Flower {2}

3.6K 226 111
                                    

Flowers {2}

PRINSIPE NG MGA BADJAO's POV

{Namjoon}

Nakatingin lang ako kay Prinsesa Hwayang habang patuloy ang kasiyahan sa aking kaarawan. Kulang nalang nga matunaw siya sa aking mga tingin. Hindi ako nagsasawang titigan siya. Nakaputong ang kanyang itim na buhok, at may nakapalamuting mamahaling bato at hiyas sa kanyang buhok, maganda ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, mapupula ang labi at maaliwalas ang kanyang mukha. Maganda siya kahit sa malayo, ano pa kaya kung sa malapitan?

Hindi tuloy maiwasan ng puso kong kiligin.

At dahil sa kakatitig kay Hwayang, di ko napansin na lumapit pala sa akin ang pandak kong alipin na s Ji Min.

"Mahal na prinsipe." bati niya sakin, saka nagbow ng 90 degrees.

"Ano kailangan mo? Hindi ko ipapamahagi ang jams ko saiyo." pagtataray ko sakanya saka kumain ng tinapay na may palaman na strawberry jams na inexport pa mula sa La Presa.

"Huwag niyo pong titigan si Prinsesa Hwayang, labis pong nagseselos at nagdurugo ang puso ni Prinsipe Jin."

Tiningnan ko siya ng masama, sininyasan ko siyang lumapit sakin. At sumunod naman siya.

Bumulong ako sa tenga ni Ji Min, "Ji Min, wala kang jams."

Hindi nalang naimik si Ji Min, ako naman patuloy lang sa pagtitig Prinsesa Hwayang.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magkagusto siya sa akin.

*****

Dahil sa pagdiriwang, hanggang mamaya pang alas dose ng gabi matatapos ang kasiyahan sa aming emperyo. Buong araw na walang gagawin ang mga mamamayan ng emperyong Ba Djao—holiday kumbaga.

Nasa dakilang silid-aklatan ako at aking mga kaibigan. Magpapatulong ako sakanila para makuha ko ang loob ni Prinsesa Hwayang.

"Alam ko na, prinsipe Namjoon! Bakit hindi kaya natin siya regaluhan ng empanada?" suhestyon ni Prinsipe Taeh Yung.

Ano bang meron sa empanada at hindi niya makalimutan ang pagkaing yun?

"Magpagwapo ka pa lalo! Magsuot ka ng sandamakmak na shades." sabi naman ni Hos Eok habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga kabayo.

"Su Ga, meron ka bang naiisip na matinong paraan?" tanong ko kay Su Ga na nakahiga sa mesa at natutulog.

"Follow the 10 steps to capture a heart. Huehue." tugon niya.

Hayyyy~ Nagkamali pala sa ako sa mga taong dinulugan ko. Sana pala kinausap ko nalang yung alaga naming uwak, baka mas may maitulong pa yun sakin.

"Prinsipe Jin, ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawing upang—"

"PAKAMATAY KA NA!" sigaw niya sakin na agad ko namang kinagulat.

Maya-maya, bigla namang kumanta si Jung Kook, "Selooooos~ Ang bigat ng iyong dalaaaa~"

Agad ko siyang sinapok, kaya napatahimik siya. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sakanila.

"Prinsipe Namjoon, pinapatawag ka ng iyong ama." bigla kaming ginambala ng aking alipin na si Ji Min. Nagpaalam muna ako saglita sa aking mga kaibigan at nangakong babalik. Kailangan ko munang sundin ang aking ama.

Pagkarating ko sa lugar na sinabi ni Ji Min, inutusan ko siyang iwan muna kami. Sumunod naman si pandak.

"Ama, bakit po?" magaling kong tanong.

"Anak, ang kabilang emperyo ay nais maghandog sayo ng regalo." masayang sabi ng aking ama.

Masaya ako sa natanggap kong regalo—pero mas naging masaya ako nang makilala ko kung sino iyong nagbigay ng regalo.

Frozen FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon