05

12 2 0
                                    

Ilang araw ang lumipas, nagsimula na ako sa coffeeshop na papasukan ko. The manager told me that he wanted me to familiarize first on how to do the work. Bukas pa ang first official day ko.

I was outside our house, waiting for Alea and Reese to come with me. Sabay-sabay kaming aalis dahil magkakalapit lang naman ang workplace namin. Alea became a temporary cashier in a convenience store. Reese was a fast food crew.

Habang naghihintay, sinisipa ko ang bato sa labas ng bahay namin. Ako kasi ang pinakamalapit doon kaya napag-usapan naming dito na lang ang meet up place. Napaangat ako ng tingin nang makarinig ng kalabog sa aming gate. That was probably them.

I peeked at the wall that blocked my view. Napakunot ang noo ko. Those were not Reese and Alea. Napatayo ako. Is that Waylen?

"Anong ginagawa mo rito?" I asked.

He laughed. "Magta-trabaho rin ako."

"What?" Naguguluhan kong tanong. "How? I thought you're good with assisting Tito Wilbert?"

Sumandal siya sa gate namin. He fixed the strand of his hair. Nanatili ang mata ko sa kaniya, hinihintay ang sagot na kailangan ko. He heaved a sigh.

"Si Papa kasi pinilit ako," paliwanag niya. "Hindi ko naman alam na parehas tayo nang pinasukan."

Bumagsak ang balikat ko. I thought I could finally avoid him for a while. Kaya nga natuwa rin akong hindi siya sumama sa amin noon eh. Gusto kong tampalin ang noo ko. Ang mas malala pa, makakasama ko siya sa trabaho?

"Huh? Eh, paano mo nalaman?"

"Siyempre sa gc, pinag-uusapan niyo, 'di ba?" ngumiti siya nang malapad. "Nag-chat ako sa gc, ah? Hindi mo ba nakita?"

Agad akong napatango. Binuksan ko ang phone ko at pumunta sa group chat namin. Mariin akong napapikit.

What the hell, Alea and Reese?

alien:
hey wer r u, @cheese

otw na me

cheese:
replied to @alien
coming dinn

sa bahay nila lucy

diba

balyena:
huh

ah tuloy pa rin kayo?

alien:
replied to @balyena
omsim

cheese:
replied to @balyena
yeah

balyena:
guys alam nyo ba kung san yung quecafe?

cheese:
OMG BEH

NAG-APPLY KA BA?

balyena:
Oo bakit

alien:
TEH DIYAN DIN SI LUCY

balyena:
WEH GAGI

eh, kayo rin ba?

cheese:
Hindi

alien:
Nope

whale:
Hala sayang

PERO GAGI BUTI NAMAN MAY KASAMA AKO

cheese:
tanginanioediswertemo

balyena:
HAHAHAHAH kawawa

@tae

@tae punta rin ako sa inyo

cheese:
ikaw na sumama kay lucy

alien:
uy andito na pala si reese

samahan mo na lang si @tae

balyena:
oke

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Choose You, Lose You (Tangi #0.5)Where stories live. Discover now