Kabanata 5

12 1 0
                                    


Hindi ko naman ugali mag overthink pero dahil sa sinabi ni Xytel mukhang mararanasan ko na rin. Hinatid ako ni Zach sa apartment. I just said thank you and tumango lang siya sa akin bago umalis. Minsan nakakapagtaka rin si Zach, ang gulo-gulo niya.




Pagkapasok ko sa apartment, inopen ko yung facebook ko and I searched that girl's name. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil friend siya ni Damian. I browsed her timeline and doon ko nakita mga tagged pictures niya with my boyfriend, I guess Damian isn't accepting the tags because I can't see this on his timeline, or maybe he except me, some comments are even saying they look good together and Adriana just replied 'thank you'. Kinacareer niya ata.




I called Damian. I need to feed my curiosity right now. Naiinis ako na parang wala man lang nalalaman sa mga ganap niya sa buhay lalo na at may mga ganitong nag-aassume na sila ng babaeng ito. Tapos naghahanap siya ng update sa akin?




Aaminin ko namang maganda siya, pero hindi ba siya aware na may girlfriend yang lalaking kasama niya? Nag-ring lang yun ng tatlong beses bago may sumagot. Halos mabitawan ko pa cellphone ko nang marinig ang boses sa kabila.




"Hello?"




Yun palang alam ko na hindi si Damian ito because it's a woman's voice. Why on earth does she have my boyfriend's phone?




"Hello? Who is this? You don't have a name on Damian's phone" sabi pa niya. Pinatay ko na lang ang tawag. Paanong wala akong pangalan sa phone niya? At bakit nasa babae ang cellphone niya. And that was my mistake; I should have asked the girl who she was. So I did, I called Damian's number again but this time siya na ang sumagot.



"Hello, Ragna?"




"Where are you?"




"In the office"




"Who's with you?"



"A friend, I am sorry but I have to go. May meeting pa kami, I'll call you later okay?" sabi niya lang bago pinatay ang tawag. I really need to see his phone, anong sinasabi ng babae kanina na wala akong pangalan sa cellphone niya. It cannot be, ako nga nagsave ng pangalan ko sa phone niya e.




---

Before I Let You GoOnde histórias criam vida. Descubra agora