Chapter 3

35 1 0
                                    

Hello! Please listen to 'Nakauwi Na' by Ang Bandang Shirley for better reading experience hehe. (I don't even know why I had to put this note knowing that no one will read this story HAHAHAHA) :)

#LSC3 

Chapter 3: Ten Questions

"Jowa mo ba yung kasama mo kanina? Si Rain?" Hindi ko namalayang tumabi pala siya sa akin.

Nasa Chemistry Laboratory kami ngayon. Purong puti ang pintura. May malaking lababo sa likod at mayroong mga cabinets na nags-store ng mga materyales na pwedeng gamitin sa pag-conduct ng mga research and experiments.

Mayroon ding white board sa harapan namin. Hindi tulad sa ibang mga rooms, ang inuupuan namin ngayon ay walang back rest. Masakit sa likod lalo pa't tatlong oras ang klase namin sa subject na 'to.

Hinarap ko si Trina at saka siya sinagot, "Hindi. New friend ko lang."

"Hay salamat! Akala ko boyfriend mo, eh. Kung 'di mo naman pala jowa, reto mo naman sa akin!" Baka nga nagustuhan niya rin talaga si Nathan.

Hindi pa kami gaanong close no'n. Mag-iisang buwan pa lamang ata simula noong naging magkakilala kami. Nakakahiya naman kung may irereto ako sa kaniya pero siguro, pwede ko naman subukan.

Tumango ako kay Trina. "Pwede naman. Try kong sabihin sa kaniya na interested ka."

"Yay! Thank you!" Magiliw niyang sambit sa akin.

Ang inaakala ko ay simpleng introduction lang ang gagawin ng prof namin. Akala ko ay tulad sa ginawa ng ibang profs pero nagkakamali ako.

Nagpa-quiz agad si Ma'am ng fill in the blanks sa Periodic Table of Elements. Hanggang 20 lang naman ang pinahulaan at may dalawa akong mali.

Masaya ako sa score ko. Mas okay na ang 18/20 kaysa 19/20. Kapag siguro iisa lang ang mali ko, maiinis ako sa sarili ko nang todo. Kahit na surprise ang quiz namin ngayon, mataas ang nakuha kong score dahil na rin kailangan namin i-memorize ang Periodic Table noong Grade 9.

Hindi na kami nagpakilala pero in-arrange muna ng professor namin ang seating arrangement by alphabetical order ng last name. Pero siyempre, ang mga malalabo ang mata ay sa harap kaya nasa harap ang pwesto ko ngayon. Katabi nitong poging lalaki na nakasalamin din.

Pogi siya pero may kilala akong mas pogi sa kaniya.

Medyo bata pa ang professor namin sa major subject. Mukha silang masungit pero halata rin na magaling magturo.

Isang oras lang ang nagamit sa klase namin ngayong hapon kaya may bakante kaming dalawang oras at pwede na umuwi.

Dumiretso ako CASL building na nasa harapang bahagi rin ng school. Sa gilid lang kasi 'yon halos ng front gate at tabi ng Admin building.

Mag-isa akong naglalakad dahil hindi na sumama si Trina. May mga bago na siyang friends na nakatabi niya noong nasa Chem Lab kami. Well, mukhang friendly naman kasi talaga siya kaya alam kong maraming tao ang makakasundo niya.

Nakita ko si Miah na naghihintay rin ata kay Verity.

"Hello Miah," tumabi ako sa mahabang upuan kung saan siya naka-pwesto. "Hinihintay mo rin si Verity?"

"Uy! Hello, Yve! Oo, eh. Sabay-sabay na tayong tatlo papuntang terminal. Okay lang ba sa iyo kung makikisabay ako?"

"Sus, walang problema! Tagal-tagal niyo nang friends ni Verity, ano? Kaya kilala na rin kita."

"Salamat," tumawa siya at nakita ang dimples niya sa gilid ng kaniyang mukha. "Ano pala course mo, Yve?"

"BSE Science. Ikaw ba?"

Like Saturated Clouds (Arbitrary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon