Chapter 1: Old Ways

0 0 0
                                    

Malamig ang hangin at madilim na umaga ang sumalubong sa akin ng iminulat ko ang aking mga mata. Kumakamot na naupo sa aking munting higaan at napagpasyahang pagmasdan muna ang tanawin sa labas habang nakapangko ang mga kamay sa malaking bintana na nasa gilid lamang ng aking kama.

Nasa ikalawang palapag ang aking silid kung kaya't nakikita ang malawak na bakuran ng bahay kung nasaan kahit tila uulan ay walang pagod sa pagkuha ng mga kakailanganin para sa pinag-aaralang bagong klase ng gamot ang taong bukod tanging tinanggap ako sa kabila ng sumpang dumadaloy sa dugo ko.

"Yllia Halika't tumulong.."

Hindi na ako nagulat pa sa bulong ng hangin sa aking dalawang tenga. Minsan pa ay natatakot ako sa abilidad na meron siya na gamit lamang ang elemento ng hangin ay nagagawa niya ang mga bagay na impossible sa mata ng ordinaryong taong walang kakayahan katulad ko.

Naabutan ko siya na naghahalo sa kanyang napakalaking kawali na may amoy na hindi maipaliwanag buti nga at nasasanay na ako sa ganitong klaseng amoy at maniwal man kayo sa hindi ay may mas ikalala pa riyan.

"Sino na naman kayang nilalang ang magiging biktima ng lason ginagawa mo tiya?" tanong ko habang nakasandal sa may pintuan ng tinatawag niyang Masters Room na kung saan laman ang mga naglalakihan at makakapal na mga librong nasa ibat-ibang lenguwahe na ang iba ay nagkalat sa apat na sulok ng silid na nababalot na ng mga alikabok. At minsan ngang sinubukan kung linisin at ayusin ay sermon ang inabot ko at naparusahan pa hindi dahil sa pagiging isang mabait na bata kundi dahil sa hindi niya mahanap hanap ang kakailanganin niyang libro simula noon ay hindi na ako umuulit. Napapatanong nalang sa tuwing nagagawi ako sa silid niya sa kung ano meron sa kalat-kalat na mga libro ay nahahanap at nahahanap niya mga eto baka nga dahil sa elemento ng mahika taglay niya iyan lang nakikita kong dahilan.

Sandaling nilingon niya lang ako tila pagod na pagod na magsalita pa bago nagpatuloy sa ginagawa.

Natawa nalang sa naging reaksyon niya at inulit ang sinabi ko.

"Aking pinakamamaahal na tiyahin, para kanino ang niluluto mo na naman na lason?"

"aking mahal na prinsesa ikaw ba'y tapos na sa iyong mga gawain at nandito ka't sa pinagbabawal kung silid" walang lingon niya turan nagbabasa sa maalikabok at makapal na spell book na hanggang ngayon ay iilan laman ang kaya kong basahin sa lenguwaheng siyang gamit pa ng unang babaeng Priestess ng aming pamilya.

Sumimangot ako sa sinabi niya at hindi mapigilan umangal at magreklamo "Hindi naman kasi madaling hanapin ang mga dahon na pinapakuha mo"

"Kung ang isang masipah na tao ang maghanap at natuon ang atensiyon imbis na magliwaliw kasama ang mabahong aso ay baka nga kompleto na"

"Subalit hindi naman yata tumutubo sa ganitong panahon ang mga iyon" nakangusong usal ko

Hindi niya na ako sinagot pa at patuloy sa pagbabasa na maya't-maya pa ay naghahalo sa umuusok na palayok sa harapan.

"Hindi kaya sa darating na taglamig pa ang mga iyon? o di kaya pumipili rin ang mga iyon kong sino ang makakahanp sa kanila kagaya ng mahiwagang kweba" nagningning ang mga mata ko na muntikan pang lumampas sa linya ng silid.

Bahagya akong umatras ng nilingon niya ulit ako nakapameywang at pinanliit ang mga mata "O' baka gusto mu ulit na bigyan kita ng dagdag na libro, sinabing tigilan na ang usapan tungkol sa kweba"

Nakasimangot ko siyang tinignan "kahit isang beses lang naman"

"aba't.." hindi pa tapos ang kanyang sasabihin ay dali-daling akong umalis sa may pintuan ng silid ng makitang itinass niya ang kanyang kamay

"saan ka pupunta?" rinig kong sigaw niya hanggang sa kusina

"Yllia" mabilis pa sa segundo akong lumabas ng bahay. Ayokong makatikim ulit ng magdamagang pagsusulit at sermon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dance of the Cursed Blood (Book 1 of Crown Series)Where stories live. Discover now