03

17 3 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Hinahatak pa ako ng kama pero higit walong oras na ang tulog ko kaya hindi ako nagpatukso. Gusto ko i-restart ang sarili ko sa mga ginawa ko kahapon. Para akong naubusan ng tubig sa katawan sa ilog na iniluha ko.

Alas-singko pa lang ng umaga. They were still sleeping. Si Mama ay isang factory worker sa pagawaan ng mga tinapay, alas-nueve pa ang pasok nito. Alas-onse naman ang pasok ni papa, wala siya rito araw-araw dahil sa iba't ibang lugar ang destino ng trabaho niya bilang isang karpintero.

Lima kami sa bahay. Madalas naiiwan lang kaming magkapatid kasama si Kuya Lucian at iba pa naming pinsan kung sakaling dumadalaw sila rito. Tuwing pasukan, iniiwan ko si Lawrence kina Tiya Maisie para may magbabantay sa kaniya.

Naghanda ako ng almusal para sa kanila. Naglaga ako ng itlog, nag prito ng hotdog at tuyo. Hindi rin muna ako kumain dahil balak ko munang mag jogging para naman hindi ako trangkasuhin sa napaka-unhealthy kong buhay. Nagsuot lang ako ng isang V-neck white fitted shirt at black long leggings.

Paglabas ko ng bahay, hindi pa gaanong kasinag ang araw. Hindi nakakasilaw at hindi mahapdi sa mata. According to studies, morning sunrays are nutritious. It provides vitamin D which strengthens our bones and muscles and regulates blood pressure. Nakakatulong din ito para makabawas ng anxiety and stress.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Wala sa subdivision o anumang nababasa ko sa libro ang tahanan namin. Nangangarap na lang ako minsan na balang araw, makamit ko yung mga pangarap ko para sa sarili at pamilya ko. Napabuntong hininga ako at umiling.

Hindi ko pa kayang harapin sa ngayon ang mga bagay na yan. Gusto ko munang i-relax at bigyan ng espasyo ang sarili ko kahit sa panahong ito lang. Kailangan ko ng break.

Nagsuot ako ng air pods sa kaliwang tenga at nag-play ng music. Nagsimula akong mag jog hanggang sa makarating ako sa katamtamang wide space sa lugar namin.

Kakaunti pa lang ang mga stalls na bukas dahil maaga pa lang. May mga bata ng naglalato-lato at nakakairita siya sa tenga sa totoo lang. Kaso naa-amaze na lang din ako pag nakakarinig na parang armalite na tunog mula rito. Hindi ko kasi kaya 'yun, ilang beses ko nang sinubukan. Sinukuan ko na lang.

Nakarating ako hanggang sa labas ng school namin. Walking distance lang din kasi talaga 'yun kung sa shortcut dadaan. Maganda ang labas dito dahil hindi gaanong nadadaanan ng sasakyan ang one way direction. Marami ring mga taong nag-eehersisyo sa ganitong oras. May mga nagba-bike rin.

Napatigil ako sa pagja-jog para dumaan sa malapit na convenience store. May malapit na subdivision sa amin kung saan nandoon lahat ng paborito kong puntahan. Isa na roon ang 6 o'clock store.

I always buy Blue, my favorite water drink with a bit taste of calamansi. Kuya Lucian were usually weirded out whenever he sees me purchasing this product. It has no taste, he said. Buti na lang wala siya dahil masiyado siyang maraming sinasabi.

Lumabas ako ng store at napatigil nang makakita ng isang kuwintas. Nahulog ata ito ng nagmamay-ari. May isang lalaki akong nakitang pasakay pa lang ng kaniyang bike na nakaparke sa harapan ng store. Malapit lang din siya kung saan nahulog ang kuwintas. Ibon ang pigura nito. Baka sa kaniya 'to?

"Kuya, sandali!" sumigaw ako.

Bahagya akong nakaramdam ng hiya nang matauhan ako sa aking ginawa. There were glances of people who passed by. Napaiwas na lang ako ng tingin.

Napatigil ang lalaki na para bang nagdadalawang isip kung siya yung tinawag ko. Lumingon siya at nanliit ang mata. Tinuro niya ang sarili kaya tinanguan ko siya kahit hindi ako sigurado kung nakita niya ako.

Bago pa ito magpedal patungo sa akin ay mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya. Napakunot ang noo ko. Bahagyang napaawang ang labi ko. Lumilinaw talaga mata ko sa mga magagandang nilalang sa mundo.

Choose You, Lose You (Tangi #0.5)Where stories live. Discover now