It wasn't physical hurt but it caused so much pain in me emotionally. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Sana lang ay hindi ako tuluyang lamunin ng kasamaan.

Ilang sandali pa'y dumating ang ibang police at si officer Himeniz kasama ang media.

Cameras flashed, and microphones were thrust in our faces, all demanding answers about the Governor's involvement and his plans for the missing students.

"Totoo po bang kasabwat ang chief niyo sa naturang kidnapping incident?"

"Matagal niyo po bang alam na kasabwat pala ang chief niyo sa kidnapping?"

"Nasaan po ba ang chief niyo?"

"AI generated lang po ba ang video na kumakalat tungkol kay Governor Damzelle?"

Sunod sunod ang tanong ng mga reporter at nagulat sila nang makita kami sa loob.

The next thing I knew I was facing the media. Nasa loob kami ng isang silid rito sa station at nakaupo ako sa gitna, kaharapan ang media.

Melize and Ivan are standing at my back kasama ang kanilang mga magulang at si Mr. Thornfield.

We will grab the opportunity to expose the Governor and his sinisters activity.

Panahon na upang mamulat ang samabayanan sa kademonyohang ginagawa ni Gov. Damzelle.

"Ako po si Red Deniel Everhart, a student of East Arcanian Nexus High," panimula ko.

Nakatutok sa akin ang mga camera at microphone at alam kong live ito kaya hindi puwedeng harangin ni Governor.

Baka mamaya may magtanong nanaman kung AI generated ang video, baka hindi ako makapagpigil at masungalngal ko ang bibig.

Kidding.

"Kami po ng aking mga kaibigan ang nakadiskubre sa kakaibang nangyayari sa aming paaralan. Inembestigahan namin ang mga nangyayari at nalaman na si kuya Vin, ang janitor ay isa sa mga kidnappers," dagdag ko.

Hindi ko alam bakit nagawa pa nilang magulat sa sinabi ko eh hindi ito ang unang beses na lumabas ang ganitong balita.

"Totoo po ang nasa CCTV footage na nakita niyo. Si kuya Vin po ang sumukay sa sasakyan ng mga kidnappers. Nakita iyon ng dalawang mata ko at hindi po ako nagsisinungaling. Nalaman din po naming magkakaibigan na hindi lang ito ang lugar kung saan nangyari ang kidnapping, last year po ay naganap din ang naturang insidente sa San Valencio kung saan maraming kabataan ang nawala at hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik," I confessed.

Kung kailangang detalyado lahat ng sasabhin ko ay gagawin ko para sa kaalaman ng ibang tao. Para aware sila gaano kasama ang pinili nilang pinuno ng aming bayan.

"Bukod sa mga nabanggit mo, ano pang bagay ang magpapatunay na si Vin at si Governor Damzelle ay magkasabwat sa pagkawala ng kabataan?" Tanong no'ng isang reporter.

Tumingin ako sa kanya.

"Base sa nakalap naming impormasyon, may palatandaan na rosas ang mga kidnappers sa kamay at sa likod malapit sa balikat nila. Nakita ko rin po na si kuya Vin ay may tattoong rosas sa kamay," sagot ko.

Sinalaysay ko rin sa harap ng camera ang anonymous video posted on social media. I told them that I was the person behind the anonymous post. Hindi sila makapaniwala nang sabihin ko sa kanila na nahuli ko si Governor Damzelle na umaamin sa anak niyang si Celina.

Pati sina Melize ay nagulat no'ng sabihin kong kasabwat din ang papa ni Kate at tinulungan ako nina Oliver. Nilubos ko na ang pag amin alang alang sa kaligtasan ng iba at sa pangalan kong dinungisan nila.

The Sinister's WebWhere stories live. Discover now