Nakakawala ng gana mabuhay kapag puro gano'n 'yung pumapasok sa isip ko sa loob ng limang taon kong pananatili sa hospital na 'yon. Minsan bago ako matulog, wini-wish ko na last night ko na 'yon para hindi na ako magising bukas. Gano'n kabigat. Gano'n kasakit.

'Yung kahit imagine-nin kong maganda 'yung buhay or may pamilya akong kasama sa room ko pagkagising ko... hindi ko magawa, e. Dahil hindi ko alam kung anong pakiramdam no'n. Ni hindi ko sila kilala no'ng mga panahong 'yon.

Ang naiiwan lang sa aking pag-asa... ay sa tuwing nakikita kong may mga gumagaling na pasyente o hindi kaya ay may kadi-discharge lang. O hindi kaya 'yung mga katatapos lang manganak.

Naiisip kong... baka isang araw... magbago na rin 'yung ihip ng hangin at baka naman magkaroon din ako ng para sa akin. Kasi kahit isa, walang-wala ako. Wala akong kaibigan na makakausap, wala akong pamilya na masasandalan, wala akong alam na hobby ko o kahit mga paborito ko. Wala akong alam kung ano kayang itsura ng kwarto ko noon. Kung ano kaya 'yung mga designs na mga hilig ko. O hindi kaya ay kulay...

Mahilig kaya ako sa teddy bear? Masipag kaya ako mag-aral noon? Ilan na kaya naging boyfriend ko? Ano kayang pakiramdam no'ng nagkaroon na ako ng first kiss? O tumakas na kaya para gumawa ng kalokohan?

Wala akong magawa kundi paulit-ulit tanungin 'yung sarili ko sa mga bagay na sana nasasagot ko... na sana nasasagot ng pamilya ko o kahit ng mga kaibigan ko.

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa pala bumubuhos. Hindi ko na naman napigilan na malungkot para sa sarili ko. At kung gaano ako natutuwa sa maliit kong progress.

Na finally, I've found something to live for. Hindi man malinaw lahat sa akin kung ano ba talagang mangyayari o kung may malalaman pa kaya ako tungkol sa buhay ko noon. Ang mahalaga, I'm making progress kahit maliit lang.

May nagsabi kasi sa akin na hindi ko naman kailangan kontrolin lahat ng bagay sa paligid ko para lang masabi kong tama 'yung ginagawa ko. May mga bagay nga pala talagang dapat hinahayaan lang tumakbo nang natural.

Sabagay... ano nga ba ang buhay kung alam na natin lahat ng mangyayari? May matututunan pa kaya tayo kung alam na natin mangyayari bukas?

Hindi ko rin inaasahan na mararamdaman ko 'tong hindi ko maipaliwanag na emosyon towards kay Wilon. Hindi ko alam kung saan 'to nanggagaling lahat. It's just... he makes me feel safe.

Sa paraang hindi ko rin alam, basta sa tuwing naririnig ko 'yung boses niya o hindi kaya ay tumititig ako sa kaniya—parang nagiging kalmado na lahat sa akin. It just happens... I really don't know why. Basta... 'yon ang nangyayari.

Naisip ko tuloy, kapag ba mas tumagal pa 'yung ganito... mas lalalim pa kaya 'yung nararamdaman ko? O hindi na?

Hindi ko rin alam.

Napasinghap ako at napangiti na lang. Sumimsim na lang ako sa iniinom ko at saka nilantakan ang cake na inorder ko rin. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang huli kong naisip. Mas mabuting hindi ko na i-overthink.

Whatever happens, happens. May mga bagay naman na kaya kong kontrolin, at 'yon ang gagawin ko. Kapag hindi ko kaya kontrolin, bahala na 'yon tumakbo sa sarili niya. 'Yon na lang ang gagawin ko.

"Caly?"

Napatingin ako sa biglang lumapit sa akin at nakangiti. It was Nico.

"Why're sitting alone?" aniya habang nakakunot ang noo pero nanatili ang kaniyang gwapong ngiti.

I smiled back. "Wala naman. Gusto ko lang maging mag-isa. At saka busy rin naman 'yung friend ko. Nagwo-work kasi sa hospital. Busy rin naman 'yung mga ka-work ko. Hindi ko rin sila gaano ka-close."

Endless Vigor of Vices (The Del Monfrio's Series #1)Where stories live. Discover now