69

197 3 0
                                    

» 69 «

Messages: Eli

Today 1:23 PM

Kauuwi lang ni Brent
Galing daw sya kila Phil

Okay thanks God
Nag-aalala si tita kagabi eh akala magkasama kami nung umalis sya
Di pala nagsabi sa kanila

Di mo pa rin ba kakausapin?

I don't know Eli 😔
Di ko alam kung pano sya haharapin huhu

Kita kong gusto ka na naman nyang itanong sakin kanina
Naghihintay lang to panigurado ng message mo

One of these days sana
Pero sa ngayon di ko pa talaga kaya 😢  Ewan ko nahihiya na natatakot ako sa nangyari

Hindi sa pinangungunahan kita ah
Pero ano ba talagang problema?
Gusto ka ni Brent, gusto mo rin naman sya. Bakit mo sya iniiwasan? Hindi ba dapat masaya ka kasi gusto niyo ang isa't isa?

Masaya naman ako Eli
Believe me
Kaya lang nahihiya ako kasi after nyang umamin sakin pagbalik ko sa hotel, tinakbuhan ko sya kasi pinangunahan ako ng takot
Hindi ko kasi alam kung kaya ko na bang sumugal at isugal ang samahang nabuo namin
And siguro na-overwhelm ako sa nangyari considering na you know
We've been friends for so long tapos parehas lang pala kaming may feelings sa isa't isa
Pinigilan ko pa yung nararamdaman ko sa kanya noon kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin
Plus the fact na mina-match ko lagi sya sa iba although I like him so much kasi I already accepted long time ago na we'll stay as best friends no matter what

What the hell
So you didn't get the chance to tell him what you feel?

No
I was so scared and embarrassed
Kaya nga hindi na kami nakagala the next day at umuwi na kami kahit 1 week dapat kami dun 😢

Alam mo kung di lang kita pinsan, nakaltukan na kita
Noon pa may gusto si Brent sayo at imposibleng ni minsan e di mo yun napansin
Naiintindihan kong natatakot kang isugal ang pagkakaibigan niyo pero sa tingin mo ba, hindi yan magkakalamat ngayong iniiwasan mo sya?

Eli 🥺

Naisip mo rin ba yung takot na naramdaman ni Brent noong umamin sya sayo? Yung takot na baka pagkatapos nyang sabihin sayo ang totoo, pwedeng masira ang pagkakaibigan niyo?
Pero kahit ganun, sumugal sya
Kahit walang kasiguraduhan sa mangyayari, tumaya sya

I don't know what to say sa totoo lang huhu

May tiwala ka naman kay Brent, ano?

Yes sobra
I wouldn't be friends with him for so long if I didn't fully trust him

Then don't be afraid to take risks
Hindi lang naman ikaw mag-isa ang tataya at lalaban
You're with him, Shai
Mas kilala mo sya kaysa sakin
Kaya alam mo kung kaya ba nyang samahan ka hanggang dulo o hindi
Gusto mo bang itong takot na ito pa ang makasira sa lahat ng nabuo niyo?

Ayaw ko 😔
Honestly hindi na rin ako mapakali na ganito kami pero hindi ko naman alam kung paano ko sya iri-reach out

Tell him the truth, Shai
He deserves it
Siguro naman sapat na ang ilang taong pagtatago niyo sa isa't isa para lang maisalba ang pagkakaibigan niyo?
Sarili niyo naman ang piliin niyo ngayon

Jump Then Fall | EpistolaryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum