11

223 2 0
                                    

» 11 «

Messages: Blythe

Today 8:13 PM

Congrats ulit, boss
Enjoy
Mag-ingat

Today 8:47 PM

Thank youuu, boss B
Byahe na kami
Nakauwi na kayo?

Kadarating lang kani-kanina
San na punta niyo?

Di ko sure exact place pero dinig ko kila Ms. Sophie eh somewhere BGC lang

Tahan pag-inom ha
Magtira ka ng pang-uwi

Grabe parang sinasabi mo naman na mahina tong bestfriend mo
Kayang kaya ko na ngang makipagsabayan sa inyo

Wag puro yabang di to contest

HAJAABHAHA pero thank you talaga kanina ah
Sabi na di mo ko matitiis
Labas na lang tayo bukas for a post celeb

Alam kong di mo ko titigilan eh

Naman

Anong oras ang uwi mo

Grabe wala pa nga kami don??

Tangi para masundo kita
Sabihin mo rin sakin exact place niyo

Satin ka nga pala ng buong holy week no

Oo kaya bantay sarado ka

Ano ko, highschool?

Basta
Di ko naman kilala yang mga kasama mo
Di bale sana kung sina JM yan

Judgmental to 🙄

Nag-iingat lang
Baka pati magkalat ka
Pasalamat ka nga concern pa ko sayo

Aba utang na loob ko pa pala

Magmessage ka ha
Laro lang ako valo

Sige po itay

Ge nak

Today 12:09 AM

Ano na
Di pa ba kayo tapos

Uy boss
Huhu sorryyy di na me naka-message
Nalimutan ko na
Pauwi na ko byahe na

Umuwi ka mag-isa? Saang lugar ka na?

Hindi, kasama ko si Xian. Ihahatid ako

Xian?

Yung kapartner ko ah
Blocmate namin nila Eli
Di mo na tanda

Ikaw nga nalimutan mo kong i-message eh

HAAHAHAHAH sorry na nga
Nawala talaga sa isip ko

Marami ka bang nainom

Yata? Pero di naman ako lasing
Pagkain mas nilantakan ko eh

Hintayin na lang kita sa labas ng bahay niyo

Parang tanga to
Uuwi naman ako
Around España na kami

Para makasigurado lang na iuuwi ka talaga ng kasama mo

Ewan ko sayo papakin ka sana ng lamok

Edi papakin
Mag-ingat
Lalabas na ko

Sige po boss itay

★ ★ ★ ★

Twitter

B 🔒 @captlaw
Ano bang trip nitong singkit na to bat may pagbaba pa ng sasakyan

B 🔒 @captlaw
Ge uwi na wag ka na babalik

Lawrenz 🔒 @echavezbrent
Congrats, Ms. Thomasian @shaiyieee

| Shanaia Blythe @shaiyieeeShuta pang-ilang bati na to???| Capt P @phildequitoCongratulations, Blythe!| Capt V @vonazureCongrats madam @shaiyieee painom ka naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

| Shanaia Blythe @shaiyieee
Shuta pang-ilang bati na to???
| Capt P @phildequito
Congratulations, Blythe!
| Capt V @vonazure
Congrats madam @shaiyieee painom ka naman

Jump Then Fall | EpistolaryWhere stories live. Discover now