pumunta sa akin, pero hindi yata mangyayari 'yun ngayon.


Akalain mo 'yun, kaya pala akong tiisin ni Ali? Ako kasi, hindi.


Dire-diretso akong pumasok sa loob. Kahit bakasyon na ay marami pa ring tao sa building. Mga ayaw na umuwi. Hindi ako pinuna ng mga nakakakita sa akin kahit alam nila na hindi naman ako photography major. Alam na nila kung bakit ako nandito. Sa sobrang dalas nila na makita ako na kasama si Ali, hindi na nila kailangan magtanong pa.


Dineretso ko ang lakad palampas ng receptionist sa lobby patungo sa elevator. Pinindot ko ang button at pinag-krus ang aking mga braso habang pinapanood ang numero sa maliit na screen sa taas ng pindutan.


Pataas palang ang elevator kaya nagtagal ito. Sa sobrang inip ko ay naisipan ko nalang na mag-hagdan kaso sa fourth floor ang atelier ni Ali. I don't think I can climb that. Baka pagdating ko sa fourth floor, masapak ko ang unang taong makasalubong ko.


With crossed arms and foot tapping restlessly on the floor as I watch the elevator go down, I got brought back from my empty thoughts when someone called me.


"Miss," tawag ng isang boses.


Natural na lumingon ka kapag may tumatawag na gano'n. Akala ko ay hindi ito sa akin pero nang lumingon ako ay nakita ko ang isa sa receptionist ng building na nakatanaw sa akin at malawak ang magalang niyang ngiti.


"Yes?" tanong ko pabalik at itinaas ang isa kong kilay.


"You can't visit," anito na ikinakunot ng noo ko.


"Me?" Tinuro ko ang aking sarili. "Bawal akong bumisita?"


Tumango ito sa akin. "Yes po."


Lukot ang mukha kong tinignan ang elevator na huminto sa isang floor. Matapos makita 'yun ay hinarap ko ang receptionist at nilapitan ito.

sweetheart, where's my reward?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant