"No," tanggi ko kahit iyon naman talaga ang totoo. Ayoko na rin namang magkwento dahil alam kong rinding rindi na siya sa pangalan ni Thunder.

"Wala kang maitatago sa akin, Heaven. Alam kong si Thunder nanaman ang dahilan kung bakit ganyan ang mukha mo! Hay naku! Pareho kayo e! Pareho kayong nagpapakatanga sa isang tao. 'Yong isa nagpapakatanga sa babaeng hindi na magbabago, ikaw naman nagpapakagaga sa lalaking kahit kailan hindi ikaw ang gusto!" umiling ako at hinayaan na lang siyang manermon. Tama naman siya.

Alam ko ang tama. Pero hindi ko magawa lalo na kapag nakikita ko naman na nasasaktan lang siya. Alam kong mali na mahalin ko pa rin siya. Pero hindi ko na mabago ang nararamdaman ko.

"Heaven, mga bata pa lang tayo. . . lagi ka nang nakatanaw kay Thunder. I find it a little creepy though, like. . . you're always watching him from afar like you're a freaking stalker. Hindi ka naman kilala noong tao. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Thunder para mahalin mo siya ng ganyan pero, don't you think it's time to let go? May asawa na si Thunder. Hindi na rin tayo bata. You're already twenty-three. I think you should focus now on your career and work on the life of your dreams. Forget about Thunder na, please?" Yssa is like my sister. We've been best friends since we were born; she's ahead of me by a year, and I sometimes find her like my older sister. Alam ko naman na pati siya napapagod na rin. But I can't. I can't stop. Kung kaya ko lang, bakit hindi?

"I will try okay? Kaya sige na. Mauna ka na sa kusina maliligo lang ako saglit at magbibihis tapos kakain na tayo." Humugot na lang siya ng malalim na hininga bago tumango.

"Fine. Bilisan mo lang, lalamig na mga pagkaing niluto ko." I watched her leave my room. Nang makalabas na siya ay napaupo na lang ako sa sahig at napatingala sa kisame. I smiled painfully. I guess it's a wild goose chase—thirteen years of a wild goose chase.

Thunder and I met when I was ten. Hindi ko alam kung natatandaan niya pa ako. He was fifteen at that time. Nahulog ako noon sa bike na sinasakyan ko, I escaped my father from beating me. Sa pagmamadali hindi ko na-control ang mini-bike na gamit ko. Malapit noon si Thunder sa kinaroroonan ko; he didn't think twice about helping me. Tumakbo kaagad siya palapit sa akin and I could still remember how he made me stand up as he kneeled down in front of me, worriedly checking the scratches I got on my leg. Pinagpagan pa niya ang binti ko na may dumi. He even brought me to hospital, whole day niya akong sinamahan.

Since then, I always admired him. He has this cold and unpredictable gray eyes. Pero sa kabila ng suplado niyang mukha, ay ang katotohanan that he's the most caring, kindest and warmest man I have ever met. It was just a one-time encounter. One-time moment,  a day of feeling his warm hands helping me and guiding me. But that one-time encounter made me so obsessed with him. I didn't notice; I was growing up with my eyes only fixated on him. I grew up admiring him, I grew up falling in love with him. Siya lang. Walang iba. Thirteen years, and I never had anyone or any man in my life because I only wanted him. I was reserving myself for him. . . even if. . . he's now already tied to someone.

The night passed by, na wala akong ibang nasa isip kundi ang nangyari ng gabi na 'yon. Bagot akong bumangon at ilang minuto pang tumulala sa kawalan bago naisipang maligo na at magpalit ng simpleng puting t-shirt tucked in ripped baggy pants paired with my white sneakers.

Naka messy bun lang ang buhok ko at kinuha na ang shoulder bag ko bago lumabas. Naabutan ko si Yssa na abala sa paghahanda ng niluto niyang sinangag at corned beef na may itlog.

"Morning," I greeted her, sabay kuha ng sinangag at mabilis na sumubo.

"Oh? Papasok ka na sa work o wala ka pang work at hahanap ka ngayon?" Tumango ako.

"Oo, wala kasing tumanggap sa akin kahapon." Naiiling na sabi ko. 

Ang hirap talaga kapag wala kang natapos. Ang hirap kalabanin ng diploma lalo na kung mahirap ka. Pareho kami ni Yssa na hindi nakatapos ng kolehiyo. Hindi patad ang mundo para sa amin, at kahit sinubukan naman namin na gawan ng paraan, sadyang hindi namin kayang bayaran ang tuition fee. Hindi rin kasi ako biniyayaan ng utak, hindi ko naipasa ang entrance exam ss mga state college at state universities na sinubukan kong pasukin. Kaya sa huli, pinili ko na lang mag-trabaho, magugutom ako kung ipipilit ko ang pangarap ko. Si Yssa naman hindi rin nakapagkolehiyo, kinailangan niya kasing huminto dahil marami silang magkapatid, middle siya, 'yong sunod sa kaniya nag-aaral na rin, tapos 'yong panganay third year college noon, hindi nila kayang magsabay-sabay kaya napilitan siyang huwag na mag-college muna. May balak naman daw siya mag-aral pa rin, mag e-enroll siya next year, may kapatid naman kasi siyang tutulong na sa kaniya.

