Chapter 50

7.7K 101 1
                                    

Noah Lev’s POV

“Daddy! Daddy!” malakas na tawag sa akin ng bunso ko. Bigla akong napatayo at kinabahan, lalo na nang marinig kong may nabasag na kung ano. Halos liparin ko ang studyroom dahil doon nanggagaling ang boses ni Bella.

Pasalya kong binuksan ang pinto. Nakadapa si Bella habang nakatakip ang mga kamay sa ulo. Katabi niya ang lagayan ko ng mga pabango at ang basag-basag na vase.

“Daddy ko. . .” iyak niyang tawag sa akin.

“Don’t move, honey. I’ll pick you up.” Kaunting galaw niya lang kasi ay siguradong masusugatan siya.

Mabilis ko siyang nilapitan at dahan-dahang binuhat. Kaagad siyang yumakap sa akin nang mahipit kasabay ng pag-iyak.

Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng pantalon ko. Tinawagan ko si Jaxon habang papunta kaming library. Pinapunta ko agad si Jaxon sa bahay, dahil sugat-sugat ang kamay, braso, pati sa paa ni Bella sanhi ng tumalsik na mga bubog.

“Are you okay?” alalang-alalang tanong ko sa kaniya. Iniupo ko siya. Naalarma ako nang makita dumudugo ang ilalim ng baba niya. “Jesus Christ, anak!” palatak ko. Nerbyos na nerbyos ako sa nakikitang anyo niya.

Kaagad akong kumuha ng tissue, saka lumapit kay Bella na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Pakiramdam ko tinatarak ang puso ko ng milyon-milyong karayom sa nakikita kong anyo niya.

“Please hold this, honey.” Iniabot ko ang tissue sa kaniya. Nilingon ko ang nakabukas na pinto ng library. “Manang Susan! Manang Susan!” tarantang sigaw ko na may kasamang galit. Wala roon si Belle dahil may trabaho pa siya. Nasa school naman ang kambal kasama ang mga yaya nila.

“Po, Sir?” Patakbong lumapit sa akin ang tinawag ko. Halatang kinakabahan.

Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili. Saktong dumating na rin si Jaxon, na nasa bahay lang din namin. Kung hindi talagang malilintikan sa akin si manang.

“Mag-uusap tayo mamaya, Manang,” malamig na wika ko.

Tulalang tumango ito at iniwan na kami roon ni Jaxon na may dalang medicine kit. Lumapit siya kay Bella at dahan-dahang inalis ang tissue na nakatakip sa may baba niya.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Jaxon. May pag-iingat na ginamot niya si Bella.

“I don’t know. Narinig ko na lang ang pagsigaw niya at ang pagkabasag ng kung ano sa study,” sagot ko.

“Kailangang tahiin ang sugat niya sa baba. Medyo malalim ito,” aniya.

Tiningnan ko si Bella na sa akin din nakatingin. Awang-awa ako sa kaniya.

“Hindi ba mag-iiwan ng peklat?” tanong ko kay Jaxon.

“I can use a tiny needle and a chromic catgut sature para sigurado tayong walang scar sa baba niya,” paliwanag niya.

Sasagot pa lang sana ako nang bumukas ang pinto. Bumungad roon si Belle na alalang-alala. Lumapit siya sa amin. She gave me a kiss to my cheek saka tinabihan si Bella.

“Ano’ng nangyari?” tanong niya sa amin.

“’Yong flower po kasi na kinuha ko sa bahay nila Dada Jaxon, nabitiwan ko po sa studyroom ni Daddy. Tapos po pumasok sa ibaba po ng sa collections niya ng perfume. Nahulog po lahat ng perfume sa taas, saka nabasag pati po ang vase ko,” sagot ni Bella sa ina sabay yuko.

“Nasaan si Manang Susan?” tanong ni Belle na sa akin nakatingin. Nagkibit-balikat ako. Malilintikan kasi ako sa kaniya dahil ako ang narito sa bahay.

“Hindi ko na po pinapasok sa study room si Manang Susan, Mommy, dahil kaya ko naman po ilagay sa collection ko sana ng flowers,” inosenteng sagot ni Bella.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن