Kabanata 4

6 1 0
                                    



Just like the past weeks. Hindi kami nag-uusap ni Damian, this is too childish I know pero hinding hindi ako ang magfifirst move if ever. He was too busy and he cannot even text me kahit tanungin lang sana kun nakauwi ba ako nang maigi nang iwan niya ako mag-isa sa bar.  Or does he even care? Tapos gusto niya ng update?




And speaking of the guy I was with that night, yeah I spent half an hour with him before my friends texted me where they are. Naka-anim na shot na ako noon. 




"Hey! Sabi ko naman alalayan na kita" Umikot paningin ko pagkababa sa upuan.



"Don't act like you care, kapag nasa school tayo parang hindi mo ako kilala" He chuckled. Nakakatawa ba yung sinabi ko? Parang nawala hilo ko sa lalaking to. Patience, Ragna.



"Hm? So you want me to talk to you when we're at school?" sabi niya at hinawakan ulit ang siko ko.



"Tangina ka! Bitawan mo ako" ganito ba talaga pag tequila ininom mo? napapamura ka na lang bigla?



"You are cursing huh. But no, you might fall"



"Edi ma-fall."



"Okay" sabi niya tsaka ako binitawan at muntik na ako mapasubsob sa floor ng bar.



"Gago ka ba?! Bakit mo ako binitawan!"



"Sinabi mong bitawan kita" sabi niya tsaka umalis na. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa na umalis siya habang naka-upo pa rin ako sa floor. Inalalayan ko sarili ko na tumayo bago pinuntahan mga kaibigan ko. Hilo pa rin ako pero mas nangibabaw yung inis ko sa lalaking yun.



"Anyare sa'yo te?"



"Shh, don't ask"



"Where's Damian?"



"Pumunta sa office, sabi ko naman sa inyo masyado siyang busy para bumawi" tsaka ko nilagok ulit yung nasa table nila. 





Before I Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon