Aroma is one of the top perfume brands in the country. High quality product and long lasting scent especially the ones for men. Kaya maraming kalalakihan ang gumagamit ng perfume nila dahil dagdag pogi points iyon. I mean, who doesn't like a man who smells like fresh pine or musk. It brings out the strong, masculine and attractive side of a guy. If I'm not mistaken, Aroma rin ang brand ng perfume ni Ale-

Erase. Erase. Wala akong sinabi. Wala akong iniisip.

"Anyway, Angel may kape ka bang dala? Walang kape sa cafeteria. Wala nang budget ang kumpanya," pag-iiba ko.

"Grabe naman, pero sorry BrieBrie. Wala eh."

"Ano ba 'yan. Mag-petition nga tayo for more coffee during rainy days."

"Girl, coffee talaga? Pahiram nga pala ko ng sandals mo d'yan tutal magkasize naman tayo ng paa."

"Excuse me. Hindi malapad ang paa ko at magkaiba naman ang men and women sizes."

"Speaking of which. Hindi ka yata naka-heels ngayon," Cana said looking at my feet.

"Oo nga. Akala ko ba, heels is your source of confidence dito sa office?" puna ni Angel na ngayo'y hinahalukat na ang shoe rack ko.

"Bad mood ako ngayon kaya wala akong confidence," I answered which only earned laughter from Max.

''Nababaliw ka ba Max? Wag naman sana, sayang kagwapuhan mo."

"Nah, I just remembered the reason why you wear those high end heels."

"Pinagsasabi mo?"

A mischievous grin played on this handsome man's face, which made me a bit nervous. "He bought it for you. Same goes with the flats that you're wearing now, right?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Sinasabi ko na nga ba, nasisiraan na itong si Max. Walang kinalaman ang pagsusuot ng high end shoes sa kung sinuman. Teka sino nga bang tinutukoy n'ya?

In my defence, nagkataon lang na may nagbigay sakin ng heels for a party before dahil ang dating gamit ko ay nasira ang strap bago pa ako makarating sa venue, and as for the flats bigay lang din ito not too long ago dahil masakit na ang mga paa ko. Walang malalim na dahilan dito, sadyang pihikan lang ang aking paa.

"Ay taray. Sinong 'he'?" Hindi nakaligtas ang sinambit ni Max kay Angel na ngayo'y nakuha na ang interest.

"Wala!" Agad kong tangi bago binalingan ang gwapo kong boss. "Max bumalik ka na nga sa opisina mo baka 'di ko mapigilan sarili ko, magalusan ko 'yang gwapo mong mukha."

Nagkibit- balikat lang ito bago umalis habang may nakakalokong ngiti sa mukha. I swear. Sumabay na rin si Cana at 'di nagtagal ay bumalik na sila sa trabaho.

I sighed again. I still need coffee. You know what, since Max brought up his name...or not?

Doesn't matter.

I dialed his number - Calling Lion King.

"What do you want?"

"Hello to you too, Sir."

"Brielle, it's 0900 in the morning. I'm at work doing what I'm supposed to do so if you don't have anything important to say, I'm hanging up."

"Oh wait lang. Ito naman, ang init ng ulo ang aga-aga. So....How are you?"

"Good day Brielle."

"Teka la- "

Ay nawala?

Siraulo iyon ah. Binabaan talaga ako ng telepono. Ay hindi pwede 'yan.

Sunburst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon