Chapter 1

25 1 0
                                    

#LSC1

Chapter 1: Thank You

Kanina pa ako naghihintay ng update sa Facebook page ng Municipality namin. Nag-apply kasi ako ng scholarship. Mabuti lang din ang walong libo tuwing semester. Kapag ganoon ang mangyayari, solve na ang araw-araw kong pamasahe papunta sa school.

Ang mahal na kasi ng pamasahe ngayon. Ang dating sampung piso na pamasahe papuntang Lingayen ay nadoble. Kailangan din mag-tricycle mula bayan hanggang school kaya panibagong bente pesos na bayarin 'yon. Otsenta ang papunta at pabalik na magagastos ko.

Ang hirap kasi sa panahon ngayon, pataas nang pataas ang presyo ng bilihin ngunit mababa naman ang sahod. Kaya lalong humihirap ang mga nasa laylayan. Sana bigyang aksyon ito ng gobyerno.

Habang nagsi-scroll ako sa Facebook page, nakita ko ang bagong direct message sa akin ni Verity.

Verity: nakita mo na ba yung post ni mayor? magka-room tayo at next week na agad ang exam. hindi pa ako nagre-review huhu

Hindi na muna ako nag-reply at agad kong tinignan ang new post sa page ng munisipyo namin. Hinanap ko ang pangalan ko at totoo nga, magka-room kami ni Verity at sa susunod na linggo na ang exam.

Nakita ko rin ang ibang mga pangalan ng dati kong classmates noong elementary na hindi ko na ka-close ngayon. Actually, never ko naman talaga silang naging close. Huminga ako nang malalim at nagpasalamat sa Diyos dahil nakapasa ako sa initial interview. Exam na lang ang kailangan kong ipasa.

Yvonne: Ang dami masyadong nag-apply. Four hundred daw.

Verity: kayanga eh tapos 50 lang kukunin huhu sana makapasa tayo

Yvonne: Oo 'yan. Makakapasa tayo, tiwala lang.

Sinagot ko siya nang ganoon kahit na kabado rin ako. Hindi naman kasi ako sobrang talino tulad ni Ven. Bumuntong hininga ako at nagsimula na lang mag-review ng mga past topics namin noong senior high school, baka raw kasi ayon ang coverage ng exam.

Isang linggo ang nakalipas, examinations na for Municipal scholarship. 

Nang makababa ako sa tricycle namin ni Papa, agad kong narinig ang boses ni Verity, "Yveeee!"

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Lumapit siya sa amin para magmano kay Papa at batiin ito, "Hello po, Tito. Good morning po!" masiglang bati niya kaya naman ngumiti nang malawak si Papa. Alam kong natutuwa siya sa mga kaibigan ko dahil lahat sila ay magalang at mayroong pangarap sa buhay.

Yumakap sa akin si Verity kaya naman natawa ako. Nagpaalam na rin ako kay Papa dahil hahanapin pa namin ni Verity ang assigned room sa amin, "Pa, una na po kami. Chat ko po kayo kapag tapos na exams."

"Okay, nak. Verity, sakay ka na rin kapag susunduin ko mamaya si Yve. Ihatid ka na namin sa inyo," sabi ni Papa sa kaibigan kong ngayon ay malawak ang ngiti.

"Talaga Tito? Hala, thank you po. Nakatipid pa sa pamasahe," biro niya na itinawa naman ni Papa.

Habang papalakad sa pasilyo ng building kung saan kami mag-eexam, mayroon akong narinig na mga bulungan at usap-usapan.

"Diretso tayo sa Plaza. May libre raw bunot ng ngipin. May medical mission kasi,"

"Ay talaga! Didiretso ako. Nandon daw yung poging anak ni Doctora. Ayun lang ipupunta ko roon,"

"Pogi ba talaga siya? Ano na uli pangalan nung anak ni Doctora?"

Narinig din ata ni Verity yung mga bulungan dahil agad niya akong siniko at kinausap, "Uy, diretso rin tayo sa Plaza. Pagkatapos ng exam, huwag mo muna i-chat si Papa mo. Daan muna tayo roon para makita yung pogi o 'di kaya magpalinis din tayo ng ngipin."

Like Saturated Clouds (Arbitrary Series #1)Where stories live. Discover now