Wattpad Crush

110 9 5
                                    

*If putol po siya, try refreshing it*

August 2014. Nakilala ko siya. I met him sa isang thread/club/forum/cafe (Whatever you call it. Lol). Ang saya nilang kausap pero may isang tao talaga na hindi ako pinansin. He didn't even bother to say "Hi" at me. Napasabi nalang ako sa isip ko nun na "Okay, wag mo na pansinin ang taong snob." Pero nang sinabi ko yun sa isip ko, bigla niya akong kinausap.

"Hi." -siya

"Hello po."- ako

"Uhh. H-he-llo" - siya

Pero dahil sa reply niya, I felt awkwardness. Ewan ba, ang weird kasi ng reply niya. Is he trying to say that he is stuttering? Ng dahil lang sa hello ko? This guy is really weird.

"Awkward." - ako

"Let's just pretend that is not." - siya

Kinabukasan, nag post siya sa mb ko. At dun na nagsimula ang lahat. Parati na kaming magkachat na halos walang araw na hindi ko siya nakakachat. Ang saya niyang kausap at ang kulit niya pa nga e. At hindi ko alam bakit pero kapag kausap ko siya ang saya-saya ko.

"I Love You" - siya

Nang mabasa ko ang message niya halos hindi ko alam ano ang mararamdaman ko. Kakaamin ko nga lang sa sarili ko na gusto ko na siya tapos biglang ganito? Pero siguro joke lang naman yun. Dapat hindi ako aasa sa mga sinasabi niya kasi sinasaktan ko lang sarili ko. Sa Wattpad lang kami nagkakilala at imposibleng magkagusto siya sa akin. Ang alam ko kasi, hindi basta-bastang naiinlove ang mga lalaki.

"I Hate You." - ako

"Haha. Kahit hate moko love pa rin kita." - siya

"Yaak. Tumigil ka nga. Nakakadiri pinagsasabi mo." - ako

"Anong nakakadiri dun? Nagiging sweet lang po ako mahal." -siya

Mahal. For me, that call sign is the corniest name ever. Pero pagdating sa kanya kinikilig ako at biglang lumalakas ang tibok ng puso ko. I hate him because he's so sweet. We're totally opposite. He's sweet and I'm not. Kaya pumunta ako sa thread para sana ilabas ang mga nararamdaman ko. Para sana may makausap ako sa nararamdaman ko ngayon. Pero ang nakakainis e nandun din pala siya. Kung kailan pumupunta ako sa thread e pumupunta din siya. Para bang palagi niya akong sinusundan.

Kaya sa thread, ganito ang nangyari:

"Mahal kita." - siya

"Oo na. Mahal na rin kita." - ako

Mahal daw ako ni *insert my name here* Nabasa niyo yung sinabi niya diba? Kayo ang ebidensya. Hahaha

Nung mabasa ko yan, halos hindi ko na alam anong maramdaman ko. Pinagkalat niya pa talaga sa mga tao sa thread. I'm already blushing and smiling widely right in front of my laptop. This feeling is really damn weird. Me? Smiling just because of my Wattpad Buddy? Ugh. It's not really me.

Tumagal ang panahon at mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Sweet siya sa lahat ng mga nakakausap niya. Pero ewan ba at feeling ko mas sweet talaga pakikitungo niya sa akin. Na special ako sa kanya.

"Mahal na mahal na mahal kita."

Palagi niyang sinasabing mahal niya ako pero walang kami. Hindi ko rin alam kung totoo ba talaga mga sinasabi niya. Kaya I decided na mag confess sa kanya. Doon ako humugot ng lakas sa araw-araw at gabi-gabi na pinaalala niya sa akin na mahal ako. Doon sa kanyang mga promises. Doon sa kanyang mga sinabi. Doon sa efforts.

Pero feeling ko nabigo ako sa pag confess ko. Kasi umabot na ng 1 week pero wala pa rin siyang reply. Parati siyang online pero hindi na niya ako magawang i-chat. Sa ginagawa pa lang niya nasasaktan na ako. Paano pa kaya sa sasabihin niya? Nawawalan na ako ng pag-asa kasi sinasabi na ng isip ko na "Wag ka nang umasa. Niloloko ka lang niyan. Pinaasa ka lang. Hindi ka mahal niyan."

February 14, 2015. He pm-ed me. At tama nga ako, hindi niya ako mahal. Masakit. Kasi sana noon pa man sinabi niya na. Nag confess na ako noon sa naramdaman ko and he's okay with it. Umasa kasi ako.

"Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ang pinaka-love kong reader at ang taong pinakaimportante sa akin."

Sinabi niya yan noon sa akin. Pero ngayon? Hinayaan niyang mawala ako sa kanya. Umiiwas na siyang kausapin ako.

~~~

This is open for all :) Just pm me if you want to share your stories too. Don't forget to like, comment and share! Have a nice day to all :) 

Online Real Talkजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें