Kabanata 18

4.3K 55 9
                                    

Takas

Habang nasa biyahe ay tahimik lang sina Sir Chris at Miss Eunice sa harapan. Sina Calvin naman ay may inaasikaso sa kaniyang iPad at mukhang ina-assist siya ni Miss Jennifer. Kami ni Wilon ay tahimik lang. Wala kaming imikan din maliban na lang kung bigla kaming magtitinginan.

His warm and sweet gaze sends so much to me. It presents so much comfort and is feasible to resist. It felt like a boundless course of sail. There's nothing to see but his solicitude in secrecy. Just like how the underside of the boat kisses the ocean.

Tahimik akong nakatingin sa labas. Malayo-layo na rin ang napupuntahan namin. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na kaming nasa daan. Abala lang din ako sa pagpupuri ng mga nakikita ko.

May mga nakikita akong matatayog na mga gusali. Kahit tinitingnan ko lang din ang labas, ramdam na ramdam ko rin ang init mula rito. Kung minsan ay may nadadaanan din kaming mga sariling-gawang mga bahay at kinakalawang na ang mga bubong nga mga 'yon.

Naging banyaga ang pakiramdam sa akin na tumulak sa kung saang lugar. Hindi ko na rin kasi maalala 'yung mga napuntahan ko noon. Kung mayroon man, ano kaya 'yon? Mayaman kaya ako at kung saan-saan ako nakakapunta? O siguro may kaya lang kami? Nakakalungkot naman kung mahirap kami.

As we go by, the skies got darker. Mukhang may nagbabadyang ulan. Kaya siguro maalinsangan kani-kanina pa. Hindi na rin nagtagal at bumuhos na ang ulan. Napuno ng busina ng mga sasakyan at mga taong nagmamadali sa paglalakad dahil sa takot na mabasa masyado ang paligid.

Hindi gano'n kalakas ang ulan kaya hindi rin naman naging abala sa naging biyahe namin. Huminto rin kami sa isang gas station para makapag-CR. Lahat naman kami ay bumaba ng kotse para hindi na rin maging problema sa magiging biyahe. Mukhang malayo pa ata 'yung La Grandeza.

Nakatayo ako sa tapat ng convenience store na katabi lang ng CR ng lalaki at babae. Kasama ko na ro'n sina Miss Eunice at Calvin. Nasa CR pa si Miss Jennifer at si Wilon. Habang si Sir Chris ay bumibili na naman ng kung anong makakain sa convenience store.

Napasinghap ako habang pinapanood ang pagbagsak ng ulan. It feels colder now. Ang gulo ng panahon. Kanina ay sobrang init, ngayon naman ay sobrang lamig.

As my eyes and the rain meet, this sudden feeling lingered familiarity. The most profound step that my heart could reach longs for this emotion. It touches and whispers into my soul. I am unaware, but the rain and I felt closer as time pull us together.

Nagising lang ang diwa ko nang naramdaman ko na ang presensya ni Wilon sa gilid ko. I looked up to him. Banayad ang kaniyang ekspresyon at namumungay pa rin ang mga mata. Kanina pa siya ganiyan tumitig sa akin.

"Hindi ba kayo bibili? Nakabili na ako ulit ng maiinom at makakain. Naubos ko na 'yung pagkain na binili ko kanina..." sabi ni Sir Chris pagkalabas niya sa store.

"Hindi na po, Sir Chris. Busog pa naman po kami," sagot ni Miss Eunice.

"Shall we have late lunch 'pagkadating natin sa La Grandeza. Mga around 1 p.m. ando'n na tayo," suhestiyon ni Calvin.

Tumango ako nang tingnan niya ako. Great idea. Baka sa oras na 'yon ay ginugutom na rin kami. Mukhang hindi pa rin naman ginugutom si Wilon dahil baka manghingi pa siya ng pagkain sa akin kung sakali.

Naging tahimik ulit ang biyahe. Maliban na lang nang umurong palapit sa akin si Wilon. Nagulat ako nang pinalawak niya ang hawak niyang hindi kalakihang kumot. Ikinumot niya rin 'yon sa akin kaya tiningnan ko siya.

He raised his brows—mukhang nagtatanong kung anong problema sa ginawa niya. He's so close. His hot breath touches my lips. Umiling ako bilang sagot at kinumot na lang din nang maayos ang binigay niya sabay iwas ng tingin.

Endless Vigor of Vices (The Del Monfrio's Series #1)Where stories live. Discover now