2

32 11 5
                                    

-bookworm-

A new day begins! At, ginanahan akong gumising kaya bumangon ako ng maaga dahil pupunta kami nina Del at Lyle sa mall ngayong araw para i-celebrate ang nakuha naming score kahapon sa exam namin.

Kaya naman nang matapos akong maghanda para sa sarili ko ay kinuha ko ang phone ko para mag-video call kami sa group chat. Not long after, Lyle joined in the video call. While we were still waiting for Del to join, I thought of teasing Lyle, and so I did.

"Oh, handa ka na ba d'yan, Mr. Chauffer? Ang sosyal-sosyal ng apilyedo mo pero ang may-ari naman ng apilyedo ay medyo sakto-sakto lang for my taste," pang-iinis ko.

He made a face and then backfired me. "Thank you for making me your suitor. It's an honor that I courted a girl whose name is Philosophia. Bagay nga sa 'yo ang pangalan mo, pilosopo ka nga."

Umakto naman akong yumuko para makita niya na gan'yan naman talaga ako. Since birth pa.

Ilang minuto ang nakalipas nang sa wakas ay nag-join na si Delancy sa video call at nagsimula na kaming mag-usap sa pagpunta namin sa mall mamaya.

"Oh? Sino ulit manglilibre mamaya?" tanong ni Del at halatang may halong pangungutya ang kan'yang boses.

"'Oy! Alam ko na 'yang mga gan'yanan niyo! Tapos na ako kahapon kaya 'wag niyo akong idamay d'yan sa kalokohan niyo! Kahit mag-bato-bato pick pa kayo d'yan," mariing tanggi naman ni Lyle kaya napahalakhak naman kaming dalawa ni Del sa kan'ya.

"Ano? Mag-bato-bato pick pa ba tayo, Del?" natatawa ko pa ring tanong.

"'Wag na, 'wag na! May sarili naman tayong mga pera kaya gamitin na lang natin 'yon ngayong araw," aniya, basta na lang siyang sumuko sa usapang panglilibre.

"Ayon! May punto ka rin sa wakas, Del!" masiglang puna ni Lyle kay Del.

Umismid ako at nagsalita. "Ang sabihin mo, ang kuripot mo lang talaga kaya sang-ayon na sang-ayon ka sa sinabi ni Del."

"Oops! Tama na nga 'yang bangayan niyong dalawa. Manliligaw ka pa sa gan'yang lagay, Lyle? At, ikaw naman, Philo, nagpapaligaw ka pa rin sa gan'yang lagay? Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa 'pag nagkatuluyan kayo. Nonstop bangayan ang paniguradong mangyayari," napapailing-iling na anas ni Del sa 'ming dalawa.

"Ikaw kasi," biglang paninisi ni Lyle sa 'kin kaya aakma na sana akong gumanti nang napatigil ako sa pagsasalita dahil inunahan na ako ni Del.

"Ayan na naman kayo. Tigilan niyo 'yan, sinasabi ko sa inyo, mas naii-stress pa ako sa inyong dalawa kaysa sa nakuha kong score sa exam," frustrated na banta ni Del sa 'min.

Napakamot naman kaming dalawa sa ulo dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya masisisi dahil nakaka-stress nga kami pero hindi rin naman niya kami masisisi na ganito kami unang nagkakilala ni Lyle, sa pagbabangayan, siguro soulmates lang talaga kami.

"Balik na tayo sa main topic, anong oras ba tayo pupunta sa mall?" mabilis naman niyang iniba ang takbo ng usapan at nagtanong kaagad siya.

"Alas nuebe na lang kaya? Para roon na lang tayo kakain ng lunch," suhestiyon ko. Napatango-tango naman silang dalawa.

"Then, so be it. At, for once, mamaya, 'wag kayo masyadong sumobra sa pagbabangayan, ha? Nakakahiya sa mga taong naroon," paalala ni Del sa 'min.

"Yes, Ma'am Finch!" Sabay naman naming sabi ni Lyle at sumaludo pa kami sa kan'ya.

"Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa. Bagay nga kayo."

Natawa naman kaming tatlo pagkatapos.

If trios didn't exist, what about us? Trios do actually exist and I hope this would last a lifetime but with having Lyle as my boyfriend.

Metempsychosis Series #7: Fate to AlterWhere stories live. Discover now