Messenger
--
Kumikinangina✨
• Active Now10:01PM
Cyndy:
What if ano
Kumikinangina✨:
Oo na kaagad sagot ket ano pa yang tanong mo
Cyndy:
Tanginamo talaga
Pero what if ano kasi
Kumikinangina✨:
Anu?
Cyndy:
Yung ano
Kumikinangina✨:
ANO NGA POTANGINA HININTO KO BEBETIME KO PARA SAYO CYNDY GHAILE UMAYOS KAAAA
Cyndy:
Bwiset ka edi don ka⁉️
Wala pang one year na nakilala mo yan mas inuuna mo pa yan kaysa sakin⁉️
Kumikinangina✨:
Ano mga kasi, cyndy ghaile😭
Bilisan mo, naiinip ako sa pa-ano ano mo eh😭
Cyndy:
Si flynn kasi
Gusto niya nga ako ligawan
Kumikinangina✨:
Matagal ko na yang alam. Sagutin mo na sis pls lng
Cyndy:
Gaga ka di pa nga nanliligaw eh
Pero ayon nga gusto niya ako ligawan
Hindi ko alam kung papayagan ko ba o hindi
I mean ano kasi
Kumikinangina✨:
Gusto mo ba o hindi?
Oo o hindi lang ang sagot cyndy ghaile
Cyndy:
ihh
Kumikinangina✨:
pABEBE NETO AMPOTA
pero di, ano nga? oo o hindi?
Cyndy:
Natatakot ako, ember
Natatakot ako sa magiging ending nito
Paano kung ano, masaktan ko lang siya? Hindi pa kasi talaga ako ready, pero gusto ko
Kumikinangina✨:
Cyndy ghaile, yang pagiging overthinker mo ang dahilan kaya ka single tapos puro ka naman sanaol
Char pero I understand you naman. Nakakatakot sumugal kung di ka sure sa magiging resulta.
Malas nga lang, una mong nakita ang bad side ng pag-take ng risk, kaya ngayon mas lumala na ang trust issues at pagiging takot mo sa commitment
Cyndy, kahit ano man ang sabihin ko sayo ngayon, hindi na importante kasi desisyon mo pa rin naman ang masusunod. Kung saan ka masaya at feel mo magiging panatag ka, doon ka
Kaya mo na yan magdesisyon mag-isa, malaki ka naman na
Cyndy:
ihh
Kumikinangina✨:
Naiinis ako cyndy ghaile tigilan mo kakaganiyan mo pls lng😭
May gusto ka ba kay flynn? yes or no?
Cyndy:
hehe👉👈
Kumikinangina✨:
Oi anteh wag mong subukang sumali sa red flag federation, sisipain kita sa pwet
Bye na nga, ang hirap mong kausap pag about na sa feelings mo bwiset ka😭
Basta i-asses mo nang tama ang nararamdaman mo bago ka magdesisyon ha
Basta I go for sagutin na si flynn agad-agad hehe 👉👈
--
cyndy ghaile @cyndyrella_
ok nakapag desisyon na ako, sure na ako, let's do this na nga
--
Messenger
Flynn Gilbert Poe
• Active 5hrs ago10:30PM
Cyndy:
hi, good evening :>
i hope hindi ako nakaistorbo sayo, pero gusto ko lang sabihin na may pag uusapan tayo bukas
meet mo ko after ng class nyo, sa lib tayo, wait kita don :>
✓ Delivered.
YOU ARE READING
Crush Me Not (WSS #2) | ✓
Teen FictionSTATUS: COMPLETE [Wrong Send Series #2] An Epistolary. "Ay sorry, napindot. I didn't mean to like you, hehe." Cyndy Ghaile Alfonte accidentally sent a drunken message to Flynn Gilbert Poe--the guy who has a crush on her--instead of her long-time cru...