£5 - sweetheart, it's foundation fucking week

Start from the beginning
                                    

"Ali," tawag ko sa kanya na ikinagulat niya. Napa-igtad ito sa kinauupuan niya at nilingon ako.


"O-oh?"


Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya as his eyes roamed down before meeting my eyes again.


Humugot ako ng malalim at mahabang hininga. "I want to punch you in the face right now."


"Huh?" Mas lalo itong nagulat sa sinabi ko.


"All this festivity bullshit is irritating me." I brushed my hands through my hair that I effortlessly styled with a curler. "It reminds me na hindi ko makikita ang gawa ko sa ginta ng dome hall."


Tinitigan niya ko hanggang sa bumaba ang mga balikat niya nang huminga ito nang malalim. "Should we go somewhere to calm you down? Ice cream?"


"I want to hit the one who's responsible for this. 'Yun lang magpapakalma sa akin."


He pursed his lips, standing up from his seat. "Let's not get to that part." Nilapitan niya ako. "Let's go outside."


Tumaas ang mga kilay ko sa paanyaya niya. "Bakit?"


"Destroy some bush or whatever."


A laugh rose from my throat. "Okay."


He led the way to the back of the dorm. May garden ang likod ng dorm ng department namin. May benches din doon. Tinuro niya sa akin ang isang damuhan. The grasses there are already overgrown. No one has been taking care of it since everyone got busy with the preparations for Foundation Week.


Prenteng umupo si Ali sa bench habang ako ay pumulot ng isang stick at winasiwas sa mga damo. Tumutunog ang hangin sa mabilis kong paghampas ng stick sa mga damo. Unti unti namang nababawasan ang damo at lumiliit dahil sa aking ginagawa.


Surprisingly, it relieved my urge to punch someone. Being this violent against a bed of grass was enough to let me take out my pending anger.


Nang mapagod ako ay putol na ang stick na pinulot ko dahil sa malakas kong paghampas sa mga damo. Parang hindi pa ako nakuntento kaya hinagis ko ang putol na stick at pinanood itong mawala sa paningin ko.


Humihingal ako pero nakangisi na ako ngayon. My pent up rage has been somewhat eased. Mainit pa rin ang ulo ko pero ang hingal na nararamdaman ko ngayon ay nagpapahupa sa mga bagay na naiisip kong gawin; the violent outburst.


Si Ali ay pinanood lang ako sa aking ginagawa. He didn't say anything nor did anything. He just sat there and watched. Mukha siguro akong tanga sa paningin niya pero wala na akong magagawa. Ito ang nakapagpasaya sa akin kahit papaano.


Umupo ako sa tabi niya at sumandal. Itiningala ko ang aking ulo at tinitigan ang asul na kalangitan. It's a beautiful day. Parang iniinis ako ng langit. Maganda ang araw pero para sa akin ay hindi.

sweetheart, where's my reward?Where stories live. Discover now