Kabanata 11

3 1 0
                                    


"Gagi! Nakakatrauma talaga yung taxation! Baka mabagsak ako run" paglabas na paglabas palang namin dinig na dinig ko na mga reklamo ng mga blockmates ko kung gaano kahirap yung last exam namin. Pero ako? Wala, ang nasa isip ko na lang is yung bakasyon because finally I can go home to Pangasinan. Nag-inat inat ako kasi ang saki na ng likod ko.



Naglalakad kami nang madaanan namin ang Accounting Department at saktong kalalabas lang nila Ross at Miguel. Hindi na naman nila kasama si Zach.



"Where's Zach?" tanong ni V.



"Hindi pa tapos exam niya. Btw, Ragna, gusto ka raw niya makausap" sabi ni Miguel.



"Bakit daw?" he just shrugged.



"Una na kami, ayaw ko rin makita yung lalaking yun!" sabi ni Rhiane. Tumango na rin ako, wala naman siguro kaming kailangan pag-usapan. 



Lalakad na kami nang bigla siyang patakbong lumabas ng room kung saan sila nag-exam. Humihingal pa siya habang bitbit and bag niya. 



"Ragna, can we talk?" hingal pang sabi niya. Pumunta si V sa harap ko. 



"No!" pagmamatigas niya. Victoria will always be the protector in the group, I just don't know how to tell her that I need to talk to him also. Isang linggo nang bumabagabag sa utak ko yung sinabi niya sa akin.



Ginambayan siya ni Ross at umalis na rin kami nila V. I want to tell her na I need to talk to Zach pero rararatatin lang ako neto kapag sinabi ko iyon.



"Saan kayo sa sembreak?" tanong ni Sav. Kinuha ko yung aquaflask ko at uminom. Aaminin ko man o hindi, nakakawala ng laway yung exam kanina kahit na hindi naman kami required magsalita. At lalo akong nauhaw kanina habang pinipigilan ang sarili na huwag pagbigyan nang tsansya and lalaki na makausap siya.



"Bahay" sagot ko.



"Boring naman" sabi ni V.



"I mean sa bahay, bahay---Pangasinan" sabi ko. Bigla naman nagtitili si Rhiane.



"Halla, sama kami? Please?" sabi niya. "Tapos punta tayo Baguio after nun. Hmm, malayo ba yun sa Ilocos? Gusto kong pumuntang Vigan! Tapos sa La Union. Ghorl! Sama mo ko" sunod-sunod na sabi niya.



"I think that's a good idea, since nasa ibang bansa naman sila mama. They are asking me if may pupuntahan ako sa sembreak, I might as well come. Ikaw Sav?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Before I Let You GoWhere stories live. Discover now