Chapter 52: Threatened

44 0 0
                                    

DUMAAN muna kami saglit sa bahay para kumain, pagkatapos ay naririto muli kami sa kalesa patungong Aethelmagia. Alas dyis pa ng umaga ang pasok namin kaya may dalawang oras pa akong matulog pagdating ko roon.

"I-explain mo nga sa akin ng mabuti kung paano mo nakausap sina Arabella at ang kanyang tatay sa pagliban mo sa kasunduang kasal? Just making sure!"

Napaisip naman siya.

"Dumiretso muna ako sa kanyang ama at nag-usap ng masinsinan. Si Sir Aliergo ay ang tumayong ama nang mag-isa akong namuhay rito sa Salamanca kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dumaan ang taon, nakikita niyang ako raw ang papalit sa kanya bilang Punong Konseho balang araw kaya't napagdesisyonan niyang maging anak ako sa papel bilang maging asawa ng kanyang anak na si Arabella na siya ring matalik kong kaibigan. Dati, pumayag ako sa kasunduang kasal dahil bukod sa personal na hiling ito ni Sir Aliergo, prayoridad ko rin na makakuha ng mataas na posisyon sa Konseho para makuha ang hustisya kay Lolo Ompong. Ngunit, simula no'ng dumating ka sa Salamanca, nabura ang ambisyong iyon. Nagkaroon ako ng panibagong ambisyon sa buhay, ang makasama ang mahal kong Binibini habang ako'y nabubuhay."

Napahawak naman ako sa aking dibdib nang naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Wait. Paano kay Arabella??"

Umiling-iling naman siya. "Wala. Tanging kaibigan lang ang turing ko sa kanya, ganoon din sa akin si Arabella. Kaya nang siya naman ang kinausap ko ay pumayag din siya na hindi ituloy ang aming kasal."

I smiled. "Ang problema na lang natin ay ang rason kung bakit ako naririto," tugon ko upang maningkit ang kanyang mata.

"Ano naman iyon?"

Napairap naman ako. "Ang pagbigay ng hustisya sa ating pamilya. Kay Lolo Adolfo, Lola Athena saka Ate Maria at sa aking mga magulang. Sandali—pati na rin sina Tito Apollo at Helena! Wala na ba talagang balita sa kanila?"

Huminga siya ng malalim. "Simula noon ay wala pa rin akong balita. Tanging ang Kaharian na lamang ang hindi ko nasusuri ng maayos. Ngunit malinaw na wala raw roon sina Papa Pollo at Mama Helena sa rehas ng Kaharian ayon kay Sir Aliergo."

"Rehas ng Kaharian?"

"Ang rehas ng Kaharian ay ang kulungan na matatagpuan sa Kaharian ng Salamanca. Naririto nakakulong ang mga makakapangyarihan at masasamang kriminal sa Salamanca, pati na rin sa Valhalla. Maituturing na mas matindi ang pagbabantay roon kaysa sa mga ordinaryong kulungan ng Konseho. Maihahalintulad ang lugar na iyon sa iyong natural na mahika, Artemis."

"P-Paano?"

"Ang mga nakakulong doon ay inaalisan ng kahit anong mahika kaya wala silang laban sa mga tagabantay roon. Ngunit kapag nagkaroon sila ng pagkakataon na makalabas, awtomatikong babalik ang tinataglay nilang lakas."

Napatango-tango naman ako bilang pagsang-ayon. May ganoon palang lugar rito sa Salamanca. Parang kulungan ng mga high profile criminals.

"Sa katunayan, nalulungkot ako tuwing naiisip sila. Lagpas ng isang dekada na silang nawawala at dalawa lang ang posibleng nangyari sa kanila. Nasa kapahamakan sila o 'di kaya... mahigit isang dekada na rin silang patay," malungkot na dagdag ni Stalwart. Nakaramdam naman ako ng biglaang kirot dahil doon.

Nang nakarating na ang aming kalesa sa Aethelmagia, napasimangot naman akong humarap sa kanya.

"Bakit ganyan ang mukha ng pinakamagandang Primer ng Aethelmagia?"

Awtomatikong napanguso ako. "Hindi ko alam pero ayaw kong mawalay sa iyong tabi ngayong araw. Day-sarry natin ngayon e."

"Day-sarry?"

Into the Wishing WellWhere stories live. Discover now