"Tumawag sa akin si Niki, nagpapahanap daw ng kasambahay 'yong boss niya. Baka gusto mong patusin? Malaki raw 'yon magpasahod." Ngumuya ako at tumusok ng hotdog bago kinagat ang kalahati.

"Hingin mo address, pupuntahan ko." I saw her typed on her phone. Probably asking Niki about the address.

"Sure ka? Baka stay in 'yon?" Tumango ako.

"Pwede na 'yon kaysa wala. Kailangan ko magpadala kay Nanay, hindi pwedeng mahinto ang gamot noon." Naintindihan naman niya kaya after namin kumain ay binigay na rin niya ang address sa akin. Kinuha ko agad 'yon at nag-toothbrush muna bago umalis.

Dumaan ako sa eskinita palabas ng apartment. Naghintay lang ako ng bus at kaagad nang sumakay papunta sa private village na nakasulat sa address na binigay ni Niki kay Yssa. The village was familiar. No, alam ko talaga. Pero baka hindi naman sila. Baka iba.

Pinakatitigan ko ang malaki at kulay avory na bahay sa harapan ko. The village's guard guided me hear, naitawag na rin niya na nag-aapply ako as kasambahay ng may-ari. Mayamaya lang ay automatic na bumukas ang gate. May lumabas na maganda at mamahaling kotse, tumabi naman ako upang makadaan iyon, mayamaya lang din ay may lalaking lumabas—nakasuot siya ng pang-driver.

"Miss, ikaw ba 'yong mag-aapply na kasambahay?" mabilis akong tumango.

"Ah opo," ngumiti pa ako.

"Pasok ka, hinihintay ka ng amo namin sa loob." lumawak lalo ang ngiti ko at nagmadali nang sumunod. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga nakikita. It was my first time na makapasok sa ganito kalaki at kagandang bahay.

Huminto kami sa isang tila opisina na kwarto. And there I saw a man standing and drinking a glass of wine.

"Sir, andito na po ang applicant." sabi no'ng tila driver at lumabas na rin. I felt tense as I waited for the man to face me. Habang unti-unti niya akong hinaharap ay halos parang hindi ako makahinga ng makilala ko ang mukha niya.

"You're applying to be my maid, right?" hindi ako agad nakasagot, nakatulala lamang ako sa kaniya. This can't be!

"Miss?" pag-agaw niya sa attention ko noong hindi ako sumagot.

"O-opo." I started to stutter, pinagpapawisan na rin ako. I can see him surveying me from head to toe.

"Okay, you're hired." hired? Hired?! Agad?!

"T-talaga po?" tumango ito.

"I'm in need of a maid right now, since I am always busy. Wala akong naiiwan dito sa bahay. Don't worry, the compensation is fair and may benefits pa akong ibibigay." hindi naman iyon ang kinakabahala ko, okay lang ako rito.

"By the way, what's your name again?" nakagat ko ang dila sa loob ng bibig bago makasagot.

"I-I'm Heaven, po."

"Ilang taon ka na?" sumimsim siya sa wine niya matapos itanong iyon.

"Twenty three po sir." he nodded his head, and before he could even ask me another question, a woman barged into his office room, tila hindi ako napansin nito or wala lang talaga siyang pakialam na naglakad palapit sa magiging boss ko at halos malaglag ang panga ko ng mabilis na pumulupot ang mga braso ng babae sa lalaki at mariin itong siniil ng halik. They kissed torridly right in front of me, and I was just stuck and completely frozen, witnessing a wild show before my eyes.

The man chuckled before gently pushing the woman away.

Lady, calm your p-ssy. I'm in the middle of interviewing my new maid." The woman groaned, flipping her curled hair as she looked at me, raising her eyebrow.

"Hire her now and let's leave," the woman demanded, and my boss chuckled.

"Right away ma'am. Heaven right? You're hired. I have an extra room at the end of the hallway aligned with this room. I'll tell Karlos to guide you, but for now I'll leave you here first, alright?" hindi pa sana ako makakasagot pero pinilit kong sumagot sa kaniya.

"Yes po sir, t-thank you po." ngumiti siya at pinalibot na ang braso sa bewang ng babae at sabay silang lumabas ng office room na 'yon. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makaalis sila. I frustratedly brushed my hair. Hindi makapaniwala sa nasaksihan. I looked at his table and saw his name plate.

Zeus Seinfield.

Ang kabit ng asawa ni Thunder.


. . .

Thunder's Affliction (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon