£10 - sweetheart, what's the reason?

Start from the beginning
                                    


Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. Hindi pa siguro siya nahihimasmasan kaya ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro sa kanyang buhok. Hindi naman siya lumayo at mukhang gusto rin ng aking ginagawa.


"Masakit ulo mo?" tanong ko.


"Yeah," he answered in a groggy voice.


"Then get up, kain ka ta's inom ka gamot. Hangover lang 'yan."


"Hmm..."


He closed his eyes again. Nailing nalang ako at ako na ang unang bumangon. Nakita ko ang pagkadismaya niya nang kuhanin ko ang kamay ko sa buhok niya.


Pinanood niya akong umalis sa kama. I'm wearing an oversized shirt and shorts underneath. He hates seeing me in this kind of outfit pero ayos lang sa kanya kapag nasa loob lang ng dorm at kaming dalawa lang ang magkasama.


I know he just wants to keep the sight to himself. Kaya naman nang bumangon ako ay titig ito sa aking bawat galaw. Nare-realize niya kaya ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin?


Sa aliw ko sa kanya, hindi muna ako tuluyang umalis. Nilapitan kong muli siya sa kama. Nakahiga pa ito at pinanonood lang ako. May pagtataka sa mata niya nang lumapit muli ako pero sinagot ko agad ang kaguluhan sa isip niya nang yukuin ko siya sa kama at halikan ang ulo niya.


"Get up, sweetheart," I said, smiling sweetly at him. "You have your clothes here so take a cold bath. It'll help with the hangover."


Hindi siya gumalaw at namula lang ang mukha. Mula sa pagkakahiga niya sa kama, tiningala niya ako at tinitigan bago lumingon palayo at tumayo na.


Sumuray ito nang biglang bumangon kaya naman hinawakan ko ang braso niya.


"Ayos ka lang?" may pag-alalang tanong ko.


Without looking at me, he answered with a nod. Umayos siya ng tayo at naglakad na papunta sa banyo. Naiiling ko siyang tinanaw hanggang sa masarado niya ang pinto ng banyo. Natawa nalang ako sa aking sarili.


Pinusod ko ang aking buhok at tinungo ang kitchenette para maghanda ng agahan namin. I decided to cook a simple breakfast, 'yung pinipirito lang. Hindi naman talaga kasi ako marunong magluto bukod sa pagpiprito. Sa bahay, may mga katulong sila Mama. Noon naman sa ampunan, hindi ako pinagluluto kasi muntik ko ng masunog ang ampunan.


Habang busy ako sa pagpiprito ng sausages at scrambled egg, narinig ko ang paglabas ni Ali sa banyo sa aking kwarto. Dalawa kasi ang banyo sa dorm ko; isa na common toilet ta's 'yung nasa kwarto ko na toilet and bath.


Hindi masyadong nakasarado ang pinto sa kwarto ko kaya narinig ko ang mga pagkaluskos ng galaw ni Ali. Nagbibihis siguro ito. Habang naghahain ako, lumabas na ito ng kwarto ko nang bihis.


"LJ," he called me, somewhat panicked.


Nahinto ako sa paglalagay ng plato sa lamesa dahil sa tono niya. Nilingon ko ito at nakitang lukot ang mukha niyang nakatanaw sa aking kwarto.

sweetheart, where's my reward?Where stories live. Discover now