Chapter 6

189 11 5
                                    

Miko’s POV

I still can’t believe na makikita ko si Bea, tama ako.. alam kong tama ako na siya ‘yung nakita ko.

Kaya pala masyadong gulat ang mga kumag dahil talaga namang nakakagulat ang biglaang pagbabalik ni Bea.

How can I imagine na ‘yung kanina ko pang iniisip na babae ay makikita ko mismo, dito pa sa campus.

Kaya pala no'ng pagkakita ko sakaniya ay parang kilalang-kilala ko siya, ramdam ko na si Bea talaga ang nakita ko.. hindi ko lang masabi sa isip ko ng diretsahan.

She’s back, at dito pa talaga siya sa HPU mag-aaral! Obvious naman na dito kasi nandito siya mismo sa araw ng enrollment.

“Ano bro? Kinikilig ka na ano? Kanina kasi hindi ka pa naniniwala.” Sabi ni Ken.

“Kaya nga, nagbalik ang binibini!” Sabi ni Xian.

Agad ko silang binatukan, baka mamaya niyan marinig pa sila ni Bea. What if, nakilala na ako ni Bea kanina pa?

Hindi niya lang talaga ako pinansin o baka iniiwasan niya pa din ako, dalawang taon.. dalawang taon ko siyang hinintay na bumalik.

"Shocks! Iba talaga ang kagwapuhan ni Calvin, pati registrar natagalan sa interview!" Sabi ni Jayden.

"Nangangayayat na kami kakatayo, boss Calv!" Sabi ni Xian.

"It’s not my fault, don’t blame me dre," Sabi ni Calvin.

Pagkatapos kong ipasa ang mga requirements, agad ko nang tinapos ang pag fill-up ng enrollment form ko.

"Diretso ka na Mr. Valencia sa room 304 to claim your certificate of enrollment together with these boys." Sabi nung registrar.

Bago kami maglakad papunta sa room na sinabi ng registrar, tiningnan ko muna si Bea.

She's glows up too much, that’s why I didn’t recognize her a while ago when she approached me.

"Boss! Huwag mo nang pakatitigan, makikita mo pa naman siya mamaya!" Sabi ni Xian.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Boys, kanina.. nagkausap na kami." Biglang sabi ko.

Sa puntong ‘yon, napatingin ang apat saakin, hindi ko alam kung gulat sila sa sinabi ko o gustong mang-asar.

"We? Bakit gulat ka no'ng sinabi naming bumalik ang binibini? Nagkausap na pala kayo." Tanong ni Jayden.

"I d-didn't recognize her.. she approached me a while ago, she asked me kung saan nagpapa-enroll." Sabi ko.

"Sabagay, hindi naman agad namin siya nakilala.. malaki lang talaga ang nagbago sa physical figure niya." Sabi ni Ken.

Umuwi na ako kaagad pagkatapos ng enrollment, balak pa sanang uminom ng mga kumag pero tumanggi na ako dahil baka mapagalitan nanaman ni mommy, baka sila nalang ang uminom.

Tok, tok, tok!

"Tuloy!" Sigaw ko sa kumakatok.

Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa mata ko ang kambal kong si Mika.

"Problema?" Tanong ko.

"Ano 'yung sabi ni Jayden na nasa HPU daw si Bea? Is that true?" Tanong niya.

Taenang Jayden 'to! Daldal talaga, alam niya naman 'yung sitwasyon, sinabi niya pa talaga. Nag-aapoy nanaman ang mga mata ni Mika.

"E-ewan ko, 'di ko alam." Pagpapalusot ko.

The Chant of Love (SHS Series #2) | ONGOINGحيث تعيش القصص. اكتشف الآن