01

23 3 0
                                    

Alea, Reese, Waylen, and I were waiting for a jeepney to ride. Pupunta kami sa Malabon para mag foodtrip. Trip nila eh, masarap din kasi ang mga bilihin doon at marami ring pagpipilian.

Hindi ko nga sigurado kung pinayagan ako pero nagpaalam naman ako sa mama ko. I got silent treatment. Silence means yes so I grabbed the opportunity.

Malaki ang ngiti ko nang sumakay kami sa jeep. Pangatlo akong pumasok at tumabi kay Alea dahil may espasyo pa na malapit sa babaan ng sasakyan. Huli naman si Waylen na katabi ni Reese. Magkakaharap kami.

Para akong nakakamit ng kalayaan nang unang beses akong makasama sa kanila ngayon nang walang kasama o hatid at sundo. Pahirapan pala talaga ang pagco-commute dahil hassle sa paghahanap ng jeep lalo na kung maraming tao. Saktong bakasyon na ngayon kaya mas mahirap dahil ang mga estudyanteng puro aral ang ginagawa, magliliwaliw na rin. Like me. Idagdag mo pa na sobrang init sa Pinas na para kaming tinutusta.

Nagbayad kami ng pamasahe. Dose para sa kada tao. Nakakalula na rin ang presyo ng pamasahe ngayon. Mas okay na rin dito sa jeep dahil medyo kaya pa ng budget kesa sa private cars. Can't afford, sorry. Si Reese na lang muna ang nagbayad para siya na lang ang babayaran namin mamaya.

"Grabe, excited na akong kumain ng mga street foods!" Alea exclaimed.

Everyone got cheerful. Si Reese naman ay hindi mapigilang magkuwento tungkol sa one time experience niya roon. "True, girl. Sobrang sarap ng foods nila roon. Seryoso! Pinakabet ko talaga roon yung ano nila... Yung wings! Spicy cheesy barbeque wings! Kaya excited na akong bumalik!"

"Huy same!" Sagot ko. "Kahit hindi pa ako nakakapunta."

There was a time, my cousin brought a spicy cheesy barbeque chicken wings at home. Man, sobrang sarap! Hinding hindi ko makakalimutan ang first time na kain ko non. Hindi ko lang sure kung saan nya kasi nabili.

"Sana all bumabalik," hugot ni Alea.

Napabuntong hininga naman ako. Hanggang kailan kaya siya magiging hopeless romantic?

Coming from you, Lucy?

Nanatili lang na tahimik si Waylen kaya nagsalita ako. "Nahiya naman ako sa sobrang dami ng experiences ni Waylen diyan sa street food place na yan."

"Sobra," sabi nito, parang may nag-flashback sa kaniya.

Inirapan siya ng dalawa habang bumelat ito sa amin. Inismiran ko siya. Madalas kasi siyang nandoon a few months ago. May girlfriend e. Palagi silang gumagala ng bebeloves niya.

"Paano ba naman kasi," si Reese ngumisi. "Palaging nakikipag-date kay Kaila roon."

"Wala ka nang dadalhin ulit doon," pang-aasar ni Alea.

"Miss mo na ba?" dagdag ko pa.

Ngumiti lang siya sa amin na para bang hindi masakit ang nangyari na sa isang iglap nawala ang pinagsamahan nila nang isang taon. His sorrowful eyes told me the otherwise. Doon ako napatigil. Nawala ang ngiti sa labi ko. Napanguso ang dalawa nang mapansing hindi siya ganoon kasigla.

"Okay na ako, guys," he tried to be cheerful. "Nandiyan naman kayo, edi kayo na lang dadalhin ko, 'di ba?"

"Oo na lang," ani ko at ngumiwi. Iba pa rin naman yung kami ang kasama niya kapag siya na ang kasama.

"Matutunaw na ba ako niyan?" Alea joked.

"Tangina, Waylen! Ayan ba ang nagagawa ng pagmamahal sa'yo?"

Wala naman siyang sinabi sa amin nang detalyado kung bakit sila nagbreak. Basta't ang sabi niya lang, hindi na raw siya mahal... na may iba na yung babae at nakipagbreak ito sa kaniya. Niloko siya. He was smiling but I know he's still in pain. Mahal niya yun eh, sobra.

Choose You, Lose You (Tangi #0.5)Место, где живут истории. Откройте их для себя