Bus #1502

14 0 0
                                    

I forgot my interaction with Mr. tanned skin dahil sa daming tambak na trabaho sa school at org . I'm here again in PUP and Yes, hindi ko siya nakasabay kanina.  Actually, this is like the third time of me going to sta. mesa and not meeting him on the way or even kapag pauwi na ako. I guess hindi lang nagtutugma schedule namin and also, maybe that's just it?.

I just don't want to dwell on that thought a lot dahil may ranking system ako pag dating dito. I don't know if it's just me but I have this ranking system for my crushes like I have the top spot, the crush of the month, the crush of the year, My top 5 most crushes where it consist of my 'bias wrecker' na titibag kay crush of the month or crush of the year or kung sino mang nasa top of the top.

Anyway, ang point ko lang ay marami akong koleksyon ng mga Oppa that's why if that crush most likely don't like me or hindi kami swak at all, they can be Replaced, sounds so jeje and delulu, 'no?. As of the moment, ang crush of the month ko ay si Mr. Tanned skin, but I feel like Oppa Lee Dong wook will replace him soonest kasi I've been binge watching all his k-dramas at super pogi niya talaga.

" Neri, pahiram naman niyang camera" I gave kaela My DSLR and watched her photograph the pasig river just beside our school. Hindi ko pa rin alam 'till now on why kaela has a soft spot for this place, of all places pa talaga inside the campus, dito talaga sa ferry side. If you'll just smell lang talaga sobrang sangsang ng amoy like amoy patay na daga and true to its infamous trait, I confirm na kulay itim siya.

"Beh, matagal pa ba article writing mo diyan?" Tanong ni kaela. I just rolled my eyes dahil alam ko na kung anong gusto niyang puntahan, 'yong Publication office namin kasi nandon si kuya emery.

"Beh, teka saglit, ano po?. Ang hirap po kasing mag-revise ng article. Hindi 'to kakayanin ni chatGPT, ante"

"Beh, kunting support naman diyan para sa aking future" at ayon na nga naglitanya na siya at nag-drama sa tabi ng ilog pasig

"Atsaka, ikaw ang Maid of Honor ko kaya kailangan mong tulungan ang aming pag-iibigan" ang keme niya rin minsan feeling ko lumalala na talaga pagiging delulu niya.

" Beh, one-sided lang. Facts only tayo sa PUP. Bawal ang 'perception is real and the truth is not' na ka-emehan"

"Heh!, Manahimik ka. Bawal bang maging delulu? Ngayon lang 'to, 'no. Atsaka, single naman si kuya emery kaya hindi bawal" and her eyes sparkled like a puppy. Basta alam niyo na 'yan, isa rin naman kayong delulu.

Hinayaan ko na lang siya. Napagod rin naman siyang i-convince ako dahil alam niya namang suportado ko siya sa lahat ng ka-emehan niya sa buhay. I was too focused revising my paper for the engineering bulletin when kuya emery saw me. He was walking towards the North Wing Building but now he sat in our table.

"Neri! Hinahanap kita sa CEA. Need na kasi 'yong article. Natapos mo na ba 'yong revision ng sports column?" He asked me. I saw kaela at my peripheral vision na na-estatwa for a moment pero she continues what she's doing pero alam ko that she's screaming inside.

"I was about to finish na, kuya. Nasa last part naman na ako. Also, "
Napatingin ako sa gawi ni kaela at tinawag ko siya

"Kaela,  pahiram muna ng cam" I looked at her and wiggled my eyebrows. She was looking at me and she's giving me the "Gaga! 'wag kang obvious" look

"Ay, si kaela pala 'to!" Sambit ni kuya emery and I was laughing inside dahil nakita kong kinilabutan si accla dahil tinawag siya ng crush niya.

"'Yong shots pala 'to ng Semi-finals game ng Women's basketball. Also, included some shots from the crowd just in case lang need for facebook campaign" I saw kuya emery browsing through the shots.

" Ikaw ba may kuha nitong recent shots?" He's asking kaela. Si kaela naman ay parang tuod na tumatango lang at hindi nagsasalita. Tignan mo 'tong Gagang 'to, kanina lang parang makabasag pinggan siya tapos ngayon umaaktong maria clara ng sinaunang panahon.

Meet me on TuesdayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin