The Childhood Bestfriends

16 1 0
                                    


Si Ysabel, childhood bestfriends silang dalawa. Magkaklase kasi mga magulang nila. Super close nila sa isa't isa na parang magkapatid sila. Gwapo at matalino si Miguel kaso masungit. Nang grade one na sila, crush na ni Ysabel si Miguel pero hindi niya alam. Nalaman niya lang sa mga kaklase kasi iniinis sila.

Hanggang sa grade five na. Hindi na sila close ni Miguel. Ewan ko ba. Bigla na lang nag-iba si Mig. Hindi na sila nagpapansinan. Siguro dahil na rin magkaiba na sila ng section. Hindi man aminin ni Ysabel pero alam kong gusto niya talaga si Mig.

Palagi silang nag-aaway. Minsan nga magsasapakan. Normal lang sa kanila yung dalawa. Hanggang sa umiyak sa akin si Ysabel. Sinabi niya sa akin na bakit daw ba ganoon si Mig sa kanya. Sa kanya lang kasi ganoon si Mig. Close nga kami ni Mig kung tutuusin. Ewan ko ba kung hindi siya pinapansin nito.

Napakabilis ng pangyayari na hindi ko namalayan na umiikot kami sa iisang barkada. Si miguel nagkacrush siya sa isa naming kabarkada, si Reese. Napakahinhin niya na kabaligtaran ni Ysabel. Hindi ko alam pero alam kong nagseselos siya. Well, nagkacrush din si Reese kay Mig. Halos lahat sa'min ay nagkacrush sa kanya. Gwapo kasi siya at matalino. Wala ka ng hahanapin pa. Pero kahit ganoon ay boy next door ang tipo ni Mig. Hindi siya yung bad boy. Nakasalamin nga siya pero hindi siya mukahng nerd.

Nang minsan ay tinanong ko si Mig kung bakit siya ganoon kay Ysabel. Nung una ay hindi siya nagsabi pero kinulit ko siya kaya sinabi niya. Minsan raw kasi masyado ng nakakasakit si Ysabel. Masakit kasi talaga magsalit si Ysabel kahit ako kung minsan ay nasasaktan pero kaibigan ko siya e.

Kinausap ko lahat ng mga kabarkada namin na pagayusin silang dalawa. Ayaw ng ni Ysabel nunguna pero alam gusto niya talaga. Hindi naman naging awkward kasi parang naglet go si Reese. Alam niya naman na si Mig at Ysabel lang ang may chemistry.

Ang totoo niyan, wala silang ginawang dalawa. Nahihiya siguro pero ngayon ang masasabi ko ay maayos na sila. Sa ngayon ay mag3rd year na kami. Nag-iiiba ng ugali ni Mig kay Ysabel. Hindi siya masungit kay Ysabel pero pagsa iba ay snob siya.

Ngayon alam ko na ayaw ni Ysabel na umasa. Nagsasabi siya na gusto niya na magmove on. At tama nga. Nainlove siya kay mig ng hindi niya namamalayan. Siya lang ang minahal nito mula ng bata pa sila.

Sa ngayon, ay masaya sila bilang magkaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Online Real TalkWhere stories live. Discover now