"Sa saturday naman sabi ko, there's about almost 4 days pa oh." Ani Sofie.

"COD 'yan? Sali ako maya." Anjali.

"Guys, hello! Please do pay attention to me." Pag da-drama ni Sofie.

"Luh, attention seeker!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa sinabi ni Diya. Lagi talaga 'tong nang aasar. No wonder kung bakit may mga naiinis sa kaniya.

"Fuck you!" At nag bad finger pa ito sa camera. "Going back, I told Xi na sa saturday ang gala natin and I've decided to go to the beach."

"Beach na naman?" Reaction naming tatlo.

"Hindi ka ba nagsasawa doon?" I ask her. Parang kailan lang kaka-beach lang namin.

"Paladesisyon ka talaga 'no?" Naiinis naman na sabi ni Diya.

"Gago ka talaga bes!" Si Anjali naman.

"Akala kong gala iyong mall, shopping, or arcade lang. Beach pala" I commented. Iba talaga mag isip si Sofie.

"Xi already agreed. Plus, it's been awhile noong nag beach tayo. I miss the sea!" Maarte hayag nito.

"Ang sabihin mo clout chaser ka lang!" Panunuya na naman ni Diya.

"Alam mo, kung kasama kita kanina pa na-shoot sa bunganga mo 'tong brush ko." Naiinis na rin na sagot ni Sofie.

Lumipas na ang ilang minuto na nagbabangayan na naman sila. Hindi ko na lang sila pinakinggan at muling nag scroll sa Facebook.

"How about you, Alora Mae? Kamusta naman kayo ni Geo?"

Natigil ako sa pag i-scroll dahil sa tanong ni Sofie. "Anong kamusta? Okay lang naman ako. Siguro okay lang din naman siya." Sagot ko. Nakarinig naman ako nang tawanan galing sa kanila.

"What I mean is, kamusta kayo? 'Di ba you told us na ililibre mo siya?"

"Ah, ayon ba... Ewan ko. Baka hindi siya free." Parang bigla naman akong nalungkot doon. I really want to be with her bago itong bakasyon namin. After kasi nitong bakasyon ay second semester na. Malamang sa malamang ay sobrang magiging busy kami.

"Chinat mo na ba?" Tanong ni Anj.

"Hindi pa..."

"Kung naririnig ni Chanelle 'tong pinaguusapan natin for sure umuusok na naman ilong no'n." Komento ni Diya.

"Pero, tanga ka! I-chat mo na. Para malaman mo if gora siya or hindi." She added.

"Eh, nahihiya ako. Baka busy kasi siya at maistorbo ko." Wala rin akong lakas ng loob na i-chat siya kasi naiisip ko yung itsura niya kanina. Mukhang badtrip siya at ayoko na dumagdag doon.

"Malay mo hinihintay niya na mag chat ka?" Alaska pa ni Diya. "Sabi ko kasi sa 'yo nagseselos 'yon." Natatawa pang dagdag niya.

Napairap naman ako dahil doon, "Alam mo kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang." Hindi magandang biro 'yon, mamaya umasa ako.

"Bakit, umaasa ka ba? Paano mo nga malalaman kung hindi mo susubukan?" Isa pa 'tong si Sofie.

"Eh baka nga busy siya."

"Do you really like her?" Biglaang tanong ni Anjali. "You never acted that way before."

"Asking the obvious, bes?" Sagot naman ni Diya at umirap. "Ano? Isa ka rin kagaya ni Chanelle?" Dagdag na tanong nito.

"Stop guys! You making Alora confused. Hindi kayo nakakatulong." Sabat ni Sofie.

"Ayoko mag chat, nahihiya ako." Iyon na lang ang sinabi ko para maiba yung usapan about sa kung gusto ko ba si Geovana.

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now