73

221 4 1
                                    

» 73 «

Messages: Brent 👨‍✈️ (COMPOSE URSELF BEFORE REPLYING)

Today 8:34 PM

Welcome, boss
Haha finally nagreply ka rin 🤙
Sorry ngayon lang ako nakasagot ang hirap kasi humanap ng signal dito sa lugar namin sa LU
Nasa bayan nga kami ngayon nila Mama buti meron na kahit papano

Leche ka 😫

Bakit hahaha
Taena sandali nababawasan yung bar ng signal ko shit
Wag ka mawawala boss
Pipilitin kong makareply agad

Baka naman magtaob ka dyan paghahanap ng signal
Okay lang naman
Di ko rin alam sasabihin ko eh 😔 I mean after all that happened huhu
Tapos dumagdag pa tong regalo mo grabe
Kinokonsensya mo yata ako eh

Gagi hindi
Matagal ko nang plano yan
Pasko naman pati eh saka deserve mo

Pero ang mahal nito 🥲

Ano naman haha
Sabi ko nga sayo deserve mo yan
Itabi mo na lang yung ipon mo. Malay mo may lumabas na mas maganda di ba

Tapos binili mo pa ko kay Ate Ke ng perfume 🥲
Seriously Brent
Gusto kitang sakalin

Wag mo na ngang isipin yun
Basta kung saan ka masaya
Doon ako

Nakakainis ka 😭
Bakit ka ganyan

Tinanong pa talaga eh
Alam mo naman na kung bakit haha

😫

Alam kong nakapagsorry na ako, pero gusto ko pa ring magsorry kung binigla kita ng gabing yun. Ilang taon ko rin kasing kinimkim kaya ayan haha
Pero hindi ako magsosorry at hindi ko pagsisisihan na minahal kita at mahal kita, Blythe. Hinding-hindi kailanman. Hinding-hindi kasi ito yung pinakatamang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.

Huhu Brent 🥺

Inaamin ko, sinubukan kong pigilan noon. Pero wala eh, nakakagago. Kahit anong pigil ko, isang ngiti mo lang, bumabagsak ako.
Isang tingin mo lang, kuhang kuha mo ako.
Isang salita, napapasunod mo ang buong sistema ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan, palalim na pala nang palalim yung hukay na di ko alam kung paano makakaahon
Hay
Sorry boss napapaamin ulit ako haha
Di ko lang talaga mapigilan na
Pero kung naiilang ka o di mo gustong pag-usapan to, ayos lang naman walang problema
Sana lang bigyan mo ulit ako ng chance maging kaibigan mo
Alam kong hindi mo gusto yung ganito na nagkakagusto sayo ang kaibigan mo pero handa akong isantabi ang nararamdaman ko manatili lang ako sa tabi mo
Kahit hindi na best friend
Kahit hindi na gaya ng dati
Kahit anong klaseng kaibigan
Basta parte pa rin ako ng buhay mo, tatanggapin ko
Pangako yan

Omg boss 😭
Ano bang kabutihan ang nagawa ko para magkaroon ako ng ikaw huhu
Wala kang dapat ikahingi ng sorry
Wala ka namang kasalanan eh
Ako yung dapat magsorry sa ginawa ko

Hindi boss
Naiitindihan ko yun sa maniwala ka o hindi
Hindi rin kita masisisi
Nabigla kita so expected ko na rin dapat kung ano yung magiging reaction mo

I'm really sorry, Brent
Especially on how I acted these past few days
And how I ruined our supposed to be good vacation huhu sorry 🥺
Kung nakipag-usap lang sana agad ako nang ayos sayo di tayo ganito

Wala yun boss ano ka ba
Mahalaga eh nireplyan mo na ko
At tinanggap mo yung regalo ko
Masaya na ko dun

And thank you. So much. Sa pag-intindi, sa pag-unawa, sa lahat

No worries
Mas thankful ako
Kasi meron akong ikaw
You have no idea how grateful I am bcos I have you, Blythe
My always in all ways

Aaa ang dami kong gustong sabihin sayo
But di mo deserve na dito ko lang yun sabihin
Gusto kitang makita 🥺

Ako rin
Gustong gusto na ulit kitang makita at makasama
Miss na miss na kaya kita

I miss you too, boss 😔

Taena sa 29 pa kasi ang balik namin
Pero sabihin mo lang kung gusto mong umuwi ako, uuwi ako ngayon din
Kahit magcommute ako

Gago tumigil ka nga
Paskong pasko and ngayon mo lang nakasama ulit sina tita
Pag-uwi niyo na lang

Pero ang tagal pa nun 😔✋
Kaya mo pa ba kong hintayin?

Jusko parang iilang araw lang

Magfacetime nga tayo taena hahaha
Unang pasko yata to na di tayo magkasama eh

Hirap ka na ngang makakuha ng signal gusto mo pang magfacetime 🙄
Kita na lang tayo pagbalik mo
Then we'll talk

Promise?
Di mo na ko tataguan?

Promise.
I won't run away anymore
Merry Christmas, Brent.

Jump Then Fall | EpistolaryWhere stories live. Discover now