All started in the camp

64 7 2
                                    

First meeting namin noon para sa Camp namin. Sinabihan kami ng camp leader namin na magpakilala kami. Wala nga akong kakilala sa mga kagrupo ko noon pero nakikita ko sila sa school. So, ayun! It's my turn to introduce myself. Pero dahil conscious ako sa paligid ko, napansing kong nakatitig yung boy na kagroup ko sa akin. Naka-SMILE pa nga! Hindi ko na lang pinansin yun.


Bumalik ako sa classroom namin noon at yung mga close friend ko todo sabi sa akin na "Ang swerte mo! Sana ako na lang yung kagrupo ni (insert his name)". Halos lahat pala ng kaklase kong babae ay crush nila yung boy na kagrupo ko. Oo, nakikita ko si boy. sa school. Maganda ang boses niya, gwapo at magaling sumayaw. Pero yun nga lang, hindi ko lang alam ang pangalan niya.


Dumating yung 2nd and 3rd meeting namin pero ganun pa rin napapansin kong tumitingin siya sa akin tapos nakangiti. Hindi ko na naman ulit pinansin yun. Ang awkward kasi eh.


Then, the first day of the camp came, na-late pa nga ako noon at nagsimula na sila ng activity. Pumunta na lang ako sa activity area at hinanap sila tapos nabigla na lang ako nung may kumaway sa akin. Oo, si boy na nakasmile sa akin. Nagulat talaga ako nun. Napabulong na lang ako sa sarili ko. "Huh? Kilala niya ako?"


Nang makalapit ako sa kanila. Tumulong na ako sa activity. Napagkamalan pa nga ako ni boy na 1st year daw ako. Sabi niya baby face daw ako. Pero sinabi ng leader namin na 3rd year na ako. Hindi nga nun makapaniwala si boy.


First night of camp, Nagtipon kaming lahat na campers sa field. Wala akong kinakausap nun kaya sa dulo na lang ako pumuwesto. Pero laking gulat ko nung may tumapik sa balikat ko at tumabi sa akin sabay sabing "Ang liit mo pala (insert my name here)!" Siyempre dahil awkward ako sa kanya. Nagsmile na lang ako. Nung sinabihan kaming umupo na. Akala ko aalis na siya pero Hey! Shocks! May sinabi siya sa akin at kumuha siya ng sit upon.


"Tara, tabi tayo!" Sabi niya sa akin na nakasmile. Ako naman, nagdodoubt kung uupo ako o hindi? Siyempre, dahil parang gusto ko rin siyang makatabi, tinabihan ko siya pero naglagay ako ng space. Ayoko kasing madikit yung braso ko sa braso niya.


Hindi pa natapos yun. Sinabihan pa nga niya ako ng pick up line na kanta. Shocks! Kinilig yata ako noon. Nung may tumabi sa amin na kagrupo namin at may dalang camera ay may sinabi na naman si boy sa akin.


"Uy, Picture tayo oh!" Siyempre nakipicture na rin ako nun. Nakakahiya namang tumanggi kasi nakatutok na yung camera. Nung talent show na, sinabihan na naman niya ako. "Huy! Walang hiya-hiya dito! Wag kang mahiya!"


Nung patapos na yung first night ng camp, Lagi na lang siyang sumusulpot at sasabihan niya ako ng "Huy! Nag-iisa ka naman!" ,"Uy! kain ka pa!" at "Tahimik ka na naman!" Pero alam niyo kung anong response ko sa mga sinabi niya? NAGSMILE lang ako! Nahihiya kasi talaga ako sa kanya.


Ganun pa rin yung set up, nung second day ng camp, bigla na lang siyang susulpot at babanggitin niya pangalan ko. Hindi ko alam kung maiirita ako sa kanya o matutuwa? Kinilig talaga ako sa part na 'to! Nagpabring me kasi yung mga teachers.


"Bring me the pictute of your girlfriend!" -Teachers.


Bigla akong tinignan ni boy at sinabi niya sa akin na ibigay ko raw picture ko dahil girlfriend niya raw ako. Pero siyempre hindi ko sinunod yung sinabi niya. Ano ako assuming? Eh sino lang ba ako? Simple lang pero siya isang gwapo at sikat na estudyante. 4th year siya. Mas matanda sya ng isang taon sa akin.


Pinagkwento ako ng mga close friend ko nung 2nd night ng camp. Tinanong nila kung anong feeling maging kagrupo si boy. Nung 3rd day at uwian na. Kami pala ni boy yung nakatokang maghugas ng mga pinggan. Na-a-awkward pa rin ako sa kanya nun kahit may mga kasama kami sa washing area. Nagkaroon ng awkward silence pero bigla siyang nagsalita.


"Bakit pala ang tahimik mo?" Tanong niya at nakatingin siya akin. Kumabog talaga yung puso ko noon.


Tinignan ko talaga siya. "Wala kasi akong ka-close kuya." Nagsmile na lang siya.


"Akala ko talaga 1st year ka," Sabi na naman niya.


"Hindi kuya, 3rd year na kaya ako." Sabi ko.


"Akala ko talaga 1st year ka, ngayon lang talaga kita napansin." Sabi niya pero nagsmile na lang ako sa kanya.


Bubuhatin ko na sana yung mga pinggan nun pero pimigilan niya ako. Siya yung nagbuhat sa mga pinggan at pinahawak niya lang sa akin yung dishwashing liquid. Kinilig talaga ako sa pagiging gentleman niya.


Nung uuwi na kami, sinabihan niya kami na 'wala daw limutan 'pag natapos na yung camp at kukunin niya daw mga numbers namin. Nagdaan ang ilang araw at bigla ko na lang siyang namiss. Nagising na lang ako na crush ko na pala siya. Binigay nung leader namin lahat ng numbers namin. Nag-GM ako including the boy. Shocks! Bigla siyang nagreply. Ang pinagtataka ko nun, alam niya kaagad na ako yung nagtext. Pero hindi ko na lang pinansin.


Mula noon, naging magkatext na kami. Kapag nga napapadaan siya sa classroom namin at nadadatnan niya ako sa labas, either kukurutin miya pinsgi ko o ilong ko o kaya gugulatin niya ako. Kapag nga nakakasalunong ko siya, tatawagin niya pangalan ko kahit malayo pa ako. Dun na nagsimulang sabihin ng mga friend ko na may gusto daw si boy sa akin. At ako naman nag-assume na din ako.


Pero isang araw, kumalat na lang ang balita na MU daw sila ng kaklase ko. Nasaktan ako nun kaya hindi ko na siya tinext nun. Hindi ko na rin siya pinapansin kapag nakakasalubong ko siya. Magmula nun, nag-iba na rin pakikitungo niya. Hindi na siya nagtetext. Hindi na rin niya ako pinapansin. Kung makakasalubong ko man siya, either titingin siya sa iba o magpapanggap na hindi niya ako nakita. Ang sakit pala ano kahit crush ko lang siya. Ang sakit kasi nagpakita siya ng motibo na parang gusto ka rin niya.


Pagkaraan ng ilang linggo, nagmove on na ako. Mabilis lang. Crush lang naman eh. Minsan naiisip ko na naging paasa siya. At ngayon masaya ako para sa kanya dahil graduate na siya ng highschool at may nililigawan na rin daw siya. Ayun! End na.


Masasabi ko lang sa inyo: Don't assume too much because in the end, you will just end up hurting yourself.


~~~

Ansave ng sender xD hugot hahaha. Just pm me your true to life story :)

Online Real TalkWhere stories live. Discover now