CHAPTER 7

6.6K 92 4
                                    

LEVE'S POV

Pag-katapos kumain sa cafe ay tulad nga ng plano namin ng lalaki ay namasyal nga kami.

At habang nag-lilibot sa kabuuhan ng barko ay isa lang ang masasabi ko, napaka-elegante nga talaga ng Crucero Ship.

Mula sa cabins, restaurants, cafes, swimming pools, at marami pang iba.

"Want me to take a picture of you?" Biglang saad ng lalaki sa tabi ko habang nag-lilibot kami sa kabuuhan ng barko.

"No." Sagot ko naman habang nag-lilibot ng tingin sa paligid at mga tao.

"Don't you like keeping memories?" Xand asked.

"I don't need a picture to remember this ship." I just answered.

Like duh, di ko kailangan ng mga litrato para maalala ang barkong to noh, at paano ko makakalimutan ang mga nang-yari sa ship na to eh dito ko isinuko ang bataan, baka nga kahit mag-ka Alzheimer pa ako sa pag-tanda ay di ko talaga to makakalimutan.

Crucero Ship, ang cruise ship kong saan isinuko ko ang bataan para lang mabuntis. Oh diba, satingin niyo makalimutan ko pa yun?

"Well, you're right. We don't need pictures to remember the scenes we did here." Saad pa ng lalaki sa tabi ko, napa-irap nalang tuloy ako dahil alam ko namang iba ang tinutukoy niya.

Ang halay din talaga ng lalaking to.

Nag-patuloy pa kami sa pamamasyal pag-katapos non, habang hawak pa ng lalaki ang kamay ko, para tuloy kaming couple. Di ko na din naman iyon tinanggal, lalo na't first-time ko din naman itong may maka-holding hands, at ngayon ko lang nalaman na ang sarap pala sa feeling.

"Wanna swim?" Tanong ni Xand ng madaanan namin ang pinaka malaking swimming pool ng ship.

Umiling naman ako bilang sagot sa lalaki, ang dami kasing tao at ayaw ko non. Kaya naman nag patuloy na lang kami sa pamamasyal, hanggang sa makadaan na naman kami sa isang malaki pang swimming pool ngunit kadalasang mga bata naman ang naliligo, mabibilang lang din ang mga adult na.

"Gusto kong maligo dito." Saad ko sa lalaki habang nakangiting pinapanuod ang mga batang nag-lalaro sa tubig.

Honestly, I love kids, nakakawala kasi sila ng stress tingnan at napakagaan nila sa pakiramdam.

"Okay, enjoy." Nakangiting saad naman ng lalaki, and mabuti nalang rush guard ang suot ko ngayon kaya di ko na kailangan pang mag tanggal ng kong ano-ano maliban sa sunglass na suot ko.

"Ikaw, di ka maliligo?" Tanong ko pa bago lumusong sa tubig.

"No, I'll just watch you." Matamis ang ngiti niya paring saad sabay kindat sakin.

"Okay." Tugon ko nalang at lumusong na sa tubig, habang ang lalaki naman ay naka-upo lang ngayon sa bench sa gilid.

"Hi." Nakangiting saad ko pa sa mga bata na naliligo din, pag-katapos non ay naki-pag-laro pa ako sa kanila.

And God, it's really fun.

"Boyfriend niyo po ba yong kasama niyo, ate Leve?" Tanong pa ni Ishka, isang half American and half Filipino na 7 years old.

Di ko naman alam ang isasagot ko don, ano nga ba kami ng lalaki?

Di din naman kami magka-one-stand dahil ilang beses na din naman naming ginawa yun.

So maybe f*ck buddies? Pero pwede ding friends with benefits.

"He's my friend." I just answered.

"Then why is he holding your hand?" Parang chismosong tanong naman ng batang si Math sa tabi ko.

FUCK ME, MR.STRANGER (CRUCERO SHIP # 1)Where stories live. Discover now