CHAPTER 14

731 25 0
                                    

AVYANNA’S POV

Kinabukasan pumasok akong may malaking black eye sa pareho kong mga mata. Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari at pati na rin sa reviewer ko. Nang makalabas ako ng bahay ay napatingin ako sa buong paligid at pinakiramdaman kung may ibang tao. Nang makasigurado ako ay bumayahe na ako papunta sa school at nang makarating sa parking lot ay nakita ko si Zara na tila ang lalim ng iniisip kaya naman nilapitan ko siya.

“You’re thinking too much,” sabi ko at nagulat siya nang nasa tabi na niya ako.

“Ginulat mo naman ako, Avy!” sabi nito at saka napahawak sa dibdib niya.

“What happened?” tanong ko sa kan’ya.

“I was exhausted  last night. Hindi rin ako nakapag-review,” sagot nito at sabay na kaming pumasok ng room.

Ilang oras ang lumipas at naging maayos naman ang lahat kaso lang ay may iilan akong hindi nasagot sa tanong. Pero napapatingin ako kay Zara na para bang may kung ano ang gumugulo sa isip niya at sa totoo lang ay gusto kong malaman pero hindi ko rin naman ugaling itanong kung anong iniisip ng isang tao.

Matapos ang tatlong subject ay nakahinga ako ng maluwag kasi kahit na mayro’n pang exam bukas ay at least konti na lang i-re-review ko. Hindi ko nakitangpumasok ngayon si Cross pero napapaisip ako sa kung ano ang nangyari sa kaniya bakit hindi siya nakapasok. Ayos naman kami kagabi at wala naman akong nakitang ano mang problema sa kaniya dito sa school. Habang nakaupo kami ni Zara ay biglang tumahimik ang buong paligid na siya namang ipinagtaka ko.

“May nakain ba silang masama kaya sila tumahimik?” bulong na tanong ko sa sarili ko at saka ko tumingin aa direksyon ng bawat lamesa.

Lahat sila ay nakatingin sa may pintuan at doon ay nakita ko si Cross na may hawak na bulaklak at g’wapo sa kan’yang suot. “Woah? Hindi ko aakalain na gan’yan pala kag’wapo si Cross,” hindi makapaniwalang sabi ni Zara. “Sino naman ang pagbibigyan niya ng bulaklak?” nagtatakang tanong pa niya.

Hindi ko na lang pinansin ito at saka ako tumingin sa kinakain ko at napabuntong hininga ako. Habang abala ako sa pagkain ay nakita ko na lang ang pares ng sapatos sa may gilid ko at ang bulaklak. Nangunot ang noo ko sa ginawa nito at saka ako napatingin sa kaniya.

“Ano ‘yan?” takang tanong ko.

“Bulalak?” sagot niya na may patanong rin.

“Alam ko! Ano’ng ibig sabihin n’yan?” inis na tanong ko.

“Bawal na ba magbigay ng bulaklak sa random girl ngayon?” singit ni Zara at sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi sa ‘yo, Zara dapat talaga manahinik ka na lang,” bulong na sabi nito sa kan’yang sarili.

Muli ay binaling ko ang tingin kay Cross. “Hindi ako mahilig sa bulaklak,” sagot ko at muling kumain.

“Chocolate?”

“Nope.”

“Teddy bear?”

“No.”

“Hand written message?”

“No.”

“Date?”

HER SECRET IDENTITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon